2021

0

ANG BAKUNA LABAN SA KAGAW

Posted on Wednesday, 25 August 2021

 ANG BAKUNA...PINAGDUDUDAHAN KAYA DAPAT PAIGTINGIN ANG PAG-IINGAT

Noon pa man ay nagtataka na ako kung bakit bakuna agad ang gustong ipanlaban sa kontrobersiyal na kagaw na nananalanta ngayon sa buong mundo, sa halip na GAMOT na ang pwedeng gawin ay inumin bilang tableta o capsule o syrup o pwedeng iinineksiyun. KAGAW ANG IPINAPASOK SA KATAWAN NG TAO SA PAMAMAGITAN NG BAKUNA KAYA NAGIGING PERMANENTENG BAHAGI ITO NG KATAWAN....HIGIT SA LAHAT AY NAPANSING "NAPAKATAGAL" NA PANAHON BAGO NAGLABAS NG MGA BAKUNA...HININTAY NA TUMINDI ANG PAGKALAT NG KAGAW NA UMABOT SA KALAGAYANG HINDI NA MAKONTROL....HINDI RIN PALA MAAASAHAN DAHIL MASKI NABAKUNAHAN NA AY TINATAMAAN PA RIN NG KAGAW.

Maraming nagduda sa pagpipilit na bakuna ang gagamitin LALO NA NANG NAPANSIN NG MGA NAGDUDUDA NA "ALAM" PALA NG MGA KINAUUKULAN KUNG KAYLAN LALAKAS ANG KAGAW KAYA KAILANGAN NA NAMAN ANG PANIBAGONG URI NG NG BAKUNANG IPAPASOK SA KATAWAN NG TAO....KUNG GANYAN ANG MANGYAYARI, MAPUPUNO NG GANITONG URI NG KAGAW ANG BAWAT TAO....MAY "LAYUNIN" NA IBA?...MAY "ISKEDYUL" NA SINUSUNOD?

Maraming sakit na napaglabanan sa pamamagitan ng GAMOT, HINDI BAKUNA tulad ng iba't ibang uri ng KANSER, TB, HIV-AIDS, ULCER....BAKIT HINDI ITO ANG MGA GINAWANG BATAYAN SA PAGLABAN SA KONTROBERSIYAL NA KAGAW?

Ang sakit na dulot ng kagaw na nananalanta ngayon sa buong mundo ay SINASABING may kinalaman sa MGA BAHAGI NG KATAWAN NG TAO NA PUMAPASOK SA ILONG, DUMADAAN SA LALAMUNAN, HANGGANG MAKARATING SA BAGA.....ANG MGA UNANG PALATANDAAN AY SIPON AT UBO KAYA ANG MGA GINAGAMIT SA PAGSIYASAT O SWABBING KUNG KAGAW NGA AY GALING SA KALOOB-LOOBANG BAHAGI NG ILONG AT AT BUNGANGA....BAKIT HINDI ANG MGA BAHAGING ITO NG KATAWAN ANG PATIBAYIN, PALAKASIN UPANG MAPIGILAN ANG PAGPASOK NG KAGAW SA KATAWAN, SA HALIP NA BAKUNA AGAD ANG GAMITIN?.....BAKIT HINDI PALAKASIN PA ANG MGA GAMOT NA NANDIYAN NA UPANG MAGAMIT AGAD....

KUNG HINDI MAKAPASOK SA KATAWAN NG TAO ANG KAGAW, ITO AY NAMAMATAY, KAYA NGA GUMAGAMIT NG FACE MASK AT NG KONTROBERSIYAL NA FACE SHIELD GANOONG HINDI NAMAN NAKAKAPASOK SA MGA MATA AT BALAT SA PISNGI ANG KAGAW...PATI ALCOHOL NA PINANGHUHUGAS SA MGA KAMAY UPANG HINDI KUMALAT....GANYAN LANG NAMAN ANG DAPAT ISIPIN NA KAYANG GAWIN NG MASKI SINONG HINDI NAKAPAG-ARAL..BAKIT KAILANGAN ANG BAKUNA NA HINDI RIN NAMAN PALA 100% EPEKTEBO KAYA NALAGAY LANG SA ALANGANIN ANG KATAWAN NG TAO DAHIL NILAGYAN NG KAGAW?...HANGGANG KAYLAN?...MAY "ISKEDYUL"?

PATI TULOY ANG KREDIBILIDAD NG VACCINATION CARD AY NALAGAY SA ALANGANIN DAHIL PAREHO LANG PALA ANG KALAYAGAN NG NABAKUNAHAN AT HINDI NABAKUNAHAN ....BAKIT KAILANGAN PANG GAMITING REQUIREMENT?

0

Ang Buhay ko noon sa TABLAS STATION (ROMBLON) BILANG TICKETING/CARGO/CHECK-IN CLERK ng PHILIPPINE AIRLINES

Posted on Monday, 9 August 2021

 ANG BUHAY KO NOON SA TABLAS STATION (ROMBLON) BILANG TICKETING/CARGO/CHECK-IN CLERK NG PHILIPPINE AIRLINES

Pumasok ako sa PAL October 27, 1975....bagong graduate sa isang eskwelahang hindi kilala sa isang liblib na bahagi ng Cotabato sa isla ng Mindanao....ngayon ay ang pinagmamalaki kong NOTRE DAME OF TACURONG COLLEGE SA LUNSOD NG TACURONG!
Ang mga ginagawa ko noon sa Tablas Station ng Philippine Airlines:
Sa umaga ay magtitiket sa Downtown Ticket Office...dahil pasado a las dose ng tanghali ang dating ng flight, 11AM pa lang kahit di pa nakakain ay ihahanda na ang ginagamit kong lagayan ng reservations cards, bibitbitin at sasabit sa Ford Fiera na nagbibiyahe patungo sa Tugdan Airport...palagi kasing puno....hindi sasakay sa service namin....mauuna sa mga kasama para mag-asikaso sa mga pasaherong umaga pa lang ay nasa airport na...ang iba ay galing pa sa malalayong baryo at isla....pagdating ko ay puwesto agad sa Ticketing/Check-in Counter upang mag-asikaso ng mga gusto nang mag-check in....tatanggap din ng mga parcels para timbangin para malaman kung magkano ang dapat singilin batay sa bigat...kung walang parcel, mag-aasikaso sa mga gustong magpareserba para sa ibang araw...balik uli sa pag-check in....pagdating ng eroplano, tatakbo sa rampa upang magbigay ng senyas gamit ang dalawang kulay orange na parang pingpong racket pero kung tawagin namin ay "paddle" para magbigay ng senyas sa piloto kung saang bahagi ng rampa paparada at kung nalagyan na ng lock ang mga gulong....kapag nakaparada na, pupuwesto sa exit na dadaanan ng mga pasahero para tanggapin ang mga boarding passes....kapag nakasakay na lahat, tatakbo uli sa rampa upang magbigay ng senyas sa piloto na nakasara na ang mga pinto at natanggal na ang lock sa mga gulong....kapag nakalipad na ang eroplano, aasikaso uli sa mga gustong magpareseba, hindi na pinapupunta sa downtown ticket office dahil mas malapit ang bahay sa airport....pagdating sa boarding house, magsusuot ng short pant at tatakbo sa tabi ng dagat upang MAGMUNI-MUNI HABANG TUMITINGIN SA MGA ALONG HUMAHAMPAS SA DALAMPASIGAN...AT PATUNGGA-TUNGGA NG TUBA NA DINAANAN SA BAHAY NG KAIBIGANG MALAPIT SA TABING-DAGAT....GOD IS GOOD!
Ang mga kasama ko noon sa Tablas station ay sina BIEN ALVARO na Supervisor, si SONNY GARCIA, CELSO DAPO, at OSWALD ALAMO...BILIB AKO SA KANILA DAHIL SA CONCERN NILA SA AKIN BILANG PINAKABATA AT PINAKABAGO...PALAGING PINAPAALALAHANAN ANG "STEWARDESS" NAMING SI DAISY TUNGKOL SA ULAM KO....maganda ang teamwork namin.
Ang "stewardess" namin sa bahay na naglalaba ng damit, nagluluto at naglilinis ng bahay na tinirhan namin ay si DAISY, may gandang pagka-morena...kung nagkataong nagba-blog na ako noon, siguradong na-feature ko siyang, "PRETTY FACE OF ROMBLON".

0

MASUWERTE AKO NOON, KUNG HINDI BAKA PATAY NA AKO NGAYON

 MASUWERTE AKO NOON, KUNG HINDI BAKA PATAY NA AKO NGAYON

1. ANG NAGWALANG BABAE AT BLADE....Sa isang bahagi ng Quiapo na may mga beerhouse, napadaan ako papunta sa hintayan ng mga jeep papuntang Baclaran....6AM...inumaga sa inuman. May napansin akong parang pinagkakaguluhan, yon pala, may babaeng lasing na nagwawala, may hawak na blade at gustong maghiwa ng pulso. Sa hindi malayo ay may lalaking nakayuko...boyfriend pala niya pero nabistong may asawa. Walang magawa ang intsik na may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ng babae bilang waitress kundi tumingin lang. May nakita akong pulis sa di kalayuan at nang sabihan ko ng problema, sabi niya, "AYAW PAAWAT, EH...BAKA KUNG LAPITAN, TULUYANG MAGLASLAS NG PULSO." Balik ako sa eksena...napansin kong tila Bisaya ang babae, Cebuana dahil sa punto niya sa pagsalita kaya naglakas-loob akong kausapin siya sa Bisaya. Tinanong ko siya kung ano ang problema talaga at doon na rumetekada ang bunganga sa salitang Bisaya...,.nagsumbong sa akin habang umiiyak. Nakakita ako ng pagkakataon dahil tila nagtiwala kaya kaswal akong lumapit habang kausap siya...nang tumigil sa pagsalita habang umiiyak pero nakatingin sa akin ay niyakap ko...hindi ko hinawakan ang kamay na may blade pero naramdaman kong nasa likod ko. Binulungan ko siya ng mga payo at sinabihang ibigay ang blade sa akin, ibinigay naman. Tinanong ko siya kung saan ang sinasabi niyang boyfriend niya....nang maituro ay minura ko ng todo ang lalaki habang kinikindatan. Inutusan kong kausapin ang babaeng wala nang blade at yayain sa loob ng restaurant upang mag-usap sila, sumunod naman ang dalawa...sabi ko sa intsik na may-ari ng restaurant, sa kusina sila mag-usap. Ilang minuto pa ay sumunod ako at nagtanong kung okey na sila, pero payo ko pa rin ay HUWAG NA SILANG MAGKITA. Inutusan ko ang lalaking humingi ng sorry sa babae at ginawa naman. Hindi kumikibo ang babae habang kausap ng lalalit, at nang malaman kung ang pera palang "hiniram" daw ng lalaki ay pamasahe sana niya sa pag-uwi sa Dumaguete ay sinabihan kong gagawan ng paraan upang makahanap uli at pinangakuang babalikan ko agad siya, kaya mag-empake na....ang intisk sinabihan kong bigyan ng pera ang waitress niya at nagbigay naman ng Php1k. Pinilit kong isama ako ng lalaki sa tinitirhan niyang nasa tabi pala ng isang estero sa Binondo....may sakit ang asawa at dalawa ang anak, ang panganay ay binatilyo na. Sinabi niyang ginamit niya ang pera ng waitress para sa gamot ng misis. Sinabi kong huwag nang manloko ng babae at dahil may kaibigan akong may maliit na hardware sa Binondo rin, nakiusap akong bigyan ng trabaho kahit maliit ang suweldo...naging taga-alsa ng mabibigat na binibili mula sa bodega at nagtinda rin ng sigarilyo sa labas ng tindahang pinabantayan sa panganay na anak.
Ang waitress ay binalikan ko para sunduin at ihatid sa tiyahin niyang nakatira sa Baseco compound para hindi mahirapan kung sumakay na papuntang Cebu muna at magpi-ferry pauwi ng Dumagute....bago magtanghali, missions accomplished na, kahit may kaunting hang-over pa dahil galing ako sa inuman nang nakaraan gabi....BUTI NA LANG BUHAY PA, HINDI NALASLAS NG BLADE!

2. ANG KAIBIGAN KONG KINUKUTUNGAN....Sa CM Recto Extension, Divisoria ay may tinatawag noong BURAUTAN dating riles kung saan ay naglalatag ng mga panindang napulot sa basura at mga gamit na second hand, pati mga tumpok na gulay na galing sa pinagtapunan ng mga reject. Marami akong kaibigang nagtitinda, mga nakatira sa Baseco Compound at Isla Puting Bato, Tondo. Ang grupo naming "Gang of Four" ay may mga tinutulungan sa pamamagitan ng pagbigay ng puhunan at ang dalawa sa kanila ay nagsumbong sa aking may nangongotong daw sa kanila, sabay turo sa akin sa apat na kilala ko sa mukhang mga istambay sa lugar, nakakausap ko pa kung minsan. Ang pagkaalam nila ay "buyer" ako. Nilapitan ko sila at diretsahang tinanong ng, "...nanghihingi daw kayo ng pera sa mga nagbuburaot?"...sagot sa akin, "...hindi, ah...nanghihiram lang kami...". Hindi na ako nagtanong pa. Kinabukasan, isinama ko ang kaibigan kong hepe ng substation ng mga pulis sa Binondo na sinabihan ko na ng sitwasyon. May substation din sa lugar na malapit sa pinaglalatagan ng mga panindang buraot, at kaibigan niya ang hepe kaya dinaanan namin. Nang kuwentuhan namin, galit na galit dahil may nagsasabi na sa kanyang involved daw ang dalawa niyang tauhan. Pinatawag ang mga istambay na nangongotong at pinaturo kung sino sa mga pulis niya ang nagbibigay proteksiyon sa kanila...ipinakita ang mga larawan ng mga pulis at tinumbok ng mga nangongotong ang dalawa....YON LANG...HINDI NA NAGPAKITA ANG MGA NANGONGOTONG SA BURAUTAN...BINANTAAN NG HEPE NG SUBSTATION. Ilang araw ang nakalipas, nakita ko ang isang nangongotong kumakain ng lugaw sa bangketa ng Recto, humingi ng pasensiya at noon ko sinabihang, concern ako sa mga kinukotongan nila dahil ang perang puhunan ng mga nagtitinda ay tulong lang din ng grupo namin. Wala siyang permanenteng trabaho kaya binigyan ng grupo namin ng maliit na puhunan...ilang araw pa ay nakita ko siya uli sa ARRANQUE, namimili ng mga sirang alahas na silver...at ang iba daw sabi niya ay BAKA GALING SA "SNATCH".....BUTI HINDI NAGTANIM NG GALIT SA AKIN ANG MGA MANGONGOTONG AT BAKA HINDI AKO NAKABALIK SA DIVISORIA AT TONDO....HINDI KO NA ITINANONG KUNG NASAAN ANG TATLO NIYANG KASAMA.

0

BULUAN...MAKASAYSAYANG KABISERA NG MAGUINDANAO

Posted on Thursday, 25 March 2021

 

BULUAN…MAKASAYSAYANG KABISERA NG  MAGUINDANAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Nasa  gitna ng kalakalan noon pang unang panahon

Na makikitid na kalsada ang nag-uugnay sa mga nayon

Mga nakatira sa baybaying dagat ng Timog Cotabato

Lumalakbay sa mga palanas makarating lang sa bayang ito.

 

Sambolawan na dating pangalan ng President Quirino

Naging bahagi ng makasaysayang bayan bilang baryo

Ganoon din ang Tacurong na dati ay halos lubog sa latian

Ngayon ay maunlad dahil nasa gitna ng masiglang kalakalan.

 

Mula sa isa pang bahagi’y nabuo ang bayan ng Columbio

Sinundan ng Lutayan na karamihang tumira’y mga Ilocano

Nabuo rin ang General Salipada K. Pendatun, hilagang bayan

At bandang huli, nabuo ang Pandag at Mangudadatu naman.

 

Ang umaagos na tubig mula sa lawa nito at ng Lutayan

Mga naglalakbay patungong Cotabato, ito ang “daluyan”

Nagmistulang “ugat” na dinadaluyan ng dugo ng buhay

Dahil sa mga isda, igi at kangkong na sagana nitong taglay.

 

Unang tinirhan ng mga taong sa Visayas at Luzon nanggaling

Naging kapamilya ng mga Maguindanao,  Pinoy na magigiting

Hindi pinagkait ang kulturang ibinahagi sa mga bagong kaibigan

Kaya natuto silang kumain ng tapay, tinagtag, bolibed at panyalam.

 

Kabisera  ngayon ng lalawigan ng Maguindanao, simbolo’y agila…

Ibong may angking tapang, liksi, matalas na kuko at mga mata

Umangkop sa namumunong masipag, trabaho’y sa tahimik na paraan

Matalas ang pakiramdam sa mga pangangailangan…at si ay si BAI MARIAM.

 

Makasaysayang Buluan ay nasa pangangalaga ng batang liderato

Maliksing kumilos,  palangiting si BABYDATS MANGUDADATU

Sa murang gulang ay nakaunawa na ng kalagayan ng mga kababayan

Kaya natanim sa puso at isip na sila ay hinding-hindi niya pababayaan.

 

Maraming hadlang ang sa landas ng Buluan ay nagsisilbing balakid

Subalit mga Buluanon, sa pagsagupa ng mga ito’y malakas ang dibdib

Hawak-kamay silang lahat, nagpipilit na sumulong patungo sa kaunlaran

Hangad ay maaliwalas at masaganang kinabukasan ng BAGONG BULUAN!

 

Note:

igi-small freshwater snail that thrives in rivers and lakes

Mangudadatu – formerly Tombao





0

ARCHIE P. LACSON...sales and marketing man, dancer and excellent host with powerful golf swings

Posted on Thursday, 25 February 2021

 

ARCHIE P. LACSON…sales and marketing man, dancer and excellent host with powerful golf swings

By Apolinario Villalobos

From 1974 to 1981 the country’s entertainment world was alive with the PENTHOUSE 7  that showcased Latin dances and modern ones during  the time such as the Bump, the LA Walk, the New York Hustle, the Jacksons, Pop-Locking,  the Robot,  and Locking.  ARCHIE P, LACSON was “in it” – hosting  and shuffling on the dance floor with the intricate steps of Latin dances. Despite the hectic schedule for taping and his job at Philippine Airlines in the Marketing and Sales Department, he was able to squeeze in a time for his loved sport - golf.

 

Archie’s love of golf has helped him generate sales for Philippine Airlines, as he met with elite clients who were also golf enthusiasts, “swaying” their patronage from competitors to the country’s flag carrier.  These clients were decision makers of big companies and many of them were the owners, themselves.  To entice travelers both individual and group who belong to the upper bracket of the target market,  into the fold of Philippine Airlines, the latter hosted the annual  PAL Golf Tournament, and Archie Lacson’s popularity as a showbiz figure helped much in the generation of interest, as he was also the host of the culminating social activity.

 

As mountaineering is life for trekkers,  the golf is for  Archie who gets enthusiastic at the sight of undulating green golf courses with ponds and pockets of hedges or trees. He diligently wakes up early in the morning in time for his early morning swings at the most conveniently- located golf course from his home…the Alabang Country Club where he unselfishly served also as President.

 

He holds the record for 4 Aces and could have made the fifth in 2019, had the ball not stop a couple of inches from the hole. His ardent enthusiasm for the sport is shared by the former President of the Philippines, Fidel  V. Ramos whose collection of autographed golf balls includes  one from Archie. Among the rest of the collection are from former Philippine presidents  Gloria Arroyo and Noynoy Aquino.  Meanwhile, his legacy for the love of sport has been passed on to some of his grandchildren with Tonito as the youngest.  A doting grandpa, he sees to it that the best bonding golf time is spent with them regularly without depriving the rest of his whole family with the same quality time.















0

Getting Old Cannot be Stopped, it is an Eternal Process Undergone by All Creations

Posted on Friday, 29 January 2021

 

GETTING OLD CANNOT BE STOPPED, IT IS AN ETERNAL PROCESS UNDERGONE BY ALL CREATIONS

By Apolinario Villalobos

 

ONLY FOOLS THINK THAY THEY ARE NOT GETTING OLD…. if what they mean is the way they PHYSICALLY  look as even modern technology such as stem cell and plastic surgery do not last, not even drugs touted to prevent wrinkles…all of these have temporary effects on the physical make up of a person.  On the other hand,  human characters do not deteriorate as they can last till death…they may either be good or bad….they do not have images, but manifestation through action. GETTING OLD IS THE ACCUMULATION OF NUMBER OF YEARS AS ONE LIVES…ACCEPT THAT FACT AS THE NUMBER RECKONS HOW LONG ONE CAN STILL LIVE ON EARTH OR PREPARE ONE TILL THE FINAL MOMENT COMES…NEVER THINK THAT YOU WILL DIE “YOUNG” DESPITE YOUR MORE THAN 70 YEARS OF AGE, UNLESS YOUR MENTALITY HAS SLID BACK TO THE “CHILDISH STAGE”.

 

Admirably, there are people who try to cover up signs of their age such as application of synthetic color to the hair, applying heavy cosmetic on their face…remove them, and what can be perceived is the glaring truth and signs of accumulated years. This effort has created businesses and occupations which are again, part of life, a good sign of progress that defies stagnation which is good for a civilized world.

 

Planets get old and collapse….. all earthly creations get old, deteriorate, crumble or die…THIS IS AN ETERNAL PROCESS OF ELIMINATION, ESPECIALLY, FOR  THOSE WITH LIFE, OTHERWISE, THE WORLD WILL BE HORRENDOUSLY OVERPOPULATED BY PLANTS, ANIMALS AND HUMANS  IF THE “OLD” WILL NOT GIVE WAY TO THE “NEW”. UNFORTUNATELY, SOME PARTIES SEEM TO BE IN A HURRY TO SEE THE “NEW”…SO THEY DID SOMETHING “NEW”.

 

THE BEST WAY TO LIVE LIFE FULLY IS ACCEPT THE AGING PROCESS, MAKE UP FOR THE LOST TIME BY TRYING TO BE NICE TILL DEATH. IF YOU WILL NOT BE CREAMATED, TRUST THE MAKE UP ARTISTS OF FUNERAL PARLORS TO MAKE YOU FACE NICE TO LOOK AT BENEATH THE GLASS COVER OF THE “BOX”  AS YOU LIE IN  ALL SERENITY, OBLIVIOUS TO THE CRIES AND HUSHED CONVERSATIONS OF THOSE WHO CAME TO PAY YOU A LAST RESPECT.