Showing posts with label justice system. Show all posts

0

Ang Batas

Posted on Thursday, 8 December 2016

ANG BATAS
Ni Apolinario Villalobos

Tulad ng sinabi ko sa mga nauna kong blogs, sa sarili kong pananaw WALANG BATAS  NA PATAS PARA SA LAHAT, at kasama na diyan ang mga batas ng ibang bansa na sumasaklaw sa ibang bansa…ibig sabihin, batas nilang MAY PAKIALAM sa ibang bansa. Nadanasan yan ng Pilipinas mula sa Amerika kung saan nilitis si Marcos, at hindi sa Pilipinas, kaya hanggang sa ibalik ang bangkay ni Marcos ay walang kasong naihain laban sa kanya sa Pilipinas. Paanong kakasuhan ang isang bangkay? Kapabayaan yan ng mga administrasyong humawak sa gobyerno na pumalit sa pinairal na Martial Law ni Marcos. Noong nilitis sa America si Marcos ay first time na gumamit sa korte nila ng “TRO” (temporary restraining order) na palasak o pangkaraniwang ginagamit sa Pilipinas. Pagpapakita lang ito na sa Amerika ay diretso at walang liku-liko, walang delay ang paglilitis kaya mabilis ang paghatol, hindi tulad sa Pilipinas na lahat ng paraan upang magkaroon ng delay ay ginagamit, lalo na ang TRO ay ginagamit….YAN ANG BATAS SA PILIPINAS!

Pagbalik ng  demokrasya kuno pagkatapos ng Martial Law, nagkapatung-patong uli ang mga katiwalian dahil sa mga kapabayaan at pagkamakasarili at pagkagahaman ng mga tiwali sa gobyerno na nagkanya-kanya sa pangungurakot. Hindi namalayang nalilimas na pala ang kaban ng bayan at ang droga ay kalat na sa buong bansa. Mahina ang hustisya at naglitawan ang magagaling na abogado kaya mahirap patunayan ang mga kasalanan ng mga tiwali. Ang dahilan?...hangga’t hindi napatunayan sa korte ang kasalanan, inosente ang mga mambabatas, opisyal, at mga empleyadong pinagbibintangan…YAN ANG BATAS!

Sa Samar, sa tagal ng panahon ay nagtiis ang mga nasasakupan ni mayor Espinosa at ng kanyang anak na si Kerwin.  Masama man ang loob lalo na ang mga buhay pa na naging biktima at mga kaanak ng mga namatay na mga biktima ay walang magawa kundi manahimik dahil pader ang mababangga nila.  Naglabasan ang mga text ng mapatay ang matandang Espinosa sa loob ng kulungan, at nagsasabing totoo nga na drug lords sila. Pero sa korte ay hindi ito pwedeng gamitin kung hindi magsasalita ang mga testigo mismo. Kung totoo man, ang konsuwelo na lang ay patay na ang isa sa kanila, pero ang isa ay buhay pa at may mga binabayaran pang mga tauhan sa Samar. Kung sasabihin ng detractors na hindi makatarungan ang pagpakatay kay mayor Espinosa na kilalang sangkot sa droga, ang tanong ko: makatarungan ba ang pagpakalat niya ng droga? Samantala, ang buhay na si Kerwin, kung hindi mismo umaming drug lord siya, may magkakalakas-loob bang tumayo laban sa kanya sa korte kung saan siya dapat patunayang guilty?...YAN ANG BATAS!


Nang mangyari ang kalunus-lunos na Maguindanao Massacre, sa kabila ng pagdagsa ng mga witness sa korte laban sa mga Ampatuan, AYAW pa rin ng huwes na sila ay patawan ng parusa dahil hinihintay pa ang ibang sangkot na HINAHANAP PA UPANG DAKPIN, class suit daw kasi kaya nabinbin ang kaso at inabot ng siyam-siyam.  Ang mga taong nadedehado dahil sa hindi patas na mga batas ay kailangang magsakripisyo at tanggapin ang katotohanang yan, lalo pa at may kasabihan sa Ingles na, “you cannot please everybody”….YAN ANG BATAS!

Ang mga nangurakot na mga mambatatas at mga sinasabing involved sa maling paggamit ng pondo nila, sa kabila ng kawing-kawing na ebidensiya ay hindi man lang nakasuhan dahil sa mga “technicalities”.  May nakulong man pero hindi pa convicted ay nangyari dahil sa pulitika. “Technicalities” din ang binabanggit upang maabsuwelto sa kanilang kaso ang  ang mga mayayamang suspek na kayang magbayad ng magagaling na abogado. Ganyan din ang nangyayari sa mga holdaper at drug pusher na may mga financier at protector na dapat ay nagpapatupad ng batas…palaging absuwelto dahil sa “technicalities”… YAN ANG BATAS!

Ang “pinsan” ng “technicalities” ay “due process” na palaging binabanggit ng mga human rights advocates dahil NAAAWA sila sa namamatay na mga drug lords at drug addicts na kalaunan ay naging drug pusher…mga asal-hayop na nawalan ng katinuan kaya hindi maituturing na tao. PERO HINDI NAMAN NAMAN NAISIP NG MGA HUMAN RIGHTS ADVOCATES NA ITO ANG  KAPAKANAN NG MGA INOSENTENG BIKTIMA. Nakailang dekada na at ilang presidente na ang sinasabi nilang “due process”…may nangyari ba? Lalo pang lumala ang kriminalidad dahil nagkaroon ng dahilan o palusot ang mga kriminal para sila maabsuwelto. Kung ipipilit naman nila na dapat ay igalang ang “justice system”…ilang dekada na bang nirespeto ito magmula ng kasarinlan ang Pilipinas mula sa America, pero may nangyari ba?...WALA!

Ngayon, ang mga detractors ni Duterte ay nagpipilit na siya ang promotor ng extra-judicial killings. Sa mga rally yan ang sigaw. Yan din ang sinasabi ng mga taga-media na bumabatikos sa kanya. Ang hamon ni Duterte…patunayan nila sa korte dahil…. YAN ANG BATAS!


0

Mga Obserbasyon at Opinyon ko na Dapat Respetuhin

Mga Obserbasyon at Opinyon ko na Dapat Respetuhin
at Hindi Dapat Kwestyunin
Ni Apolinario Villalobos

SABI NG ISANG TAGA-CHR, HINDI DAW KAILANGAN ANG PARUSANG KAMATAYAN UPANG MAWALA ANG KRIMINALIDAD SA PILIPINAS. KAILANGAN LANG DAW AY HULIHIN ANG MGA KRIMINAL, LITISIN, AT IKULONG AYON SA UMIIRAL NA HUSTISYA.  SUMAKIT ANG TIYAN KO SA KATATAWA NANG MARINIG ANG INTERVIEW SA KANYA. BULAG KAYA AT BINGI ANG NAGSALITA? Pero, nirerespeto ko ang opinion niya….nagtatanong lang ako.

ANG MGA DRUG LORDS AY NASA BILIBID NA PAGKATAPOS MALITIS DAHIL NAPATUNAYANG NAGKASALA, PERO TULOY PA RIN ANG OPERASYON NILA NANG WALANG TAKOT DAHIL  HINDI NA SILA MAKAKASUHAN ULI…. MAY GUWARDIYA PA SILA AT NAKATIRA SA AIRCON NA ANIMO AY CONDO.  NGAYON, NALIPAT MAN SILA NG TIRAHAN, TULOY PA RIN ANG OPERASYON NILA KAHIT WALANG CELL PHONE DAHIL NAGBAGO NA SILA NG TAKTIKA. PAKITA LANG YAN NA ANG SINASABING HUSTISYA AY “KULANG” NA PANTAPAT SA KATUSUHAN NG MGA TAONG SARILI LANG ANG INIISIP. Obserbasyon ko yan na dapat respetuhin at ang hindi bilib, gumawa ng sarili nilang obserbasyon….saan man sila nakatira, na ang ILAN ay sa ibang bansa at ang source ng balita nila ay mga biased na mga lumalabas sa internet at mula sa CNN!

ILANG KRIMINAL NA BA NOON ANG HINULI PERO HINDI NAKASUHAN DAHIL SA “TECHNICALITIES” NA PARANG SINASADYA NG MGA KASABWAT NA PULIS?...AT, PINALALA NG MGA TIWALI RING HUWES?....AT, LALO PANG PINALALA NG MGA “MAGAGALING” NA ABOGADONG MAY KAKAYAHANG MAGPAKITANG “TAMA” ANG “MALI” DAHIL SA MILYONES NILANG PROFESSIONAL FEE? PAKITA LANG YAN NA SA PILIPINAS BASTA MAY PERA KA, IKAW ANG “HARI”. Opinyon ko yan na dapat respetuhin.


YAN BA ANG SINASABI NG CHR NA HUSTISYA SA PILIPINAS? HINDI KO SINASABING DAPAT AY PATAYIN AGAD ANG MAHULI. ANG HINIHINGI KO LANG AY TIGILAN NA NG MGA AHENSIYA AT ILANG TAO NA MGA KAPANALIG KUNO NG “HUMAN RIGHTS” ANG PAGBUBULAG-BULAGAN AT PAGBIBINGI-BINGIHAN SA MGA TOTOONG NANGYAYARI SA PILIPINAS. IBIG KONG SABIHIN, TIGILAN NA NILA ANG KADADAKDAK NA ANIMO AY MGA BEBE AT PATONG GUTOM O PUSANG NALILIBUGAN NA NAGHAHANAP NG MAKUKUBAWAN KAYA NGIYAW NG NGIYAW NA NAKAKAISTORBO SA MGA NATUTULOG SA DIS-ORAS NG GABI! Opinion ko rin yan na dapat respetuhin…at ang tanong ko ay dapat sagutin ng mga nagmamagaling na nag-aakalang may radar ang utak nila kaya nakakapik-ap ng mga pangyayari sa Pilipinas kahit nasa abroad sila..ILAN LANG NAMAN SILA!

0

Ang Iba't-ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao...nagtatanong lang naman

Posted on Tuesday, 29 March 2016

Ang Iba’t-Ibang Kasilbihan sa Buhay ng Tao
…nagtatanong lang naman
Ni Apolinario Villalobos

Ano ang silbi ng magaling na abogado kung ang kanyang kaalaman ay binabayaran ng mga tiwali sa pamahalaan, mga big time drug dealers, illegal recruiters, landgrabbers, at iba pa upang maabsuwelto sa mga kaso, o di kaya ay binabayaran ng mga talagang may kasalanan upang ang walang sala na walang pambayad sa isang abogado ay makulong?

Ano ang silbi ng katalinuhan ng isang tao kung gagamitin niya ito upang manloko ng kapwa, o di kaya ay upang makapasok sa larangan ng pulitika kung saan ay nagmimistula na siyang demonyo dahil sa walang tigil na pagyurak sa karapatan ng kanyang kapwa na nagluklok sa kanya sa puwesto upang sana ay makatulong, subalit, kabaligtaran ang ginawa?

Ano ang silbi ng naaaaapaaakahabang dasal, ganoong ang gusto lang namang hingin ng nagdadasal ay yaman “pa more”, di kaya ay kapahamakan ng kapwa na sinasabayan pa ng pagtitik ng kandila?

Ano ang silbi ng dasal na maganda pa ang pagka-kuwadro sa mga facebook na nila-like at sini-share, kung ang gumagawa ng mga ito ay hanggang doon lang ang gusto – ang mag-admire lang sa prayer na maganda ang pagka-layout at may background pa, at ang iba ay may accompanying music pa kung i-like, sa halip na bigyan ito ng buhay sa pamamagitan ng paggamit ng nakasaad sa sinasabi? (maski ilang milyong beses pang mag-share ng “love your neighbor” ang isang taong hindi nagbabago ng masamang ugali, wala ring silbi ang ginawa niya).

Ano ang silbi ng malalaking simbahan kung may araw na sarado ang pinto nila dahil ang mga nangangasiwa sa mga ito ay nag day-off?

Ano ang silbi ng mga sinasabi ng bagong santo papa ng Romano Katoliko para sa pagbabago ng ilang mga “pastol” o mga pari kung hindi naman sila sumusunod?

Ano ang silbi ng K-12 program na nagdudulot ng bangungot sa mga magulang kung hanggang  Grade 9 lang ang kaya nilang tustusan, kaya bagsak pa rin ang mga anak nila sa mga contractual na trabaho na sumusweldo ng 200-300 pesos sa isang araw? (nagsayang lang ang mga bata ng dalawang taon na ginugol sa Grade 7- 8, na dapat sana ay katumbas na ng diploma ng high school).

Ano ang silbi ng Kongreso at Senado kung hindi rin lang sila makapagpasa ng mga batas na “angkop” sa mga kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan, dahil mga batas lamang na nakakatulong sa pagtagal nila sa poder ang kanilang inaapura?


Ano ang silbi ng demokrasya kung mismong mga namumuno ay pasimuno sa pag-abuso ng mga karapatan ng mga mamamayan?