Emma (tula para kay Emma P. Jamorabon)
Posted on Monday, 10 April 2017
EMMA
(para kay Emma P. Jamorabon)
Ni Apolinario Villalobos
Sa mga mata niyang animo ay nangungusap
Walang katapat na kasiyahan ang mababanaag
At sa matinis niyang boses, ang kausap na nagagalit
Huhupa, sa damdami’y nag-uumapaw na pagngangalit.
Mapagmahal na kabiyak, inang walang katulad
Sa mga kaibigan ay mapagbigay, kahit siya’y kapos
At handang magsakripisyo sa abot ng makakaya niya
Kapalit na pagtitiis ay buong puso niyang hindi
alintana.
Mga huling yugto ng kanyang buhay na nauupos
Inalay sa mapagmahal na Inang Mariang sinandalan
Kaya kahit sa pagkaratay, hirap man siya sa paghinga
Katiwasayan ay maaaninag sa mala-birhen niyang mukha.
Sa kanyang maaliwalas na pamamaalam sa mundo
Ipinahiwatig niyang sa Diyos tayo ay dapat magtiwala
Dahil sa buhay nati’y Siya lang ang nakakaalam ng
lahat
Lalo na ang mitsa nito’t sinding may taning ….
Kung hanggang kaylan lamang sapat.
(Alay ng
nagmamahal na pamilya, mga kaibigan at naging estudyante, lalo na ang NDTC
Boys’ High School Batch ’70.)
Discussion