Showing posts with label Petilla. Show all posts

0

May Silbi Pa Ba Si Pnoy?

Posted on Sunday, 27 July 2014



May Silbi Pa Ba si Pnoy?
Ni Apolinario Villalobos

Lampas tao na ang  kumunoy ng kahihiyan na kinalulubluban ni Pnoy. Pagkalipas ng mahigit apat na taon niyang pamumuno sa ating bansa, wala pa siyang napatunayan upang masabi na isa nga siyang magaling na Presidente. Tingin ng maraming Pilipino tuloy, ang naging puhunan niya upang maluklok sa pwesto ay ang apelyido lang niya. Ang tatay niya, wala ring masyadong accomplishment noon pwera lang sa pagtuligsa kay Marcos. Ang nanay niya, wala ring masabing nagawa dahil lalo pang naghirap ang mga Pilipino noong kapanahunan nito. Pinalamig lang ng nanay niya ang sitwasyon mula sa diktadurya ni Marcos, kaya naging presidente, na ibig sabihin ay umupo lang siya sa isang maituturing na “transition government”.  Bandang huli napatunayan ng maraming Pilipino na ang pinagyayabang na EDSA Revolution ay wala rin palang saysay, at bandang huli ay ikinahiya pa ng maraming sumali dito. May ilalabas daw na libro… ang title ay “Accidental Hero”, kung sino ang tinutukoy, ay hindi pa alam.

Sinira ni Pnoy ang pangakong makikinig siya sa kanyang mga “boss” – ang mga Pilipino. Namaos na sa kasisigaw ang mga Pilipino na alisin niya sa pwesto ang mga inutil niyang mga alalay, pero  hindi niya ginawa. Puro mga kapit-tuko pa rin sila sa pwesto. Ang paliwanag niya, hangga’t hindi daw napatunayang guilty, ay talagang inosente sila. Sabihin na nating kunwari ay hindi pa nga napatunayan kung sa usapang direktang pagkasangkot, pero paano ang tinatawag na “command responsibility”? Dapat nga pati siya ay mag-resign na rin!

Hindi maunawaan ang panggigigil niya sa nakaraang administrasyon ni Gloria Arroyo, na wala daw ginawa at pinamanahan pa siya ng maraming problema. Bakit hindi siya lumampas sa pagtanaw ng mga naunang administrasyon na tadtad din ng katiwalian na hindi nalinis ng pinalitan niyang administrasyon kaya nasalo niya? Hindi lang si Gloria ang maysala…pati ang ina niya, na kung kaylan, sa administrasyon nito, napalaki ang pork barrel ng mga mambabatas! Bakit hindi niya sagutin ang mga katanungan na kung kaninong administrasyon nagsimula ang pag-deregulate ng presyo ng langis?...ng kaliwa’t kanang privatization ng government institutions lalo na ng basic services na sumasaklaw sa tubig at kuryente?...ng pagpapaluwag sa mga batas tungkol sa pagmimina at pagtotroso kaya kaliwa’t kanang nangyayari ang mga ito?...ang Open Skies Policy?...ang pagsali ng Pilipinas sa Wold Trade Organization?...at marami pang iba.

Ang mga sinasabi niyang accomplishments daw ng administrasyon niya na ginamitan ng pondo ng Development Acceleration Program o DAP, pinabubulaanan ng mga taong dapat ay beneficiaries.  Puro outdated ang mga sinasabi niya at ni wala sa katiting ng halagang hinahanap na ginastos niya. Ang sinasabing lista, hindi mailabas-labas ng ahensiyang hinihingan nito, ang Depatment of Budget and Management o DBM, dahil kaya talagang walang ilalabas?  Huwag niyang sabihing malaking accomplishment ang naka-pending na usapin tungkol sa Mindanao dahil may isang bagay siyang nakaligtaang isama o sinadya kayang di isama – ang isyu ng Sabah. Dahil sa ginawa niyang pabara-barang pagsang- ayon sa draft na wala man lang naisama tungkol sa Sabah, para na rin niyang binalewala ang matagal nang pilit na pagbawi ng Pilipinas dito. Bakit pinagpipilitan niyang kasama ang Malaysia bilang tagapamagitan? Wala na bang ibang bansa na mas neutral, at dapat ay walang naka-pending na interes sa Pilipinas?

Ang K-12 na pinagyayabang niya ay ampaw dahil walang kahandaan ang buong bansa para dito…kulang ang mga paaralan…kulang ang mga titser…kulang ng mga batayang subjects…kulang ng kaalaman sa pagturo…at higit sa lahat, kulang sa kahandaan ang mga magulang na nabigla dahil sa lumubo na namang gastusin. Isa itong kahihiyan sa sistema ng edukasyon na hindi nga magawang ayusin ang mga mali sa mga textbooks na naipamudmod na sa mga estudyante – kung baga ay minadali upang maging pera agad! Pagsisipsip ba ng ahensiya ng edukasyon ang K-12, na pinaniwalaan naman niya?

Ilang araw lang ang lumipas, pumutok ang balita na ninakaw daw ang relief goods na nakaimbak sa isang bodega sa Cebu para sa mga Yolanda victims. Bakit  hindi naipamahagi agad ang mga relief goods na dapat ay ubos na dahil sa dami ng dapat bigyan? Kung maalala, may pumutok na balita noong ayaw daw ipa-cover sa media ang pagdating ng mga relief goods sa Cebu na nadiskubreng “minamadyik” ng kinauukulang ahensiya. Marami ang nabahala…ngayon, ito na nga – ninakaw daw! Paanong manakaw, eh, gwardiyado ang bodega? At ang matindi, paiimbistigahan din daw sa DSWD!  Anong gagawin nila, eh, sila nga ang sangkot? Ang masaklap, walang ginawa ang Malakanyang sa panibagong kahihiyan na namang tinamo ng Pilipinas sa harap ng mundo! Pang-ilang bulilyaso na ito ng DSWD? Bakit ang Secretary nandiyan pa?

Puro salita sila sa gobyerno, mag-iimbistiga pero ang mga sangkot hindi napaparusahan, kaya nasilip ang mga kahinaan ni Pnoy bilang Presidente. Sa nakikita ng mga Pilipino, puro paninipsip ang ginagawa ng mga alalay niya sa kanya. Ang pinakahuli ay ang pag-iingay ni Petilla na bigyan  ng “emergency power” ang Presidente upang masolusyunan daw agad nito ang problema sa kuryente… isang kahibangang suhestiyon mula sa isang walang napatunayang Secretary – walang credibility. Wala na nga siyang nagawa maski katiting upang masabi man lang na nagtatrabaho siya, magsa-suggest pa na may kasamang blackmail, na kung hindi mabibigyan ng emergency power si Pnoy, matindi ang dadanasing mga blackout sa susunod na taon! Tindi! Hindi tinanggal si Petilla sa kabila ng kawalan nito ng kagalingan sa larangan ng kuryente, kaya bilang ganti, inirekomenda niyang bigyan ito ng emergency powers…nagkamutan sila ng likod!

Naalala ko ang sinabi ng mga broadcaster at mga manunulat sa diyaryo noon, na ang pagpapatakbo sa gobyerno ng Pilipinas ay parang sa isang school government ng mga estudyante….na pinatatakbo ng isang Student Council!

Sa araw-araw na lang, halos lahat ng mga headlines ay naglalaman ng pagbatikos kay Pnoy, isama pa dito ang mula sa mga kilalang brodkaster at mga surbey na nagpapalabas ng hindi magandang resulta, kaya dapat ay magmuni-muni na siya kung may silbi pa siya sa mga boss niya. Kung may natira pang fighting spirit sa kanya, dapat gamitin niya ito upang linisin ang kanyang administrasyon at magpalinis din siya ng mga tenga upang marinig ang mga isinisigaw ng madlang Pilipino. Higit sa lahat, dumungaw siya sa bintana ng Malakanyang upang maamoy naman ang mabahong hangin mula sa Pasig river at matanaw ang mga iskwater upang matauhan siya!

0

The Doom of Philippine Tourism and the Over-Rated Petilla

Posted on Wednesday, 23 July 2014



The Doom of Philippine Tourism
And the Over-Rated Petilla
By Apolinario Villalobos

The brouhaha over the energy crisis in the Philippines does not help a bit in making all Filipinos realize the magnitude of the problem. The have-nots who comprise a very significant slice of the population do not give it a damn as they are used to it anyway, crisis or no crisis, they are in the dark twenty four hours a day. Those who belong to the thinning percentage of the middle class, are of course, the most vocal about it, even joining rallies. And, the ritzy rich, just don’t give a damn, because all they need to do is run to hotels if blackouts occur or fly out of the country more frequently.

Overall, however, the crisis spells the doom of Philippine tourism which for decades has been developed by airline companies, shipping companies, travel agencies, tour bus operators, resort and hotel operators, restaurant owners, etc. These are the ones who are worried to death. Tourists can be classified generally into two: the first, are those who travel on a shoestring budget, and who require less comfort. The second one, are those who have fat wallets and require total comfort. The shoestring tourist would not mind staying in a lodging house, but with at least running water and electric fan which are necessary even for a minimal comfort. On the other hand, the finicky tourists require luxury, practically, to its last bit.

How do we expect tourists to stay in hotels that suddenly run on noisy generators and with elevators that suddenly stop midway up or down?   Or expect them to enjoy dinner in restaurants that suddenly got enveloped with darkness? Or expect participants to be attentive in a seminar held at an out–of-town venue when they got drenched with sweat due to the aircon units that suddenly conked out?

 Finally, Petilla who heads the agency responsible in monitoring the situation of energy in our country, admitted that indeed, the country is facing an energy crisis until two years from now. It can be recalled that he boastfully declared, and consistently with all seriousness on his face at that, since last year, that the country is safe from such crisis until 2015. Now what? Glaringly, his agency has had no long-range planning as far as their operation is concerned! He has been talking nonsense all the time, trying to give an impression that he is on top of the situation…that he is a bright guy, and that is why the President can’t just kick him out of his office despite clamors because he knows best! He is practically over-rated!

Today, he is noisy with his “suggestion” to give the President emergency power so that the energy crisis can be remedied outright. What remedy is he talking about? The remedy used by the then President Ramos just pushed the country towards damnation – sky rocketing of power rates! Is he talking about deployable barges with generators that run on diesel that will have the same mentioned result? He must be out of his mind, because the rates will prove to be just beyond the reach of the ordinary Filipino. What is irritating is his temerity in habitually giving remarks implying that the Filipinos have no choice but bite the bait or suffer blackouts.

He wasted precious years since the first day of his appointment, by not working on long-range plans and studies on alternative sources of energy. What happened to the inventions of Filipinos that cry for support from the government? Are they just good for archiving after they have been “recorded” for pending patents? What happened to the bright ideas from the students – young inventors of the country? He thought of himself as a bright boy, whose every mumbled word can be relied on as a good decision. He is numb to the real situation. He made use of himself as the mouthpiece of the greedy people behind oil firms by announcing in advance oil price increases. He wallowed in the company of greedy manipulators of Philippine economy.

I think the best thing that Petilla can do is grope his way out of darkness to save what remains of his face from further humiliation due to his inconsistencies and arrogance. That way, too, he can lessen the burden of his friend, the President. He must bail himself out by admitting that his “intelligence” is not enough to solve the energy crisis of the country. This is the best way, rather than be written down in the pages of Philippine history as an Energy Secretary who did nothing but talk and talk….FOR the oil companies regarding their increasing rates…. and TO the Filipinos, to warn them of blackouts to happen!

The country is flooded not only with rainwater during typhoon seasons, but more during the twelve months of the year, with words that come out from the mouth of ludicrous officials!