Nilapastangan ng PCSO Chairman ang Tiwala ni Duterte...dahil sa walang katuturang Christmas Partyt
Posted on Tuesday 26 December 2017
Nilapastangan ng PCSO Chairman ang Tiwala ni Duterte
…dahil sa walang katuturang Christmas Party
Ni Apolinario Villalobos
Bulag yata at hindi nakikinig sa mga balitang paghihirap ng
mga Pilipino at sa mga sinasabi ni Duterte ang Chairman ng PCSO. Kahangalan ang
ginawang paggastos ng 14.3 million pesos para lang mapasaya ang ilang empleyado
ng ahensiya. Ikinatwiran pang mas mababa daw ang gastos kaysa mga nakaraang
ginastos…ANONG PAKIALAMAN NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NI DUTERTE SA
NAKARAAN? …GALIT NGA ITO SA MGA KAPALPAKANG GINAWA NG MGA NAKARAANG
ADMINISTRASYON!
BANTAD ANG BAGONG CHAIRMAN NG PCSO…WALANG PAKIRAMDAM DAHIL
SA GINAGAWA NIYANG BATAYAN NG KANYANG MGA DESISYON ANG MGA GINAWA NG MGA
NAKARAANG PAMUNUAN NG AHENSIYA, AT ANG
ISANG HALIMBAWA AY ANG NAKAKAHIYANG CHRISTMAS PARTY NILA NA OKEY LANG DAW DAHIL
“NAKAMURA” SILA!....ANG MGA TAONG GANYANG MAY PAG-IISIP ANG NAGBIBIGAY NG DUMI SA ADMINISTRASYON NI DUTERTE. ANG
DAPAT LANG IHAMBING NG PCSO SA MGA NAKARAAN AY ANG KINITA NITO UPANG MALAMAN
KUNG RELEVANT PA ANG AHENSIYA O HINDI NA.
Ang PCSO ay kinukunan ng gobyerno ng mga contingency funds
kaya hindi dapat ituring na excess o labis ang mga kinikita sakali mang humigit
sa kinita ng nakaraang taon. Mas malaki ang kinikita, mas pabor sa pamahalaan at
sambayanang Pilipino na maraming pangangailangan, KAYA HINDI DAPAT PAGNASAHAN
maski sino mang opisyal ng goyerno. Dapat ay iniipon ang mga sinasabi nilang
“excess” sa budget.
Ginagawang dahilan ng PCSO chairman ang kagustuhan ng mga
kawani ng “cultural show”…bakit hindi
siya kumuha ng mga grupo ng kabataang taga- Payatas o mahihirap na eskwelahan
upang mag-perform….o di kaya ay mga batang Badjao upang magsayaw sa saliw ng
tambol nilang yari sa lata at kantang Tausug?....nakatulong pa ang ahensiya.
Isa pa, hindi naman siya pulitiko upang “manligaw” sa mga empleyado upang
magustuhan nila. Siya ay presidential appointee at ang dapat niyang gawin ay
magtrabaho nang maayos dahil ang kanyang pagtagal sa puwesto ay “at the
pleasure of the president”….at, hindi dahil ayaw siya ng mga empleyado…maliban
na lang kung i-sabotahe siya na madalas gawin ng mga tarantadong empleyadong
protektado ng civil service eligibility pero wala namang binatbat…mga inutil at
magaling ang sumipsip.
Ang malinaw ay inabuso ng Chairman ng PCSO ang tiwala ng
presidente na todo-todo nga ang pagtitipid…KAYA ANG DAPAT SA KANYA AY SIBAKIN
DIN TULAD NG GINAWA SA IBA PA. WALA SIYANG KARAPATANG HUMAWAK NG AHENSIYA NA
SIMULA’T SAPOL AY TADTAD NA NG INTRIGA DAHIL SA MGA KUWESTIYONABLENG MGA PROYEKTO.
HINDI PRIVATE CORPORATION ANG PCSO ….YAN ANG DAPAT TANDAAN
NG MGA NAMUMUNO SA AHENSIYA, LALO NA ANG PAPALIT SA SANA AY MASIBAK NA SA
PUWESTO.
Discussion