Showing posts with label DAP. Show all posts

0

The Ombudsman's Declaration to investigate Abad on DAP and PDAF is Doubtful and "clearing" the President is Dubious

Posted on Friday, 2 October 2015

The Ombudsman’s Declaration
to Investigate Abad on DAP and PDAF is Doubtful
and “clearing” the President is Dubious
By Apolinario Villalobos

Every time the Chief of the Department of the Budget Management (DBM) releases a certain fund, he has to secure first the approval of the President of the Philippines which is a standard operating procedure. The President on the other hand is supposed to have been briefed on the details surrounding the fund as explained by the Chief of the DBM before the former signs the pertinent documents. Where is the logic then, in the declaration of the Office of the Ombudsman that while it absolves the President on the issues of the PDAF and DAP, the DBM Chief will be investigated? Why is the principle of the command responsibility not applied in this case? On the other hand, the President has a full knowledge of what he was approving, so he cannot just wash his hands.

The act of the Ombudsman is tantamount to a “moro-moro” which is just for show. It is obvious that there is a concerted effort from all sectors of the administration to “clear” the President before he steps out of Malacaan in 2016. At the last minute, he even changed his tune on the issue of the Mamasapano, although, it is also doubtful if justice can indeed be reaped while he is still around. His declaration on the Mamasapano massacre also shows another act of washing of hands, and passing of the buck to the incoming administration. Even the Maguindanao Massacre case still has to step on the first base as in the game of baseball, although, the president has made statements about his “giving instructions” to expedite the investigation which just raised the eyebrows of the skeptics.

The Office of the Ombudsman is clearly doing a hectic clearing effort to prevent the filing of cases, or at least reduce their number, as Pnoy will definitely suffer the same fate of Gloria Arroyo, as soon as he steps down. The objective has been implied when the Palace made a follow up statement to the Ombudsman’s declaration, that it has to be “respected”.

Lately, the DBM Chief has sort of complained when he said that he is just recommending and that the President has the final say…so, the picture is clear as regards the guilty party. Could this mean that the latest washing of hands of the President will cause a rift between him and his long-time trusted friend Abad? This happened between Vitangcol, the former chief of the MRT and his boss, Jun Abaya, chief of the DOTC, when the former was suddenly dropped like a hot potato, after a graft case was filed against him. Abaya eventually complained, “bakit ako lang?” (why single me out?, or why only me?), insinuating that all final decisions come from Abaya.

That’s how “colorful” and “suspenseful” are the happenings in the administration of President Pnoy…as he leads the country towards his “tuwid na daan” (straight path”. I just hope that the road does not end at a precarious cliff!


0

May DAP pa rin pala

Posted on Tuesday, 2 September 2014



May DAP Pa rin Pala
By Apolinario Villalobos

Ang sabi ng Malakanyang ay wala na raw DAP sa budget nila, subali’t mismong mga kaalyado nila ang nagsasabi na ito ay pinalitan lang ng pangalan na “Grassroots Participatory Budgeting Program”. Ang maging wa-is nga naman! Sa bagong sistema, ganoon pa rin ang magiging kalakaran, na ang mga mambabatas pa rin ang may huling desisyon kung anong proyekto ang bibigyan ng prayoridad. Kunwari lang ay sinabi nilang may partisipasyon ang “grassroots”, na ibig sabihin ay ang mga “boss”, pero hanggang rekomendasyon lang din sila dahil ang bagsak nito ay sa mga kamay pa rin ng mga ganid na mga mambabatas. Ang korapsyon ay iiral pa rin subalit namamaskarahan lang ibang mukha!

Bakit hindi na lang kasi ibigay ang responsibilidad sa mga ahensiyang nagpapatupad ng mga proyekto at sila ang tutukan kung maayos ang ginagawang trabaho. Bakit kasi hindi na lang palakasin ang sistema at responsibilidad ng Commission on Audit o COA, na nagrereklamo na kulang sila ng mga tao. Makailang beses nang naringgan ang COA ng dahilang kulang sila ng mga tauhan, tuwing sila ay iimbistigahan tungkol sa mga anomalya.  

Kapag nawala na sa responsibilidad ng mga mambabatas ang ganitong “obligasyon” ay siguradong makakatutok na sila sa paggawa ng mga batas at pagrepaso upang mabago ang iba pa na hindi na tugma sa bagong panahon. Naparami nang mga batas ang outdated, at dapat nang mabago. Ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon na ng mga tunay at sinserong mga mambabatas na magtatrabaho na ng maayos ayon sa kanilang pinanumpaan dahil hindi na sila mag-iisip ng kung ano pa, lalo na ng kung paano silang mangurakot sa kaban ng bayan. Siguradong magtutulakan na ng tatakbo sa pulitika dahil wala nang kita, puro trabaho na lang!

Pati ang pagtalaga ng mga lump sum sa budget ng Malakanyang ay tila wala rin sa ayos. Dahil ang sinasabi nila ay hindi daw malalaman kung gaano kalaki ang magiging gastusin hangga’t wala pang tumatamang kalamidada, halimbawa. Sa dami ng kalamidad na tumama sa Pilipinas at nagdulot ng iba’t ibang antas ng kasiraan, imposibleng hindi matantiya ang kailangang halaga upang talagang maitalaga bilang general appropriation. Kung hindi kasi talagang natutukoy ang halaga ng budget kahit na tantiyado lamang, hindi mawawala ang pangamba na ang pondo ay maabuso dahil sa ito ay “discretionary” na ibig sabihin ay depende sa desisyon ng Pangulo. At least, kung may numero sa budget, may basehan sa pag-audit. Kung mga salita lang, ano ang aawditin?  Sa kabila ng mga mga aligasyong ginamit ang nakaraang DAP upang makapamili ng boto sa pagpatalsik kay Corona at kung anu-ano pang sinasabing “goodwill” para sa mga kaalyadong mambabatas, at pati na mismong Supreme Court ay nagdesisyon na ang DAP ay unconstitutional, tila wala pa ring epekto sa Pangulo ang lahat. Tila ba nananadya pa sa pagsuwag sa Kataas-taasang Hukuman.

Paano niya mabawi ngayon ang tiwalang nawala sa kanya? Nakalulungkot isiping buo ang paniniwala niya na nasa panig pa rin niya ang mga taong bayan, gayong kaliwa’t kanan na ang pagtuligsa sa kanyang administrasyon. Hantaran na ang pangangantiyaw na ang ibig sabihin daw ng DAP ay “Drilon-Abad-Pnoy”. Hindi lang iisang istasyon ng radyo at commentator ang nagbo-broadcast nito. Kaylan kaya maliwanagan ng isip ang Pangulo? Nakikinig ba talaga siya sa kanyang “mga boss”?


0

Nadulals sa Pagsabi? O, sinadya

Posted on Friday, 22 August 2014



Nadulas sa Pagsabi? O, Sinadya -
“…kung may eleksiyon sa 2016…”
Ni Apolinario Villalobos

Talagang lumalabas na sa bibig mismo ng taga-Malakanyang na walang balak bumaba ang pangulo pagdating ng 2016. Maski pa sabihin pa ng kanyang ka-partido na talagang magkakaroon ng eleksiyon. Ang mga taga-Kongreso naman na kaalyado ay nagkukunwaring hindi sila papayag kung magkaroon man ng charter change, ito ay para lamang sa probisyon na pang-ekonomiya, at hindi gagalawin ang tungkol sa pulitika. Sino ang paniniwalain nila? Ang mga Pilipino ay nasanay na sa mga ganitong pananalita ng mga pulitiko. Kung gaanong kadali sa kanila ang magpalit ng partido o kulay, mas lalong madali para sa kanila ang magbago ng sinabi – dahil may malaking halimbawa…ang pangulo mismo na pabago-bago ng mga sinasabi at nagsasabi pa nga ng mga kwestiyonableng accomplishments ng kanyang administrasyon, batay sa ulat ng kanyang mga trusted na mga alalay!

Sa pagkampanya pa lamang ng pangulo noon, parang sirang plaka niyang sinasabi ang tungkol sa “matuwid na daan”, ang pagbaba sa 2016, ang pakikinig sa kanyang mga boss, at kung anu-ano pa…may natupad ba? Lalong lumala ang kanyang gawi nang manungkulan at inalalayan ng mga taong sobra niyang pinagkatiwalaan na nang lumaon  nagdiin lang sa kanya sa putik ng alanganin. Sa kabila ng mga payong bitiwan niya itong mga tao upang matuloy ang pagpapatupad niya ng mga pagbabago at pagtahak tungo sa matuwid na daan, hindi niya ginawa.

Paano niyang masabi na magaganda ang mga layunin niya, ganoong napapaligiran siya ng mga taong tiwali? Paano niyang bibitawan halimbawa si Abaya na mataas ang pwesto sa Liberal Party? Paano niyang bibitawan si Abad at Roxas na malaki ang mga  nalalaman sa mga kahinahinalang mga desisyon niya? Paano niyang bibitawan si Soliman at Alcantara na malaki ang sinakripisyo para sa kanya noong panahon ng eleksiyon? Marami pa sila…

Bakit hindi magsalita si Pnoy, once and for all tungkol sa issue ng term extension niya, na ang palaging sinasagot niya ay “pakikinggan ko muna ang sasabihin ng mga boss ko”? Alam niyang hindi dapat i-extend ang term ng presidente kaya nga ginawang 6 na taon sa halip na 4, kaya dapat niyang unawain na walang kundisyon ang kanyang pagbaba, gaya ng pagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya. Kung hindi niya sinabi ang kundisyon na yon, wala sanang problema, subali’t halatang may bumulong dahil ilang araw lang ang nakaraan pagkatapos ng SONA kung saan sinabi niyang “finish or not finish, pass your paper”, na ibig sabihin, ano man ang mangyari ay bababa siya, bigla siyang kumambyo, umikot 360 degrees pa at nagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya! Marami tuloy ang nagsasabi na para niyang ginagawang laro ang pagka-presidente ng bansa! At sinasabi na rin ng iba na ang mga boss pala niya ay yong mga nakapaligid sa kanya!

Kapos sa panahon kung ipagpipilitan ang term extension dahil sa mahabang proseso. Hindi aabot sa panahon ng eleksiyon sa 2016. Ang pag-asa niya at ng kanyang mga kaalyado ay magkaroon ng senaryo upang maging dahilan sa pagdeklara ng Martial Law….na huwag naman sana. Iisa lang ang senaryo na maaaring mangyari, ang banta sa kanyang buhay na ipinahiwatig niyang mayroon daw, noong mag-deliver siya ng SONA. Testing kaya ang senaryo ng babaeng may dala ng baril at sumugod sa Malakanyang? Tanong lang yan…

Hindi maatim ng presidente na bababa siya na maraming mga nakabiting issue na sisira sa kanyang panunungkulan, lalo na kung ang mga ito ay makakasira din sa pangalan ng kanilang pamilya. Itinuturing na “bayani” ang kanyang tatay, kahit hindi ito tanggap ng iba. Ito ang umuukilkil sa kanyang konsiyensiya, kaya kailangang maiwasto niya ang alam niya ay mga maling nagawa. Magagawa lamang ito kung siya mismo ang gagawa… kung mai-extend ang kanyang panunungkulan, lalo na at may  nakabinbin ding kaso ng corruption laban sa kanya dahil sa DAP na gusto din niyang mabura. Ayaw niyang matulad kay Gloria Arroyo na pagbabang-pagbaba ay nagkaroon ng kaliwa’t kanang mga kaso. Maski papaano ay may talino pa rin siya upang maunawaan na sa pulitik ay natitira ang matibay, ang may halang na bituka, ang may makapal na mukha, at lalung-lalo na… kung saan ay walang permanenteng kaalyado o kaibigan!

Nakita ng pangulo at ng buong bansa na walang nagawa ang mga dating kaibigan o kaalyado ni Gloria nang siya ay sampahan ng kaliwa’t kanang mga kaso. Lahat sila tumahimik at pasimpleng lumipat ng bakod…to survive, wika nga sa madugong larangan ng pulitika. Sa pagbabalik-tanaw, sino ang mga pumaligid sa dating presidenteng Cory Aquino nang siya ay naluklok bilang presidente, di ba yon ding mga taong sipsip kay Marcos? Sino ngayon ang mga nakapaligid kay Pnoy, di ba karamihan ay mga dating tauhan din ni Marcos at Arroyo? Nakakabilib ang mga hunyangong survivors na hindi maintindihan kung may konsiyensya o wala, pero ang sigurado ko, maitim pa sa uling ang kaluluwa. Ganyan ang buhay sa pulitika ng Pilipinas na ang naboboldyak ng mga hindi magandang resulta ay mga Pilipino!

Alam ng pangulo na pagbaba niya, kanya-kanyang pagligtas sa sarili ang mangyayari mula sa kumunoy ng katiwalian ang mga senador, mga kongresista at mga opisyal sa gobyerno at magagawa lamang ito kung may mapagtatapunan sila ng sisi. Sa pagkakaalam ko hindi si Napoles ang sisisihin uli…pero malamang alam ng presidente kung sino, kaya siya kabado!

Madali lang namang sabihing, “hindi ako humingi, pero binigyan ako”….di ba?

0

Ang Pagkadesperado ni Janet Lim Napoles

Posted on Tuesday, 8 July 2014

Ang Pagkadesperado ni Janet Lim Napoles
Ni Apolinario Villalobos

Hindi dahil undergraduate siya ay dapat patuloy na magmaang-mangan si Napoles at umakting na inosente sa kasong kinasangkutan niya. Makapal ang mukha niya sa pagsabing hindi niya alam na mali pala ang ginawa niya. Nitong huling araw, sa ka-kapalan ng mukha niya, gusto pang idamay ang simbahang Katoliko sa kanyang kabalbalan. Nakikiusap siyang kanlungin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Wala na yatang natirang delikadesa at kapirasong konsiyensiya sa pagkatao niya. Hindi na siya kinilabutan sa kanyang hiling. Maski ang namayapang si Gng. Cory Aquino ay hindi lumapit sa CBCP upang humingi ng proteksiyon. Sa halip siya ay kusang inalayan nito ng mga pari kaya sa isang seminary siya nagkanlong.

Maalala na may minimintinang retreat house o prayer house si Napoles na pinangangasiwaan ng naguyo niyang mga pari, na ewan kung inimbistigahan ng simbahang Katoliko ngayon. Dito niya unang ikinulong si Benhur Luy, pinagwardiyahan sa mga pari upang hindi makatakas. Pinalabas na pinag-retreat si Luy upang magsisi sa ginawa niyang panlalamang sa kanya (Napoles)! Tindi talaga! Ayaw niyang dumiretso si Benhur Luy sa mga “kliyente” niya, kaya binigyan niya ng leksiyon, na isang malaki niyang pagkakamali. Ang prayer house ang naging mitsa sa pagputok ng balita at nagkompirma na mayroon siyang ginagagawagn kababalaghan, kasabwat ang mga mambabatas.

Akala ni Napoles, dahil may siniswelduhan siyang mga pari na nagma-manage ng retreat house niya, ligtas na siya sa kasalanan. Ganito rin ang style ng isang mayor Sanchez na taga- isang bayan ng Laguna na convicted dahil sa pagka-rape niya sa isang estudyante na pinatay niya pagkatapos, kasama ang boyfriend nito. Pinalabas na hindi niya magagawa ang nakakarimarim na krimen dahil deboto siya ni “mama Mary”, religious daw siya at ilang beses sa isang araw pang nagro-rosaryo. Sa likod ng imahen ng Virgin Mary ito nagtago, dahil wala siyang retreat house.  Hanggang makulong siya, kasama niya ang maliit na rebulto ng Birhen. Nagtaka ang mga tao sa kulungan kung bakit tuluy-tuloy ang pagkawala ng kanyang katinuan at nakikitaan ng mga palantandaang makikita lamang sa mga drug addict. Yon pala, may stock siya ng droga na itinatago sa butas ng bandang ilalim ng rebulto! Si Napoles, saan kaya niya itinatago ang mga milyones na ninakaw niya?...sa loob kaya ng mga rebulto ng mga santo niya sa retreat house?

Dapat imbestigahan kung bakit may lakas ng loob si Napoles na magbitaw na masasabing pambihira o unusual na kahilingan sa mga Obispo… may pagkakampante ang hiling, na para bang inaasahan niyang siya ay mapagbibigyan. Hindi kaya dahil nawisikan niya ang mga ito ng grasya noong siya ay nasa laya pa, kaya ganoon ka-casual nang magbitaw siya ng hiling, at sa pagkakataong ito, siya ay “naniningil” na?  Minsan nang may umaming Obispo na nakatanggap ng pork barrel fund, mula sa gobyerno subali’t nagdepensa na “hindi daw niya alam” na galing ito sa pork barrel. Meron kaya sa kanila ang nakatanggap ng “grasya” mula kay Napoles?

May naguyo si Napoles na mga pari na nagbabantay sa retreat house niya…bakit hindi imbistigahan kung paano niya ito nagawa? Huwag nilang sabihin na legitimate ang retreat house na pinatatakbo ng religious group at “tinulungan” lang ni Napoles, dahil ganoon din ang ibig sabihin noon…kahit palabasing ang retreat house ay “donation” ni Napoles sa religious group at regular niya itong binigyan ng suporta para mamintina. Maganda nga namang pang-kober sa kanyang pagnanakaw sa kaban ng bayan…kung baga, inisip niya na magkasala man siya, meron siyang matitinik na taga-dasal upang mailigtas sa apoy ng impiyerno…mga pari pa, hindi tulad ng mga ordinaryong taong nagpapadasal sa simbahan ng Quiapo at katedral ng Sto. Nino sa Cebu, na ang gumagawa ay mga matatandang babae lang. Kung hindi alam ng mga naguyo niyang pari at iba pang mga taga -simbahang Katoliko ang mga illegal na mga gawain ni Napoles kahit bina-blind item na ang mga ito sa mga diyaryo at mismong mga broadcaster sa radio nang kung ilang taon na, aba’y nakapagtataka na! Bingi ba sila o hindi nagbabasa man lang ng diyaryo?…. hindi kaya na nagpapatunay lamang ito na tama ang kasabihang walang pinipili ang natatapalan ng pera?  


Ang taong may kulay- abong kaluluwa nga naman, gagawin lahat, makalusot lamang!