Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso
Posted on Saturday, 7 October 2017
Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso
Ni Apolinario Villalobos
1.Karunungan - sa
sobrang kayabangan ng ilang tao dahil sa natanggap na papuri tungkol sa
kanilang karunungan, akala nila ay mas matalino pa sila sa Diyos, at lalong
higit ay ang pag-akala nilang sila na ang pinakamagaling sa balat ng lupa.
Gumawa din sila ng mga bagay na nakakapinsala sa buhay tulad ng droga, bomba,
lason, atbp.
2.Pananampalataya sa Diyos – ginamit ng maraming hangal na
makasarili at may isip-demonyong mga tao ang pananampalataya upang makapag-fund
raising. Nagtatag sila ng “charismatic groups” upang makapagpayaman. At, yong
ibang tumanda na sa propesyong ito ay ginamit ang pananamapalataya sa
pagbatikos sa LAYUNIN ng mga taong kumakalaban sa droga dahil hindi nila
ina-analyze ang “kalaliman” ng isyung ito na ang isa sa mga collaterals ay
pagkalagas ng mga buhay.
3.Tubig – Hinaluan ng alcohol na nakakalasing at mga kemikal
na nagbibigay ng panandaliang kasiyahan at pagkalimot sa sarili….mga party
drinks.
4.Hangin – binugahan ng tao ng usok mula sa kanyang sasakyan
at mga pagawaan kaya naging lason.
5.Pananim – inispreyhan ng insecticide kaya naging masama sa
kalusugan sa halip na makatulong.
6.Teknolohiya – ang mga resulta ng makabagong teknolohiya ay
may kapakinabangan sa tao subalit halos
lahat ng mga ito ay inabuso at ginamit sa kasamaan tulad ng internet,
cellphonoe, atbp.
7.Tiwala ng Kapwa – maraming tao ang umabuso sa tiwala na
ibinigay sa kanila ng kapwa kaya nagkaroon ng trauma o nadala ang mga mababait
na tao…ayaw nang tumulong sa iba.
8.Oras – Obvious ito lalo na sa mga kabataan ngayon…ang
tawag sa nag-aabuso sa oras ay batugan, makupad, tamad, atbp.
9.Tulong ng Kapwa – maraming mga natulungan ang hindi
kuntento sa ibinigay sa kanila at hindi nila naisip na hindi lang sila ang
nangangailangan ng tulong….ang gusto nila ay mapunta sa kanila ang lahat ng
tulong kaya ayaw na nilang magsikap upang makaraos kahit kaya na nila.
10.Sariing katawan – sa sobrang kaartehan ng ilan, sa halip
na ayusin lang ang mga bahagi ng katawan nila upang hindi masagwang tingnan ay
inabuso nila ito kaya may mga nagmukhang ibinabad sa arena ang balat o di kaya
ay mukhang bangkay dahil sa sobrang putla na akala nila ay “kaputian”. Ang iba
ay nangingintab ang mukha sa astringent na naglulusaw ng outer layer kaya
kalaunan ay nangitim dahil nasunog pagkatapos ma-expose ang “baby skin” sa
araw. Ang ibang minalas na nagpa-butox ng mga bahagi ng mukha upang mawala ang
kulubot ay hindi na makangiti dahil na-paralyze ang mga ugat. Ang puwet at suso
naman ng iba ay nagmukhang kamote na may mga ulalo dahil sa hindi maayos na
paglagay ng silicone. Ang mga nagpa- tattoo ng mga kilay sa mga dispalinghadong
beauty artists ay nagmukhang palaging nagugulat dahil sa sobrang taas ng
pagkapuwesto ng mga kilay. Ang iba naman ay nagmukhang kekay dahil sa laki at
haba ng tattoo, hindi proportion sa mukha….mas matindi ang malas na inabot ng
mga tinubuan ulit ng original na kilay na pinaahit upang malagyan ng
tattoo…nagkaroon sila ng “double surprise look” dahil sa dalawang set ng kilay!
11.Gamot – maraming gamot ngayon, lalo na ang iba’t ibang
anti-biotics ang pinagbabawal nang gamitin dahil sa pag-abuso ng mga karaniwang
tao na sa kaunting lagnat ay iinom agad ng gamot na “nirekomenda” ng kaibigan.
Ganyan din ang nangyari sa mga paracetamol at pain relievers.
12.Pag-ibig – hindi masama ang umibig, huwag lang itong
maging sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi rin dapat gamitin ang pagkahumaling
na palatandaan ng nakakadiliryong pag-ibig upang ang nawawala sa sarili dahil
sa sobrang pag-ibig ay buntisin o huthutan!
Ang unang pag-abusong naitala sa Bibliya na itinuturing na
alamat at bahagi ng babasahin ng mga Kristiyano ay ang pag-sira sa kabaitan ng
Diyos na ginawa nina Adan at Eba…na ang sanhi ay ang pag-abuso naman ni Eba sa
tiwala sa kanya ng kanyang partner na si Adan…ang pasimuno ng siraan ng tiwala
sa sinasabing paraiso ay ang ulupong naman. Nagkawing-kawing ang abusong ginawa
nina Adan, Eba, at ulupong….bagay na nangyayari din ngayon sa buong
mundo….kapwa sa kapwa…pamilya sa pamilay, bansa sa bansa!
Discussion