Showing posts with label religious. Show all posts

0

Religious Images are meant to Inspire not to be Inspired

Posted on Monday, 2 February 2015



Religious Images are meant to Inspire
Not to be adored
By Apolinario Villalobos

The images of Christian saints, Virgin Mary, and Jesus are supposed to give inspiration. They are not intended to be adored. Something must have gotten wrong during the early stage of conversion that made the practice of image adoration prevalent and deeply-rooted among Filipinos. God has no image, and He is the only One who, mankind should worship. Today, however, the “new” Christians have practically done away with the display of images, while the Catholics have maintained the practice of filling altars with them.

While most Catholics understand the purpose of the images, there are still some who boast their idolatrous adoration of the images, especially, during the fiestas in honor of patron saints. Some even offer foods to them on the altar.

Those whose fervent prayers to the saints are said to have been answered, more than double their devotion, making them their “personal saviors”. Devotees wear scapulars and medallions with images of saints, keep their small photos with short prayers in their wallet, and the more enterprising even come up with prayers and novenas for them to be sold in the sidewalks outside the Catholic churches.

With all those, the Catholic church just look the other way, although, some priests  have become vocal in calling the attention of the devotees about their idolatrous practices, just like what they did during the fiesta of the Black Nazarene.

But, can the devotees be blamed for their action after they have exhausted all means for the alleviation of their lives?  The only one thing that they forgot is to call on God…although, some did, but in so doing, blame Him for their misfortune, instead of thanking Him for the received blessings!

0

Si Tiya Iskang Madasalin

Posted on Tuesday, 30 December 2014



Si Tiya Iskang Madasalin
Ni Apolinario Villalobos

Sa aming bayan, nakalakhan ko na si Tiya Iska na madasalin.  Ang apelyido niya ay Peñalosa. Maliit siyang babae, may lampas balikat na buhok at maliit ang boses. Bago pumutok ang araw ay makikita siyang naglalakad ng halos isang kilometro papunta sa simbahan, may belo ang ulo. Dahil debuto siya ng Mahal na Birhen, ang kanyang puting damit ay nasisinturunan ng sutlang kulay asul na mapusyaw.

Sa misa ay nangingibabaw ang kanyang boses sa pagkanta. At kung oras na ng komunyon, siya ang unang tatayo at halos takbuhin ang harap ng altar upang unang mabigyan ng ostiya. Kung may prusisyon naman, siya ay palaging nasa unahan ng karo ng imahe ng Mahal na Birhen. Namumuno din siya sa mga nobena at pagdasal ng rosaryo. Tuwing Flores de Mayo naman, tumutulong siya sa pagturo sa mga bata ng dasal at kantang pangsimbahan. Nanghihingi din ng tinapay sa mga panaderya upang maipamigay sa mga bata.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nililibak, sa kabila ng kanyang mga ginagawa. Wala naman siyang ginagawang pagpapa-istaring. Ang nakikita ko sa kanya ay ang kaseryusuhan niya sa pagsamba sa Diyos, lalo na sa pagtupad sa kanyang debosyon sa Mahal na Birhen.  Isang beses ko lang siyang nakausap, at noon ay nang inalalayan ko siya papunta sa kumbento dahil nahilo. Pauwi na ako nang hapong yon galing sa klase at nakita ko siyang nakasandal sa puno ng kaimito dahil nahilo. Hindi pala nakakain ng tanghalian.

Nasa high school ako noong masubaybayan ko ang ilang yugto ng buhay ni Tiya Iska. At naalala ko siya sa panahon ngayon na kailangan ang pagbabalik-loob ng tao sa Diyos. May mga pagpipilian ang mga tao: magbalik-Islam, magpaakay tungo sa iba’t ibang sekta ng Kristiyanismo o magbagong-loob bilang Katoliko.

Kung wawariin, hindi dapat ibatay sa kinaanibang grupo o simbahan ang kabanalan o pagkamaka-Diyos ng isang tao. Maging bukal lang sa kalooban ang pagsamba at pagdasal tulad ng ginawa ni Tiya Iska, palagay ko ay maaari na. Dapat walang pagkukunwari ang pananampalataya, tulad din ng ginawa niya.

Alam kong marami pang Tiya Iska ang makikita sa iba’t ibang panig ng mundo. Sila ang salamin natin sa buhay pagdating sa mga bagay na ispiritwal. Huwag tayong bulag o magmaang-maangan, bagkus ay dapat maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng ating mga ispiretwal na kakulangan upang mapunan natin kung ano man ang mga ito. Kung may makita tayong isang Tiya Iska sa panahon ngayon, gayahin na lang natin, huwag libakin….pasalamatan pa dapat dahil naipamukha niya sa atin ang ating mga kakulangan o kamaliang dapat baguhin.