Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit
Posted on Monday, 9 October 2017
Ang Kasuwapangan ay Kakambal ng Inggit
Ni Apolinario Villalobos
May mga taong ayaw na ngang tumulong sa kapwa ay gusto pang
angkinin ang dapat ay itutulong ng kaibigan o kaanak sa iba sa pagtanong na may
kasamang panunumbat ng, “paano naman ako?”….kahit obvious na hindi naman talaga
niya kailangan ang tulong o di kaya ay nakakaraos naman siya kahit papaano kung
ikukumpara sa talagang nangangailangan ng tulong. Napakahabang statement yan,
na ang tinutuko ay iisang salita lang…ang “kasuwapangan”. Sa simple pa ring
paliwanag, ang paghahangad ng mga bagay na nakalaan para sa iba ay palatandaan
ng kasuwapangan.
Suwapang ang taong naghahangad ng bahagi sa bawa’t bagay o
di kaya ay may kagustuhang magkaroon ng bawa’t bagay na nakikita niya sa iba.
Ang ganyang ugali ang tumutugon sa kasabihan sa Ingles na, “living up with the
Joneses”, na ibig sabihin ay pakikipagsabayan sa kapwa, sa lahat ng paraan
kahit hindi kaya.
Ang mataas na antas na kasuwapangan ay korapsyon dahil
hindil lang isa o dalawang tao ang pinahihirapan ng isang korap kundi buong
sambayanan. Sa antas na ito, ang kasuwapangan na naging korapsyon ay naging
kambal na ng pagka-ganid!
Dapat ay matuwa tayo kapag nakikita nating nakakaraos ang
ating kapwa dahil kabawasan sila sa mga dapat tulungan….hindi sila dapat
kainggitan. Sa isang banda naman, ang
mga ganid ay bantad o “numb” na sa mga nakikitang kahirapan ng mga tao dahil sa
pagnanakaw nila ng pera sa kaban ng bayan na dapat ay nakalaan sa mga
proyektong makabawas man lang sa paghihirap ng mga kapuspalad na Pilipino.
Discussion