0

Ang Droga sa Pilipinas at Pakikialam ng European Union at Amerika

Posted on Sunday, 2 April 2017

Ang Droga sa Pilipinas at Pakikialam ng European Union at Amerika
Ni Apolinario Villalobos

Noong unang panahon…pinaghatian ng ilang bansa sa Europe ang buong mundo. Nag-unahan sila sa pagkamkam ng mga isla kahit may mga katutubo nang nanirahan sa mga ito. Kasama sa listahan ng mgangangamkam ang England, Holland, Russia, Germany, Hungary. Kabilang sa kanila ang mga bansa sa Mediterranean na tulad ng Espanya at Portugal na gumamit naman ng mapagkunwaring misyong ispirituwal na ang simbolo ay krus. Bandang huli na sumali ang Estador Unidos na binuo ng mga estadong nagbuklod-buklod. Ang mga “Amerikano” na bumuo ng malaking komunidad sa “New World” na ang bukana ay California, ay galing sa England, Pransiya, Germany, Holland at iba,  upang takasan ang paghihigpit at pagmamalupit ng kani-kanilang hari at reyna. Sa pangangamkam ng mga Amerikano sa dinayo nilang mga palanas at gubat ay naitaboy nila ang mga katutubo na tinawag nilang “Indian”. Ang tawag na yan ang popular na ginamit noong unang panahon sa pagtukoy sa mga katutubo ng mga kinamkam na mga isla….kasama na diyan ang mga katutubo sa kapuluan ng Pilipinas na tinawag na “Indio” ng mga Kastila.

Sa pag-usad ng panahon naging maunlad ang mga bansang mangangamkam dahil sa “industrialization” na ang pinaka-pundasyon o mitsa ay ang paggamit ng “fossil fuel” o mga panggatong na nakaimbak sa ilalim ng lupa tulad ng uling at langis. Dahil sa sobrang kasakiman ng mga mangangamkan, hindi nakontrol ang paggamit ng mga panggatong hanggang masira ang bahagi ng kalawakan na nagbibigay proteksiyon sa mundo (ozone layer) laban sa matinding init ng araw – napunit dahil sa carbon dioxide na ibinuga ng mga factory o pagawaan. Nadamay ang mga maliliit na bansang (third world countries) walang kamuwang-muwang sa “industrialization”. Sa kasamaang palad, ang mga “third world” countries na nagsisimula pa lang umarangkada ay ayaw nang pagamitin ng “fossil fuels” sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na “treaties” o kasunduan sa pagitan nila at mga mangangamkam na malalaking bansa, upang mailigtas kuno ang kalikasan….ganoong ang mga hinayupak na mangangamkam na mga bansang ito ang sumira!

Hindi lang sa paggamit ng mga “fossil fuel” nakikialam ang malalaking bansang mangangamkam sa mga bansang maliliit lalo na ang mga nasa Timog-Silangang Asya, kundi pati na rin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang isang halimbawa ay ang pakikialam ng European Union sa mga ginagawa ni Duterte upang matigil ang droga sa Pilipinas. Ibinunyag ni Duterte na hindi na ligtas sa epekto ng droga ang gobyerno dahil maraming nagtatrabaho dito, lalo na sa hanay ng kapulisan ay lulong na rin sa droga. Ang mga barangay na siyang pinaka-pundasyon (foundation) ng lipunan ay nasa impluwensiya na rin ng bisyo dahil maraming Barangay Chairmen ay may kinalaman na rin dito.

Sa Europe ay okey lang na maglipana ang mga durogista dahil suportado ng gobyerno ang pagpapagamot, sa Pilipinas ay iba ang sitwasyon dahil gamot nga lang sa pagta-tae o LBM at lagnat ay mahal na…paano pa kung ang pag-uusapan ay mga rehab center na mga high-class na ospital lang ang mayroon…ang tinatawag nilang “basement”? Mabuti nga at sa pag-upo ni Duterte ay binigyan agad niya ang problemang ito ng pansin kaya may magagamit nang mga rehab centers sa Davao, Bukidnon at Nueva Ecija.

Malaking balakid sa pagbabago ng Piilipinas ang pakikialam ng European Union at Amerika na ang mga pinaghihinalaang “sulsol” ay mga Pilipino rin na natigil ang milyo-milyong kinikita nang maupo si Duterte!

Masasabing nagsanib-puwersa ang dalawang uri ng demonyo sa mundo - ang mangangamkam at mapaglinlang na mga mauunalad na bansa sa Europe, pati Amerika, at ang mga demonyong Pilipino na ang gusto ay patuloy na nabubuhay at pagala-gala sa Pilipinas ang mga adik, drug pusher at mga drug lords, pati mga corrupt sa gobyerno!




Discussion

Leave a response