0

Ang Sakit na "SCOOPOMITIS" ng Media

Posted on Wednesday, 24 May 2017

Ang Sakit na “SCOOPOMITIS” ng Media
Ni Apolinario Villalobos

HINDI DAPAT IPINAGYAYABANG NG MGA OPISYAL NG MILITARY ANG MGA ACTUAL OPERATIONS NILA SA PAMAMAGITAN NG PAG-IMBITA SA MGA TAGA-MEDIA NA MAG-COVER NG MGA ITO AT CLOSE RANGE O MALAPITAN, LALO NA ANG GINAGAWA NG MGA MAY HAWAK NG RADIO O COMMUNICATIONS FACILITIES NILA. DAPAT ISIPIN NG MGA OPISYAL NA NAKA-HOOK O NAKA-CONNECT DIRECTLY ANG MGA TAGA-MEDIA SA MGA PUBLIC MONITORS TULAD NG TV AT RADIO KAYA MARIRINIG KUNG ANO MAN ANG SABIHIN NG MGA NAG-RARADYO SA HEADQUARTERS O COMMAND POST. IBIG SABIHIN MARIRINIG NG BUONG BAYAN PATI NG MGA KALABAN ANG MGA IMPORMASYON TULAD NG LOCATION NILA, KAKULANGAN NG MGA GAMIT NA KAILANGAN NILA, ETC.

DAPAT GAMITING LEKSIYON ANG NANGYARI SA “LUNETA SIEGE”, NOONG KAUUPO PA LANG NI PNOY AQUINO BILANG PRESIDENTE NG PILIPINAS. NA-HOSTAGE ANG ISANG BUS NG MGA CHINESE TOURISTS AT SA LUNETA PINARADA ANG SASAKYAN. SA KATANGAHAN AT KAYABANGAN NG MGA TAGA-MEDIA, KINUNAN NILA ANG MGA GINAGAWA NG MGA PULIS SA LABAS NG BUS, BINOBRODKAST DIN NG MGA REPORTER ANG MGA SENSITIBONG IMPORMASYON TULAD NG IBA PANG LOKASYON NG MGA PULIS NA ANG IBA AY NAKADIKIT NA SA BUS AT MGA PLANO NILA DAHIL PATI INTERVIEW NILA SA “COMMANDER” NG PULIS AY PINARINIG DIN AT IPINAKITA SA PUBLIKO. NAKALIMUTAN NILANG MAY TV MONITOR SA LOOB NG BUS KAYA NARIRINIG AT NAKIKITA NG HOSTAGE-TAKER ANG LAHAT NG MGA GINAGAWA NG MGA PULIS!

YAN ANG SAKIT NG MEDIA – “SCOOPOMITIS” (SARILI KONG TERM)….NAG-UUNAHAN SILA PAGKUHA NG MGA SCOOP KAHIT HINDI VERIFIED KAYA KUNG MINSAN, NAPAPAHIYA SILA. HINDI NILA NAIISIP NA NAKO-COMPROMISE NILA ANG OPERATIONS NG PULIS MAN O MILITARY. ANG INIISIP LANG NILA AY PANSARILING LAYUNIN NA MAKA-SCOOP.

HINDI MASAMA ANG MAG-COVER NG PANG-SCOOP NA MGA PANGYAYARI SUBALIT ANG MGA ANCHORS NA NASA ISTASYON AY DAPAT MAGING MAINGAT SA PAG-RELAY NG MGA IMPORMASYON SA PUBLIKO. MAY KAKAYAHAN SILANG PUMILI KUNG ANO ANG IBOBRODKAST UPANG HINDI MA-COMPROMISE ANG MGA SENSITIBONG POLICE OR MILITARY OPERATION. ANG MASAKLAP LANG DAHIL SA COMPETITION, NAGPAPAGALINGAN ANG LAHAT NG MGA MEDIA OUTLETS, BROADCAST MAN O PRINT, SA PAGBABALITA. DAHIL DIYAN WALA SILANG PAKIALAM KUNG MA-COMPROMISE ANG SEGURIDAD NG MGA PULIS AT MILITARY, LALO NA NG BUONG BANSA!

AT, ANG PINAKAMATINDI AY KAPAG NAGAMIT ANG ILANG TAGA-MEDIA NG MGA PULITIKO O MGA KRIMINAL….NAGING BAYARAN O NAKALISTA SA PAYROLL.


UNSOLICITED NA PAYO KO SA MGA TAGA-MEDIA: HUWAG GAWING SHOOTING NG PELIKULA ANG PAG-COVER NG MAG SENSITIVE OPERATIONS NG PULIS AT MILITARY AT MAGING INTELIHENTE SA MGA GINAGAWA LALO NA SA MGA ISINISIWALAT TUNGKOL SA MGA NANGYAYARI SA GOBYERNO DAHIL KAPAG ANG ISANG BAGAY AY NAIBALITA NA, MAHIRAP NA ITONG BAWIIN O ITUWID DAHIL HINDI LAHAT NG MGA UNANG NAKARINIG AY MAKAKARINIG ULI NG PALIWANAG UPANG MAKOREK ANG PAGKAKAMALI!

Discussion

Leave a response