Showing posts with label Department of Energy. Show all posts

0

Ang Negosyo sa Kuryente...at ang maagang pangangampanya ni Jericho Petilla

Posted on Sunday, 7 June 2015



Ang Negosyo sa Kuryente
…at ang maagang “pangangampanya” ni Jericho Petilla
Ni Apolinario Villalobos

Kasama sa pagnenegosyo ang agam-agam sa pagbagsak o pagkalugi nito. Ang negosyante ay dapat maging handa kung ano ang gagawin sakaling ito ay mangyari. Kasama sa kahandaan ang pagbalik ng nawalang puhunan at pagtanggap ng pagkakamali. At, upang hindi na maulit pa, dapat kilalanin ng negosyante ang uri ng kanyang mga kostumer upang makaisip siya ng angkop na istratehiya o pamamalakad.

Ganyan dapat ang MERALCO at iba pang ahensiya na may kinalaman sa negosyo ng kuryente. Ang palaging sinasabi nilang dahilan upang makapagtaas ng singil ay ang pagkalugi daw. Paano silang malulugi, ganoong sila lang naman ang nagpapatakbo ng industriyang ito? Ang mga tao ay walang mapagpilian dahil ang MERALCO ay nag-iisa, kaya walang kakumpetensiya na maaaring maging dahilan ng agawan ng mga kostumer.

Mismong MERALCO ang umaamin na malaking boltahe ng kuryente ay ninanakaw dahil sa mga illegal na koneksiyon. Bakit hindi nila gawan ng paraan upang matigil ito? Bakit nila ipapataw ang kalugian sa ibang mga kostumer na hindi naman gumagawa nito? Ibig bang sabihin, halimbawa, ay magtataas ng presyo ang isang grocery dahil madalas silang kupitan o di kaya ay holdapin?

Yong sinasabi namang “nawawala” na kuryente dahil sa haba ng dinadaluyan nito, kaya pagdating nito sa malalayong customer ay mahina o manipis na, ay isinasama pa rin sa paniningil sa lahat. Kasalanan ba ng mga kostumer kung palpak ang paraan nila sa paglatag ng mga kable?  Ibig bang sabihin, sa pagdeliber halimbawa ng buhangin, dahil hindi maganda ang disenyo ng trak kaya maraming natatapon, ang mga natapon ay ipapataw sa omorder?

Hindi makatarungan na ang ganitong uri ng “pagnanakaw” ay gawin ng mga negosyante ng kuryente sa mga kostumer. Subali’t dahil umiiral, pagpapakita lamang ito ng kahinaan at pagka-inutil ng pamahalaan at ng ahensiyang may kinalaman dito, ang Department of Energy. Dapat, anuman ang mga kalugian ng mga negosyante sa kuryente ay sarilinin nila, dahil inaasahan silang handa sa ganitong pangyayari. Kung hindi naman napaghandaan, dapat ay aminin nila at bitiwan ang negosyo upang mahawakan ng ibang responsable, matino, at matapat – hindi mapanlinlang!

Ang masakit pa ay ang paggastos ng milyones para sa informercial ng hepe ng Department of Energy, si Jericho Petilla na animo ay  nangangampanya na sa pagka- senador sa 2016 election. Ginagawa niyang tanga ang mga tao sa pagsasabi ng mga dapat gawin upang makatipid sa kuryente, ganoong, ang mga ito ay matagal nang alam maski ng mga bata.



0

Ang Pagpapaka-trying Hard ni Jericho Petilla upang Makilala

Posted on Friday, 5 June 2015



Ang Pagpapaka-trying Hard ni Jericho Petilla
Upang Makilala
Ni Apolinario Villalobos

Dahil gusto yatang tumakbo bilang senador, si Jericho Petilla na kalihim ng Department of Energy ay biglang nagkaroon ng “infomercial” tungkol sa tamang paggamit ng kuryente. Napaka-tasteless at useless ng “informercial” na ito, na malamang ay ginastusan ng milyones, dahil sa MERALCO naman mismo ay may mga brochures na pinamimigay kung paanong makatipid sa paggamit ng kuryente, at kumpleto pa.

Trapong-trapo ang dating ni Petilla sa pag-trying hard niya upang makilala at matandaan ng mga tao. Hindi siya dapat mag-alala dahil kahit hindi naman magwaldas ang ahensiya ng pera upang ipangalandakan ang plano niyang pagpasok sa pulitika, matatandaan naman talaga siya – BILANG ISANG KALIHIM NA WALANG GINAWA. Naging spokesperson lang siya ng mga negosyante ng kuryente dahil dina-justify niya ang mga kapalpakan nila at ng maya’t mayang pagtaas ng presyo.

May mataas na pinag-aralan si Petilla kaya dapat alam niyang ang mga kalugian ng mga negosyante ng kuryente ay hindi ipinapapataw sa mga consumers. Sa prinsipyo ng negosyo, ang taong papasok dito ay dapat handa sa lahat ng mga pangyayari, lalo na sa pagkalugi. Subalit, sa halip, ang mga power provider ay nagtataas ng presyo kung may mga shutdown o power failure upang mabawi daw ang lugi nila. Ang ganitong maling gawain ay dapat alam ni Petilla o baka nagbubulag-bulagan lamang siya. Dapat ay itong mga provider pa nga ang magbayad sa mga consumers dahil sa hindi birong konsumisyon na dulot nila sa mga tao, lalo na sa mga negosyante.

Si ginagawa ni Petilla ay nabisto na siya pala ay galing sa pamilya na guilty sa issue ng political dynasty. Kaya hindi rin siya naiibang TRAPO! Nakalimutan yata niya na nakakadalawang taon pa lang siya sa puwesto ay nanawagan na ang mga tao na bumaba siya. Pero tulad din ng ibang appointees ni Pnoy na makapal ang apog, kapit-tuko din siya puwesto. Ngayon ay umaapela pa!...baka akala niya ay kaakit-akit ang imahe niya!



0

Why Not Organize Power Consumers into Clustered Cooperatives...and let them operate their own energy source?

Posted on Sunday, 3 May 2015



Why Not Organize Power Consumers into Clustered Cooperatives
…and let them operate their own energy source?
By Apolinario Villalobos      

If power consumers or in layman’s lingo, the users of electricity will be clustered in cooperatives, many pains in the neck will be eliminated, such as:
-inefficient local power cooperatives
-MERALCO and the grid network system
-inefficient Department of Energy
-overdependence on fossil fuels such as oil and coal

The move, aside from encouraging the development of ideas on how to harness more renewable energy resources, can also promote:
-recycling of waste that can be transformed into bio-mass
-development of cooperation among local residents
-more awareness on the need to protect nature

The following is the macro plan:

Clustering need not be difficult to initiate as it can be based on the existing barangay system. The clusters may be composed each of 10 households. Those in the province can make use of the available energy resources that can be harnessed such as rivers, waterfalls, lakes, waves from the sea, or waste from homes and business establishments. Barangays without those resources shall make use of the solar energy. Households that are located far from the center of the barangay shall be provided with individual solar energy set. Schools shall be provided with their own solar energy set.

In the city, those that are in the heart of the metropolis can make use of the solar power and the same clustering system mentioned earlier for the province shall be used. However, those near the dumpsites can make use of the waste that is being accumulated for years. As in the province, schools in the metropolitan barangays shall also be provided with their own solar energy set.

Factories shall be required to put up their own solar power facilities, before they can be permitted to operate.

Entities such as MERALCO and others that set up the web of power lines, shall be required to dismantle them immediately.

Honest-to-goodness cooperatives, with all the barangay residents as members shall operate the system. No private entity shall be allowed to take part. Privately practicing professionals in the field of energy, particularly, renewable resources may be hired if necessary, but only as Consultants.

Protection for the facilities shall be provided by the cooperatives with the assistance of the barangay units.

The initial fund for the operation shall come from the Malampaya project which shall be sustained for at least three months. Subsequent operational expenses shall come from the minimal monthly membership fee paid by the members and the subsidy from the Malampaya fund. The monthly subsidy from the Malampaya project, shall be distributed among the barangays based on their population.

The cooperatives have an option to operate as savings and loans organizations, duly incorporated so that the membership fees can be utilized in revenue generating projects such as cooperative store, handicraft production, and loans for members. The subsidy from the Malampaya fund shall not be used in the revenue generating venture as it is against the policy, hence, held and secured in a separate account.

The project shall be audited on a quarterly basis by the Commission on Audit with copies of records provided to the barangay units, as well as, municipal and city Auditors for close monitoring.

0

Nanguna na naman ang Department of Energy!

Posted on Wednesday, 26 November 2014



Nanguna na naman ang
Department of Energy!
Ni Apolinario Villalobos

Ipinakita na naman ng Department of Energy (DOE) ang pagiging tagapagsalita nito, ng mga kumpanya ng langis, sa pagsabi na asahan na ang pagsirit ng mga presyo ng langis sa Maynila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa pagpaalis sa kanila sa Pandacan depot. Dapat hinahayaan na lang nito ang ang mga kumpanya ng langis na maglabas ng mga saloobin tungkol sa epekto ng kanilang paglipat. Mismong Petron na nga ay nagsalita na hindi sila magtataas, na ibig sabihin, kung kaya nilang magmintina ng mga presyo, dapat kaya rin ng iba. Kung may mga presumptions ang (DOE), dapat ay hindi nila isa-publiko, dahil magpapalakas lamang ito ng loob ng mga kumpanya ng langis na magtaas ng presyo dahil inaasahan na pala ng taong bayan….sa tulong ng isang  magaling na ahensiya ng gobyerno.

Ang mga sasarilining presumptions ng (DOE) ay dapat na gawin nilang batayan sa pagsalag kung may mga pagtaas ngang mangyayari. Ganoon dapat kung magtrabaho sila – may mga alternatives na mga kung ilang “plans”, gaya ng “plan A”, “plan B”, etc., - mga batay sa sitwasyon na maaaring mangyari, hindi yong mag-react agad sila na pabor pa sa mga kumpanya.

Dahil ginagawang dahilan sa pagtaas ng presyo ang inaasahang paggamit ng maraming delivery trucks at pagbigat ng trapik, ang isa sa mga paraan na maaaring gawin ay ang paggamit ng Pasig River upang makaiwas sa trapik ang mga delivery trucks. Maaaring gumamit ng mga barge na maglilikas ng mga delivery trucks patungo sa mga itatalagang daungan ng mga ito sa mga strategic locations sa Maynila. Sa puntong ito makakatulong ang DOE, dahil maaari nitong pangunahan ang pagpagawa ng mga daungan. Makakatulong din kung gagamit ng floating refilling barges ang mga kumpanya ng langis para sa mga istasyon na nasa Metro Manila lamang. Ang mga floating refilling barges ay madaling proteksiyunan laban sa mga terorista na siyang dahilan kung bakit pinaalis ang mga kumpanya ng langis sa Pandacan. At upang hindi makaapekto sa trapik, dito na dapat ipasok ang istriktong pagpatupad ng iskedyul sa paggamit ng kalsada para sa mga delivery trucks.

Dapat itigil na ng DOE ang pagmamagaling sa pamamagitan ng pagsalita agad bilang reaksiyon pabor sa mga kumpanya ng langis, sa halip na hadlangan ang mga pagtaas ng presyo na kadalasan ay hindi makatarungan. Dapat tumigil na ito sa pagmamagaling na ampaw naman pala, dahil hanggang ngayon ay wala pang napatunayang ginawang makabuluhan para sa taong bayan. Dapat magtrabaho sila ng maayos – gumawa ng mga planong batay sa mga sitwasyon, na inaasahan ng taong bayan. Hindi nakakatulong ang pagsasalita ng mga tauhan nito na animo ay mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis na mula pa man noon ay nagkamal na ng limpak limpak na yaman!