Showing posts with label squatters area. Show all posts

0

On Being Directly Exposed to Various Facets of Life

Posted on Wednesday, 10 May 2017

On Being Directly Exposed to Various Facets of Life
By Apolinario Villalobos

One can learn by browsing through the pages of books and at the present time, by viewing documentaries on TV channels. The knowledge gained out of those is “secondary”, unlike when one experiences first- hand occurrences in life which then, makes him or her some sort of “authority”. Among these instances are those that involve being in the midst of a depressed area, befriending hoodlums and other shady characters, travelling to interesting and unlikely destinations, eating extraordinary foods, going through grueling experience, etc.

In the same manner, sensitive posts such as those in the DILG, DSW, CHR, and many others should be occupied by people who have gained first-hand experience so that they can come up with ideas and decisions, based on “experience”….as much as possible. Unfortunately, various appointments in the government posts are based on “referrals” of friends, associates, or out of gratitude. Later, these appointees, as expected, are proved to be inadequate in carrying their job, and worse, are corrupt!

On the other hand, some may say that a doctor need not be sick of any malady to be able to prescribe a medicine. But then, prescribed medicines are not sure balls to cure as patients are asked to return after a certain period of time to check if what have been prescribed were effective. This situation is in contrast to the shared testimony of patients themselves, who got cured by certain herbs…but which medical “authorities” prohibit.  That is why despite the testimonies of those who have been relieved by herbal medicines, for instance, that go with an advertisement, what follows is a harsh precaution from the DOH that the “medication” has not been proved as effective!....so, why allow the inclusion of the testimonies, if that is the case?...or why allow the ad to be played at all, as it will just create confusion? Relative to this was the practice in the earliest civilized nations, such as those mentioned in the Bible. The practice involved exposure of the sick to the public to attract the attention of passers -by, hoping that among them, one or several who had similar disease and got cured would stop by to give advice.

Today, in the Philippines, some people who have not even stepped on the ground of a depressed area have the temerity to speak about poverty and life in slums despite the limitation of their “exposure” to TV screens and news gleaned from pages of newspapers. They are the detractors of Duterte in his drive against illegal drugs. All they know are just the words “death” and “extra-judicial killings” without even going any further as to the “who” and “why”. They read and view news that the killed guys are from depressed areas or slums. They never get to the depth of the story, especially, on what the drug-hooked criminals have done and could still do if left to roam the streets peddling drugs from their police protectors and evil suppliers, to their equally impoverished neighbors.

These detractors will never understand the situation that resulted from the negligence of the past presidents, because they, who speak about the EJK, only go as far as the air-conditioned malls and drive around the city in their airconditioned car. The furthest that they may have gone to are the touristic destinations where they spent their expensive jaunts. They have not even tried eating in sidewalk carinderias or have taken coffee in makeshift open-air “cafeterias” along side streets of slums.


WHAT I CANNOT UNDERSTAND IS THAT DESPITE THE FACT THAT MAJORITY OF THE POPULATION BENEFITS FROM THE DRIVE OF DUTERTE AGAINST DRUGS, THIS MINORITY MUDDLE HIS EFFORT INSTEAD OF JUST OBSERVING FROM THE SIDELINES AND GIVE HIM A CHANCE….THEN JUDGE HIM AT THE END OF HIS TERM. UNDERSTANDABLY, THEY HAVE THE RIGHT TO SAY ANYTHING, BUT THEY ARE NOT HELPING THE DEMOCRATIC EFFORT OF THE PRESIDENT FOR THE MAJORITY WHO, LIKE THEM HAS ALSO THE RIGHT TO BE PROTECTED BY THE SO-CALLED DEMOCRACY…ESPECIALLY, AGAINST THE CRIMINALS!

0

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo

Posted on Sunday, 11 October 2015

Ang Paglobo ng mga Lunsod sa Buong Mundo
Ni Apolinario Villalobos

Sa internet ay naglipana ang mga retrato ng iba’t ibang lunsod ng mundo na puno ng nagtataasang building at squatter areas o kung sa bagong katawagan ay depressed areas. Kahit na ang mauunlad na bansa tulad ng Japan, China at Amerika ay hindi ligtas sa ganitong pangyayari – paglobo ng populasyon ng tao sa mga lunsod. Hindi na ako lalayo pa, dahil sa Manila mismo ay dati nang may mga depressed areas at nadadagdagan pa sa pag-usad ng panahon, at mga kumpol-kumpol na condo buildings.

Para sa mga sakim na local officials at pulitiko ng Pilipinas, ang tingin nila sa mga taong nakatira sa mga squatter areas ay boto, kaya sila mismo ang humaharang sa pag-relocate ng mga ito…kabawasan kasi sa boto pagdating ng eleksiyon. Ang mga sindikato naman na nagpapagalaw ng malakas pagkitaang prostitution at organized crime, minahan ang tingin nila sa mga lugar na ito, dahil dito sila kumukuha ng mga taong gagamitin upang maisakatuparan ang kanilang mga masamang layunin.

Ang ibang datihan nang nakatira sa lunsod at maayos ang pamumuhay ay nililibak ang mga taong nakatira sa mga iskwater areas, dahil pampagulo lang daw sila. Tingin nila sa mga taong nakatira sa mga lugar na ito ay magnanakaw, puta, lasenggo, sugarol, patay-gutom, parang aso’t pusa na walang alam gawin kundi magpadami ng anak….mga batik ng lipunan.

Hindi lang mga squatter areas ang dumadami, pati na rin ang mga condo building na tinitirhan ng mga may-kaya sa buhay. Ang isang lote na ang sukat ay isang libong metro kuwadrado lang ay maaaring patayuan ng isang condo building na matitirhan ng mahigit isang libong katao, kaya hindi masyadong halata ang dami nila dahil hindi pansinin, hindi tulad ng palapad or palawak na mga tirahan, na kita agad ang dami ng tao. Ang mga ganitong mga klaseng komunidad naman ay may pangangailangan ng malalim at malawak na septic tank, at kung ilang libong tangke ng malinis na tubig araw-araw.

Batay sa binanggit kong mga sitwasyon, ang limang magkakatabing condo building na umuukupa lang ng limang libong metro kuwadradong lupa, halimbawa, ay katumbas na ng isang malawak na depressed area o iskwater, o mahigit pa. Sa dami ng mga nakatira sa mga condo na nagsulputan, hindi nakapagtatakang nagkaroon ng matinding problema sa trapiko ang Manila, kung tatantiyahing ang nakatira sa bawa’t unit ay may isang sasakyan man lang. Sa mga depressed areas naman ay talamak ang nakawan ng tubig na nagiging dahilan ng pagtagas ng mga tubo. Ang pagkakabit naman ng “jumper” upang makanakaw ng kuryente ay nagiging sanhi ng sunog.

Sa pagdami ng mga itinirik na tirahan, mapa-condo building man o barung-barong, nahirapan na rin ang drainage system, na simula pa noong panahon ng mga Amerikano ay hindi halos nabago o napalakihan. Ang mga daluyan ng tubig galing sa mga building at squatter areas ay bumabagsak sa mga estero na dumidiretso naman sa malalaking ilog na napunduhan na ng makapal na burak o sediment sa tagal ng panahon kaya bumabaw. Ang pagbabaw nila ay dahilan ng pagbaha agad kung may malakas na ulan. Dagdag pa rito ang impormasyong siyentipiko, na bumababa ang lupang kinatatayuan ng Manila taun-taon.

Yan ang kalagayan ng metro Manila na bundat at halos pumutok na sa dami ng tao. Subali’t parang wala lang sa gobyerno, dahil ang pag-relocate ng mga iskwater sa mga maayos na tirahan ay hindi naman tuluy-tuloy o consistent. Magri-relocate lang ang gobyerno kung may magrereklamong may-ari ng lupa na iniskwatan, o di kaya ay kung panahon ng pagpapapogi, kung kaylan ay naglilinis kuno ng mga estero ang mga opisyal. At ang masaklap pa, pabagu-bago ang sistemang ginagamit, depende sa mga opisyal nasa poder o may hawak ng kapangyarihan.


Sa mga iskwater na napuntahan ko, kaswal kong tinanong ang mga kaibigan ko kung may balak pa silang umuwi sa pinanggalingan nilang probinsiya. Iba’t iba ang mga sagot, tulad ng: kapag may naipon nang pamasahe; ayaw na dahil wala namang mapagkikitaan sa pinanggalingan nila; ayaw dahil palaging nagkakaputukan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde; ayaw dahil wala naman daw asenso’t nakatali sila sa utang sa may-ari ng lupang sinasaka nila; ayaw dahil mas masarap ang buhay sa lunsod – maraming mall at pasyalan. Yong mga nag-komento naman sa mga blog ko noon na may ganitong tema, sabi ng iba ay uuwi daw talaga sila pagdating ng takdang panahon at mamumuhay na lamang ng matiwasay gamit ang interes ng pera nila sa bangko. Matindi ang komento ng isang magbabasa na ano man ang mangyari ay hindi siya uuwi sa probinsiya nila, kahit sa Pilipinas man lang, at ang dahilan ay ang korap na gobyerno. Sa Amerika kasi siya nakatira ngayon at may “green card” na. Sabi ko na lang sa kanya…good luck!