Rosalinda
Posted on Friday, 27 October 2017
Rosalinda
(para kay Rosalinda Tambuyogan)
Ni Apolinario Villalobos
Inosenteng ngiti, sa labi ay namumutawi
Kahit sa kaunting kasiyahan na sa kanya’y dadampi
Sinapit niya’y higit pa sa maralitang kalagayan
Dahil hanggang lumaki, magulang ay di nasilayan.
Nagtiis sa piling ng sa kanya ay kumupkop
Nagpilit na siya ay mairaos sa kabila ng pagdarahop
Walang magawa pa, sa halip ay magpasalamat
Inunawa na lamang kahit sa maraming bagay ay salat.
Dahil gustong matupad ang mga pangarap
Siya ay hindi nag-aatubili sa masigasig na pagsisikap
Naglalakad sa ilalim ng matinding init ng araw
Wala mang laman ang sikmura niya, kahit kaning bahaw.
Ilang Rosalinda kaya ang meron sa mundo?
May mga pangarap na sana’y makaahon sa siphayo?
Sana ang katulad nila ay bigyan naman ng pansin
At, pang-unawa sa halip na walang awang libakin at kutyain!
Dampi – touch
Nasilayan- seen
Pagdarahop- difficulty, hardship
Salat- wanting
Hindi nag-atubili- did not hesitate
Kaning bahaw-leftover cold rice
Siphayo- distress
Kutyain-ridicule
Discussion