Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa Ibang Bansa
Posted on Wednesday, 11 October 2017
Mga Napansin Kong Ugali ng Ilang Kababayang Nakatira sa
Ibang Bansa
Ni Apolinario Villalobos
Unang-una, bilib ako sa perception ng mga Pilipinong gumawa
agad ng desisyon na lisanin ang Pilipinas at manirahan sa ibang bansa dahil
napansin nilang hindi maganda ang pamamalakad sa gobyerno. Totoo naman, dahil sa
pag-usad ng panahon ay lalong dumadami ang problema lalo na sa korapsyon. Sa
kabila ng kanilang kinalalagyan ngayon, ang ilan sa kanila ay nakakapagpadala
pa ng mga impormasyon tungkol sa ginagawa ng mga kababayang NASA AMERIKA AT
IBANG BANSA na pilit na nagdidiskaril sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang hindi maganda ay ang ginagawa ng ilan na naghahambing ng
kinalalagyan nila ngayon sa kalagayan ng mga nasa Pilipinas. Mababasa ang takbo
ng kanilang isip sa mga comments nila tulad ng, “ano ba kayo diyan….!”, “mabuti
pa kami dito….”, “ano ba yang presidente NINYO….”etc. Ang mga sinasabi nila ay parang asin na
ibinudbod sa sugat na nagpapahirap na sa mga Pilipino dito sa Pilipinas.
Kung magbalikbayan naman ang ilan, unang napapansin agad ay
ang trapik na para bang ikinabigla nila, ganoong maski saang lupalop ng mundo
ay nakabalandra sa screen ng TV ang mala-impiyernong kalagayan ng trapik sa
Manila, Cebu, Davao at unti-unti na ring nangyayari sa iba pang panig ng bansa.
Para bang gusto nilang ipaalam na sila ay balikbayan, bagong dating, galing
abroad, etc….sosyal nga naman! Kapag nilapitan ng namamalimos, kunwari ay
mabibigla at magsasabi ng , “ano ba yan….bakit ayaw asikasuhin ng DSW?!”….NAKU
NAMAN, PARA BANG HINDI NILA ALAM ANG KORAPSYON SA PILIPINAS!
Noong sila ay hindi pa nakarating sa ibang bansa kaya
lumalanghap DIN ng maruming hangin ng Maynila at iba pang mauunlad kuno na mga
lunsod ng Pilipinas, alam na ng mga stateside Pinoy na ito kung anong uri ng
bansa meron tayo. Ang nadagdag lang sa landscape ay mga nagtatayugang
commercial at condo buildings at pagdami ng mga Intsik na namumuhunan saan mang
panig ng bansa…at, pagdagsa ng mga kababayang Badjao sa ilang lunsod. Dahil
diyan, huwag na lang sana sila magtaka pa dahil nababalitaan naman sila ng mga
kaanak na nasa Pilipinas.
Sa isang banda, bilib ako sa mga Pinoy sa abroad na ang
layunin ay kumita lang upang makatulong sa mga mahal sa buhay na naiwan sa
Pilipinas. Ang payo ko naman na unsolicited o hindi hiningi, yong mga
nakalutang sa ere (air) ng bansang tinitirhan nila, huwag nang magdagdag ng
pasakit sa mga naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga binibitiwang
unsolicited o hindi hininging arrogant comments, sa halip ay mag-imbita na lang
sila ng mga kababayan to join them…join the fun in their new heavenly “home”!
Discussion