0

Si Duterte at ang Tatlo niyang "Masugid" na Kritiko Kuno

Posted on Thursday 14 December 2017

Si Duterte at ang Tatlo niyang “Masugid” na Kritiko Kuno
Ni Apolinario Villalobos

Kailangan ng bawa’t bansa ang “fiscalizer” at ang lider naman ay “critic”, pero dapat pakaisipin ng bumabatikos kung gaano “kadami” ang makikinabang sa gagawin niya kung ihahambing sa ginagawa ng lider para sa buong bansa. Hindi lahat ng ginagawa ng isang lider ay sinasang-ayunan ng LAHAT kaya may kasabihang “you cannot please everybody”. Subalit kung seguridad at kapakanan ng NAKARARAMI ang nakasalalay, bakit kailangan pang MAMBULABOG ANG MGA DETRACTORS?...MAY SUGGESTION BA SILANG NASUBUKAN NANG EPEKTIBO?

May mga paraan upang ipakita ng “opposition” sa mga mamamayan na sila ay aktibo, hindi lang sa animo ay personal nang pagbatikos sa isang lider. Kung wala rin lang “laman” o kabuluhan ang binibitiwan nilang mga salita….TUMAHIMIK NA LANG SILA DAHIL LALO LANG SILANG LUMULUBOG SA KUMUNOY NG KAPALPAKAN.

ANG TINUTUKOY KO AY ANG GINAGAWA NINA TRILLANES, HONTIVEROS AT DRILON KAY DUTERTE…AT IBA PANG NAKALIMUTAN KO ANG MGA PANGALAN DAHIL MGA WALA NAMAN SILANG BINATBAT DAHIL SA KABOBOHAN NILA!

Kung tungkol sa droga ang pag-uusapan, walang binatbat sina Trillanes, Hontiveros at Drilon kay Duterte na sa pagiging mayor pa lang ng Davao ay marami nang karanasan tungkol sa bagay na nabanggit. Ang tatlo, kahit sa Maynila nakatira ay malamang nakatuntong lang sa Tondo kung panahon ng kampanyahan para sa eleksiyon at may kasama pang sangkaterbang mga alalay at bodyguards.

Kung tungkol sa Martial Law sa Mindanao ang pag-uusapan, walang karapatang magsalita ang tatlong nabanggit na nagpapakatalino kuno…. dahil hindi sila taga-Mindanao kaya hindi nila nadadanasan ang mga nangyayari lalo na ang banta ng kaguluhan sa Marawi na ginawa ng Maute group. Kung magkagulo sa Mindanao, ang tatlo ay walang pakialam dahil sa Maynila sila nakatira.

Ang dapat sagutin ng tatlong nabanggit ay kung mayroon bang maaaring pumalit kay Duterte. Isa ba sa kanilang tatlo?...si Pnoy Aquino uli”….si Gloria Arroyo uli”?....si Lacson?....si Cayetano?...si Poe?...si Robredo?


ANG GUSTO KO AY SI SARAH DUTERTE!


Discussion

Leave a response