Tulad ng Inaasahan, sinisiraan na ng kampo ni Binay si Grace Poe
Posted on Tuesday, 2 June 2015
Tulad ng Inaasahan
Sinisiraan na ng
Kampo ni Binay si Grace Poe
ni Apolinario Villalobos
Sa ganito kaaga, napapaghalata na ang pagka-trapo ni VP
Binay. Dahil sa pagkadismaya sa pagpirma ni Grace Poe sa rekomendasyon upang
imbestigahan na siya korte pati ang kanyang junior na anak, lalo na dahil sa
ugung-ugong na tatakbo pa ito sa pagka-presidente, mga personal na bagay na
kinakalkal ng kampo niya.
Ang mali ng kampo ni Binay, ginamit pa ang isyu sa pagiging
adopted ni Grace, dual citizenship, at kawalan ng residency, kaya hindi daw ito
kwalipikadong tumakbo sa pagka-presidente. Puro palpak ang mga isyu laban kay
Grace. Noon pa mang estudyante si Grace, alam na nitong ampon lang siya at
ikinuwento pa nga niya kung paano nangyari ito. Ang dual citizenship ay matagal
na ring nasagot ni Grace na nawalan ng bisa ang kanyang American citizenship.
Ang sa residency issue naman, history na rin ito dahil matagal na ring nasagot.
Kaya kinakasuhan ang mga Binay sa mga ginawang pagnanakaw ay
puro mali ang mga stretehiya ng kampo niya. Nagmumukha tuloy silang timawang
nakatalungko sa kangkungan.
Mabuti naman at sumagot si Grace na nagsabing okey lang ang
mga binabato sa kanya, kaysa naman sa kasong plunder – pagnanakaw.
Sa isyu ng pagtakbo sa presidency, si Grace ay ang tinatawag
na “underdog” o inaapi, pero sabi ng marami, si Binay naman ay “dog” daw. Mahal
ng mga Pilipino ang mga inaapi dahil sa pagkagusto ng mga Pilipino sa mga
ma-dramang kwento.
Discussion