Ang Pag-abuso sa mga salitang "Karapatang Pangtao" (Human Rights)
Posted on Thursday, 25 May 2017
Ang Pag-abuso sa mga salitang “ Karapatang Pangtao” (Human
Rights)
By Apolinario Villalobos
Maraming Pilipino ang nagmamagaling at nagmamarunong tungkol
sa “human rights” ganoong sila mismo ay hindi nagrerespeto nito. Sila ang mga
ipokritong human rights advocates….mga walang hiyang mapagkunwari. Akala nila
ang tinatawag na “human rights” ay hanggang sa karapatang mabuhay lamang. Ang
hindi nila alam dahil sa kanilang katangahan, pati ang pambabarat kapag bumili
ng isang bagay mula sa isang mahirap na tindera ay may kaakibat nang “human
rights”. Ang isang may kaya sa buhay ay hindi na dapat tumatawad kapag bumili
sa mga nagtitinda sa bangketa halimbawa, o di kaya ay mga nagtitinda na ang
ginagamit ay kariton na nag-iikot sa mga subdivision. NAPAKARAMI kong alam na
ganyan ang ugali, mga nakatira pa sa mga mararangyang subdivision pero kung
baratin ang nagtitinda na maghapong nagtutulak ng kariton ay ganoon na lang. Tinatakot
pa ang iba na kung hindi sila pagbibigyan ay irereklamo sila (mga nagtitinda)
sa barangay upang hindi na papasukin. MGA WALA SILANG KONSIYENSIYA DAHIL
KAKARAMPOT NA KIKITAIN SANA NG MALILIIT NA NAGTITINDA AY TILA NINANAKAW PA
NILA!
Maraming saklaw o concern ang “human rights” at ang simpleng
paalala tungkol sa mga ito ay, “nagtatapos ang karapatan ng isang tao, kapag
lumampas siya sa kanyang hangganan at tumapak sa karapatan ng iba”….sa Ingles,
“one’s rights end where the rights of others begin”. Para sa akin, ang isang
magnanakaw na naaktuhan sa loob ng bahay kaya napatay ng may-ari ng bahay ay
walang karapatang mabuhay….o di kaya ang isang drug pusher na sumira sa buhay
ng maraming kabataan at gumawa pa ng ibang krimen tulad ng panggagahasa ay
walang karapatang mabuhay. At, ang mga yudiputang mga kriminal na ito, kapag
nahuli ay may lakas pa ng loob na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office
(PAO), na ang mga abogado ay sinusuwelduhan ng taong bayan…all for the sake of
“due process” na bukam-bibig naman ng mga ipokritong mga human rights
advocates!
Ang hirap kasi sa iba, kapag nahuling nag-shoplift halimbawa
sa grocery, ang idadahilan ay mga anak na nagugutom….ang tanong ko diyan ay
kung bakit nag-anak sila ng marami ganoong hindi naman pala niya kayang buhayin….nagpakalibog
sila at pagkatapos ay walang pakialam kung ang anak nila ay lumalaking nanlilimahid.
Marami akong na-check na ganyan ang istilo ng pamumuhay at na-shock ako nang
malaman ko na may mga mag-asawang ang “hanapbuhay” ay panloloko sa kapwa o
swindling at pagnanakaw. At, habang lumalaki ang mga anak ay ginagamit rin nila sa masama nilang gawain.
Ang mga nang-iiskwat ay abusado rin pagdating sa “human
rights”. Alam nilang hindi kanila ang lupang iniiskwatan, subalit hindi sila
naghahanda para sa susunod na gagawin kapag pinaalis na sila, at sa halip ay
nagsisigaw ng “mayaman lang ba ang may karapatang mabuhay?” kapag pinaalis na.
May mga bahay sa squatter’s area na aircon at kumpleto sa iba pang mga gamit
tulad ng flat tv, 2-door ref, mga sala set at kamang mamahalin. Ibig sabihin,
kaya ng ilang iskwater na mag-ipon ng perang pambili ng kahit 50sqm. na lupa sa
mga bahagi ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Ang pinakamasama pa ay ang pagiging
“professional squatter” ng ilan. Nang-iiskwat sila kahit saan pwedeng iskwatan,
patatayuan ng maliit na barung-barong at pauupahan. Ang isang uri pa ng pagiging
professional squatter ay pagtanggap halimbawa ng offer ng gobyerno na mailipat
sila sa relocation site. Pagkalipas ng ilang taon ay babalik sa lunsod at
mang-iiskwat uli, samantalang ang bahay sa relocation site ay pauupahan.
Hindi ako anti-poor. Galit ako sa mga taong umaabuso ng
“human rights” at mga puitikong gumagamit sa kanila. Galit din ako sa mga
mapagkunwaring human rights advocate kuno, regular pang nagsisimba kung saan
mang sambahan nila pero ang simpleng karapatan ng kanilang kasambahay ay hindi
marespeto dahil palagi nilang minumura….at kung mamili sa mga sidewalk vendors
ay daig pa ang timawa kung tumawad!
Paalala lang sa mga taong mahilig pumapel….bago magsisigaw
ng human rights ng mga iskwater, drug pusher, magnanakaw, at iba pang kriminal
ay mag-isip muna ng ilang daang beses para hindi magmukhang tanga! Alam ng mga
kapitbahay ninyo ang ugali ninyo kaya siguradong pinagtatawanan kayo kapag
nakabasa ng mga mapagkunwaring comments ninyo sa facebook tungkol sa bagay na
ito.
AT, HIGIT SA LAHAT, ALAM NG NASA ITAAS KUNG ANO ANG MGA
KATARANTADUHANG GINAGAWA NINYO AT PILIT NINYONG PINAGTATAKPAN NG PALUHUD-LUHOD
SA SIMBAHAN, PAKOMUNYON-KUMONYON, PADASAL-DASAL NG ROSARYO, AT PASIGAW-SIGAW NG
HUMAN RIGHTS NG MGA KAWATAN AT DRUG PUSHER DAHIL PARA SA INYO AY TAO DIN SILA
AT MAY KARAPATANG MABUHAY…ISANG ADBOKASIYA NG BULAG, BINGI AT KAPALMUKS!...IBIG
SABIHIN, WALANG KONSIYENSIYA!
Discussion