0

Mga Suggestion na Wild Ideas

Posted on Sunday, 8 October 2017

Mga Suggestion na Wild Ideas
Ni Apolinario Villalobos

·        Ilibing ang mga namayapang mahal sa buhay, sa madaling araw, pagkatapos ng huling lamay sa gabi. Sa ganitong paraan ay magiging tuluy-tuloy na ang pagpapagod  ng mga namatayang kaanak at ng mga nakikiramay na mga kaibigan. Kapag sa araw kasi ang libing, lalo na sa hapon, babalik pa ang mga nagpuyat sa huling lamay para makipaglibing naman. Para sa malalaking lunsod, malaking kabawasan ito sa trapik. Kasama sa serbisyo dapat ng punerarya ang pailaw sa prusisyon papuntang sementeryo at sa sementeryo mismo kung saan ilalagak ang labi ng namayapa.

·        Gawing renewable ang marriage contract, civil man o ginawa sa simbahan, at bigyan ng option ang mag-asawa kung ire-renew nila o hindi. May “renewable of vows” nga pero talagang renewal lang na purely ceremonial. Ang choice ay para sa kapakanan ng mga gustong maghiwalay nang legal pero hindi magawa dahil sa kamahalan ng proseso na inaaabot halos kalahating milyong piso. Ganoon din naman kasi ang nangyayari sa mga nagkasawaan na….kanya-kanya sila ng diskarte sa pagli-left turn na may kasamang patay-malisya. Ang umabot sa 50 years o mahigit pang pagsasama ay bigyan ng lifetime na supply ng asin na traditional na symbol ng preservation, pero yong pink salt na galing sa Tibet para may class.

·        Ikulong sa Muntinlupa o Bilibid ang mga pabayang huwes na naipunan ng mga kaso, na ang iba ay kinamatayan na ng nagreklamo o inireklamo. Magsasama sila doon ni de Lima na nang tumakbo bilang senadora ay kinalimutan na ang pangakong aaksyunan niya ang mga nakabinbing mga kaso, lalo na ang Ampatuan case.

·        Pakainin ng shabu na nilutong pulburon ang mga drug lords 3 times a day kapag sila ay nahuli, at sa halip na asukal, apog ang ihalo.

·        Ang mga mahuling kabataan na nagdo-droaga ay dapat ipasailalim sa seminar na ang magka-conduct ay MISMO mga matatandang obispong Katoliko na bumabatikos kay Duterte. Saan man ang mga kabataang nahuli ay dapat puntahan ng mga obispong ito… kahit sa Tawi-tawi o Batanes o Marawi. Sa ganyang paraan ay madanasan nila MISMO kung gaano kahirap ang gumawa ng hakbang upang mawala ang bisyong droga sa Pilipinas.

·        Tanggalin ang separation ng simbahan at pamahalaan upang pati mga tauhan ng iba’t ibang simbahan ay magkaroon pagkakataong mamuno. Dapat bigyan sila ng pagkakataon upang patunayan ang kanilang kakayahan sa pagpapatakbo ng gobyerno mula sa barangay hanggang national level upang maiwasan na ang sisihan. Kung noong panahon ng Bibliya, ang mga “patriarch” ay namumuno sa taong bayan…bakit hindi ulitin ngayon?

Kung minsan, makakaisip ng maraming bagay na sa panahong kasalukuyan ay imposible, subalit, sa mga susunod na dekada, imposible pa rin kaya ang mga ito?...ganyan ang nangyari sa inimbentong eroplano at barko na pinagtawanan sa simula dahil paano raw lulutang ang eroplanong sa hangin at barko sa tubig dahil sa bigat nila?

Discussion

Leave a response