Ang Mga Pagkakaiba ng mga "Private" at "Public" School Teachers
Posted on Thursday, 12 October 2017
Ang Mga Pagkakaiba ng Mga “Private” at “Public” School Teachers
Ni Apolinario Villalobos
Iisa ang pagkakatulad ng trabaho ng mga guro, ma-private o
ma-public man, at yan ay ang “layunin” ng kanilang ginagawa na magturo. Ang mga
pagkakaiba ay nasa uri naman ng kanilang “employer”.
Ang employer ng public school teachers ay taong bayan dahil
ang suweldo nila ay galing sa buwis. Ang employer naman ng private school
teachers ay mga negosyante.
Maraming pinagdadaanang “butas” ang pera na kailangan ng mga
public school teachers at marami ring sagabal na hindi kontrolado. Ang mga
sagabal na ito ay nadadanasan ng mga public school teachers na nakatalaga sa
malalayong barangay na ang iba ay nasa paanan o sa gilid ng bundok, at bago
marating ay kailangang tumawid pa sa mga ilog. Samantala, ang mga private
schools ay karaniwang matatagpuan sa mga barangay ng bayan at lunsod.
Kung may mga bagay na kailangan ang mga public school
teachers, pupunta sila sa principal na sasangguni naman sa district office, na
makikipag-coordinate naman sa mas nakakataas na opisina. KUNG NASAGAD NA PALA
ANG BUDGET, NO CHOICE ANG PUBLIC SCHOOL TEACHER KUNDI DUMUKOT SA SARILING
BULSA! Samantala, kung may kailangan ang private school teacher para sa
pagtuturo, lalapit lang siya sa kanyang employer na negosyante na obligado
namang gumastos…dahil negosyo niya ang eskwelahan. Yong isang dating schoolmate
ko na may isang eskwelahan na ngayon, siya mismo ang namimili ng mga gamit sa
eskwela dahil ayaw daw niyang masira ang quality ng pagtuturo ng kanyang mga
teachers.
Pagdating sa suweldo, nakakaungos na ang mga public school
teachers kahit kaunti dahil nagkaroon sila ng adjustment, pero kulang pa rin
kung tutuusin, batay sa kanilang ginagawa. Samantala, masuwerte ang mga teachers ng mga high-end o
“class” na mga private schools na naniningil ng lampas-ulong tuition fees dahil
malaki ang suweldo nila.
Dahil sa mga nabanggit, dapat ay tumahimik na lang ang mga
pumupuna ng negatibo sa ginagawang diskarte ng mga public school teachers upang
kahit walang nakukuhang suportang financial mula sa nakatataas sa kanila ay
tuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa, kaya kalimitan ay gumagastos sila ng
sariling pera. Hindi rin madaling
lumapit sa PTA dahil marami nang pinagbawal lalo na pagdating sa contribution.
Malabo rin ang pagboluntaryo ng mga magulang na todo-todo ang kayod kaya kulang
pa nga kung tutuusin ang buong araw upang kumita para sa kanilang
pangangailangan
ANG HIRAP KASI SA ILANG PILIPINO NA EWAN KUNG TANGA O
NAGTATANGAHAN LANG, MALIMIT NA GINAGAWA AGAD KAPAG MAY PROBLEMA SA ESKWELA AY
MAGTANONG NG, “BAKIT HINDI HUMINGI NG BUDGET?”, O DI KAYA AY, “BAKIT HINDI
I-INVOLVE ANG PTA?”. THE BEST AY TUMAHIMIK NA LANG SILA!
Discussion