Showing posts with label commerce. Show all posts

0

Ang Pagnenegosyo

Posted on Wednesday, 27 July 2016

ANG PAGNENEGOSYO
Ni Apolinario Villalobos

Mula noong unang panahon ay uso na ang pagnenegosyo na ginagawa sa iba’t-ibang paraan. Mayroong naglalakbay ng ilang daang milya sa disyerto upang makapagbenta ng ilang blokeng asin sa mga bahagi ng kontinente ng Africa. Mayroong tumatawid ng karagatan upang makipagkalakalan kahit sa pamamagitan ng senyas sa halip na wika. Ang isa sa mga kinilalang  pakikipagkalakalan ay gumamit ng tinawag na “Silk Road” at namayagpag din ang mga Portuguese dahil sa kanilang “Galleon Trade”. Nabanggit sa Bibliya na ang nakapaligid na pader sa templo ng Herusalem ay mga gate na itinalaga sa iba’t ibang uri ng kalakal tulad ng tupa, isda at ibang pagkain, balat ng hayop, etc. Subalit ang pinakamatandang “negosyo” ay ang bentahan ng laman o “flesh trade” na ang puhunan ay katawan.

Sa pakikipagkalakalan, ang unang ginamit na paraan ay sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga itinitinda o “barter”, at napalitan ng paggamit ng mga pinirasong ginto, pilak at tanso, hanggang ang mga ito ay tuluyang ginawang pera na may iba’t ibang katumbas o halaga.  Naglimbag rin ng mga papel na pera at tseke. Ang pinakahuling sistema sa pagbayad ay sa pamamagitan ng credit card, charging sa mga deposito sa bangko gamit pa rin ang credit card, at swiping ng cellphone na may impormasyon tungkol sa halaga ng perang laman nito.

Hindi maiwasang magkaroon ng lokohan o lamangan sa pagnenegosyo. Nangyayari yan ngayon sa pagitan ng mga bansa na may mga kasunduan sa larangan ng negosyo, at umiiral din sa pagitan ng malalaki at maliliit na negosyante. Hindi rin nawawala ang competition o tagisan sa pagitan ng mga negosyante sa pamamagitan ng iba’t ibang media at ang tawag sa hakbang na ito ay “advertisement”.

Ang pinakamatinding elemento ng pagnenegosyo ay may kinalaman sa “inggit”. Sa panahon ngayon, mapapansin ang pagsulputan ng mga magkaparehong negosyo sa iisang lugar. Sa simula ay iisang puwesto ang nakita kaya nagkaroon ng maraming mamimili kaya lumago. Okey lang sana kung ang lugar ay palengke at hindi bukana halimbawa ng isang maliit na subdivision o barangay.  Ang paglago ay nakita ng iba, nagkaroon ng ideya at maski pa i-deny, malinaw ang umiral na inggit. Pwedeng sabihin ng nainggit na pinairal nila ang karapatan sa pagbenta na tama naman, pero ang inggit ay nasa damdamin pa rin nila. Kung hindi sila nainggit, dapat ay nag-isip sila ng ibang mapagkikitaan at hindi pinairal ang masamang panuntunang, “sila lang ba ang may karapatang kumita?” bilang pamimilosopo. Dahil nakigaya lang at biglang dumami, siyempre humina ang kita hanggang sa magkalugian kaya sa kagustuhan nilang ipagpatuloy ang “negosyo” ay umutang at kumagat sa malaking porsiyento.

Hindi dahil may nakikita tayong umasenso sa negosyo ay iisipin na natin na pwedeng mangyari din sa atin. Hindi lahat ng tao ay may pagkatao o personalidad na angkop sa pagnegosyo. Ang iba ay talagang walang hilig sa pagnegosyo, at nakisakay lang sa uso o nainggit. Ang hirap kasi sa iba, masabi lang na “negosyante” ay pinapairal ang kayabangan at inggit. Sa halip din na personal na asikasuhin ang negosyo kahit maliit lang, ay pinapaubaya sa mga taong sinisuwelduhan kaya ang kakarampot na kita ay pumupunta lang sa pangsuweldo at kung minalas ay nakukupitan pa ng kita, kaya doble ang lugi!

Marami akong alam na nagkandalitse-litse ang buhay dahil sa ganitong pangyayari. Ang iba ay nagbenta o nagsanla ng mga ari-arian hanggang sa tuluyang mawala. May iba kasing nakikinig din sa pangbubuyo o sulsol ng mga kaibigan na ang hangad ay makibahagi sa pera ng sinulsulan at hindi sa kikitain ng negosyo kaya sa pagtulong kuno ay okey na sa kanilang bigyan ng  “allowance”, hindi sweldo dahil pangit ang dating…what are friends for nga naman. Dahil diyan, walang pakialam ang nanulsol kung malugi man ang negosyo pagdating ng panahon. Sa sistemang ito, karamihan sa mga nautong “biktima” ay ang mga may-asawang kumikita ng malaki sa abroad, na ang tingin ng iba ay mayaman dahil na rin sa kanilang pagyayabang. Yong ibang asawa ay hindi kini-clear sa kanilang asawa sa abroad ang gagawin. Yong iba namang nagtatapat sa asawa, ay pinipilit ang plano kaya walang magawa ang asawa kundi pumayag. Kapag nalugi ang negosyo, ang susunod ay sisihan at kung malasin ay nagtatapos sa hiwalayan!



0

The Commercialization of Tradition

Posted on Monday, 16 May 2016

The Commercialization of Traditions
By Apolinario Villalobos

Shrewd people see money in everything that man does and needs to do. From birth to death, practically, the life of man is manipulated by these people who created “necessities” without which they made life some sort of miserable to live.

When a mother gives birth, today in the Philippines, it has to done in the designated “birthing center” (Paanakan) in every barangay, or clinic or any hospital if available. If the couple lives kilometres away from such center, a vehicle must be hired to reach it. Resourceful husbands may make use of a cart pulled by a carabao, otherwise, it must be a contracted tricycle or a jeepney. Somehow, though, the use of the birthing center is free as mandated by the law. But for goodwill’s sake, the couple must shell out some cash for the midwife whose services come cheaper compared to giving birth in a clinic or hospital. Even if birthing is done at home, the attending “kumadrona” must still be paid for her services.

Basic needs of babies have flooded the market, from feeding bottles to diapers and cribs. Registration in the local government’s Registrar’s Office requires money for the processing of documents and so is the baptismal ceremony in the local Church, and more cash is needed for the thanksgiving celebration at home, a social venue, or a restaurant. A year after birth and every year thereafter, there is a need to celebrate the “birthday” so the baby needs new clothes and a celebration has to be made either at home or restaurant or burger outlet, at least. (I found out that many of those from the impoverished provinces who found their way to Manila to look for a job have no birth certificate, as they told me that they were not registered in their locality’s Civil Registrar’s office due to their poverty).

Then, of course, the parents have to be given recognition for their sacrifices, so today we have the “Father’s Day” and “Mother’s Day”. Gifts must be bought for them, at least flowers for the loving mother or a new shirt for the hardworking father. When the grown up children decide to get married and have families of their own, their parents become “grandparents”, so there’s also, the “Grandfather’s Day” and the “Grandmother’s Day” to celebrate….presents are needed to be given to show the love of the family. Dine out for bonding needs to be earmarked in the budget. Why the need for such “special” days when it is the obligation of children and grandchildren to show love to them “every day”?

Today, schools require that at least parents of their students must attend the “Family Day”, which personally, I just cannot understand because every second, minute, hour, day, week, month and year, the students are with their family or at least with their parents. So why must they spend precious time and money for food and other “contributions” just to be part of this foolish day, either in school campus or in expensive resorts or any other “educational” venue? I assume that this kind of “tradition” which the Department of Education allows is just an invention of some private schools and which later were imitated by other private schools that see the sparkle of cash in the activity. So, there you have the “Family Day” which many parents view as some kind of a racketeering effort. For, how can it be called a “family” bonding day when only the students and their parents are present while the rest of the members are not…as perhaps, brothers and sisters may be busy in the internet café or having fun with their buddies?

Another school “tradition” is the so-called “Educational Tour” a familiarization of something or someplace, most often, a mall or a resort. Poor students who cannot afford the fee are slapped with research requirements that will see them a whole day or two at the internet shop if they do not have a computer at home. Just imagine the expense to be incurred if the internet cafe would charge almost Php50 per hour plus printing of several pages of researched materials…everything amounting to almost a thousand pesos or more! Such required research comes out as a punishment for not joining the tour. In other words, joining the junket tour or making research will amount to the same expense, although, the former is purely a leisurely activity while the latter is accomplished with much difficulty.  This academic insanity is such that many parents cannot understand how a trip to a mall or resort can be compared to a researched thesis that can be graded. To justify the tour, schools include in the itinerary a trip or two to some facilities like hotel or restaurant if the course is related to tourism. But, can’t teachers show footages of these facilities as a module in the school room?

Of course, as regards recognition, teachers must not be left out because there is now what is celebrated as “Teacher’s Day”, even if some or many of them cannot pronounce the letter “R” properly when speaking in Filipino or any dialect, a mistake that their students perceive as “correct” or “just right”, because their teachers do it.

 When graduation comes, the “traditional” march and ceremonies require toga, photo taking, and new clothes for mama and papa. No amount of warnings from the seemingly helpless Commission on Higher Education and the Department of Education and Culture can stop schools from holding their graduation ceremonies in expensive venues.

And, here’s for the “traditional” marriage for the couples in love. Registration in the Municipal or City Hall requires money. Nuptial ceremonies in the church require money, especially, the outfit for the whole entourage. Then, most especially, the feast for the godparents and well- wishers must be impressive as such occasion happens once in one’s lifetime that can even bring parents to tears. For the unlucky ones who call it quits after just a few years of companionship, filing of legal separation or divorce requires money. Those who persist for years till death, have to celebrate “wedding anniversaries”, very important traditions that require symbolic gifts. The “anniversary” tradition dates back to the pagan days and today, it is being observed by Christians and made more colourful with symbolic gifts, mostly made in China!

But the most outstanding “tradition” that has made many people filthy rich or woefully poor, is the “Christmas” which was not even celebrated by the original Christians, although, it is supposed to be about the birth of Jesus Christ, as what were celebrated  then, were his circumcision and baptism. I need not elaborate on this, as we already know stories of how, impoverished families would squander hard-earned money during this occasion, while wise businessmen laugh their way to the bank!


Finally, when death occurs, the funerary tradition requires money, too. The need to be buried or cremated has given life to the “funeral” and “memorial parks” industries. A lot for two remains could amount to not less than Php200K and some coffins could cost more than a million pesos!

0

Early Trade Relations of the Philippines with China

Posted on Thursday, 15 October 2015

Early Trade Relations of the Philippines with China
By Apolinario Villalobos

While Spain was resolute in her desire to colonize islands with the use of the cross, China was more reclusive, as her rulers were even discouraging the voyages of their people. Nevertheless, the Chinese traders were stubborn in carrying out their occupation to the point of risking their lives in crossing oceans. According to archaeological findings, the natives of the Philippine archipelago had their first contact with the Chinese traders during the Tang Dynasty (A.D. 618-907), based on the discovered pot shards which are now at the National Museum.

The hectic trading activity was recorded during the 13th century. Chinese traders coveted the Filipino products such as, corals, gold, cotton, hard wood, edible nuts, gums, resins, rattan, pearls, and many others. In the course of their trading, the Chinese traders intermarried with native women, while establishing commercial centers, a wise move which checked the entry of other trading nationalities. The first mention of the trading activity in the Philippines by the Chinese was in 982, when merchandise from Ma-I (Mindoro), where brought to Canton.

A clear account of how the trading was conducted was mentioned by Chao-Ju-Kua in 1225, in which he said that as soon as the ships of the Chinese traders dropped anchor where the local official was located, they were boarded for checking, after which the natives were already free to ply their trade with the foreign merchants. A converging place was assigned for this commercial activity.

Trading Chinese vessels were also said to have sailed to “Sanhsi” (three islands), which could have been the reference for central Visayas,  also to “Pu-li-lu” (Polilio), and “Tung-Liu-sin” which could be eastern Luzon.

According to the Ming Annals, embassies from Luzon visited China in 1372 and 1408, and brought with them gifts for the emperor, such as small but strong horses. In return, the emperor gave them silk, copper, cash and other valuable things. There is also an account about Chinese traders bringing gifts to the “King of Luzon”.

Natives of Pangasinan had their share of trading with the Chinese as early as 1406 during the Ming Dynasty. Pangasinan was mentioned in the book of Kiyoshi, published by Toyo Gakubo, where it was referred to by the Chinese traders as “Ping-chia-shih-lan”.


When the Spaniards arrived, they found a Chinese settlement of traders along the Pasig River. This settlement was known then, as “Parian”, and later evolved into what is now known as the Manila Chinatown, the oldest in the world. Among the locals, though, it is more popularly called “Ongpin”.

0

Mga Historical Trivia tungkol sa Pilipinas (part 1)

Posted on Sunday, 5 July 2015



Mga Historical Trivia tungkol sa Pilipinas (part 1)
ni Apolinario Villalobos)

-Bago dumating ang mga Kastila, partikular, si Magellan, malakas na ang pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno sa mga Hapon, Tsino, Cambodians, Indians, Malaysians, Borneans, Moluccans, Javans, at Sumatrans. Balita sa Espanya at iba pang kaharian sa Yuropa ang mga sangkap-panluto na tulad ng pamenta, sili, cinnamon, at iba pa na matatagpuan lamang sa Asya lalo na sa Malacca o Moluccas, at nagpapahaba din ng “buhay” ng hilaw na karne bilang preservative. Ang pakay talaga ng grupo ni Magellan ay ang Moluccas na madaling marating mula sa Pilipinas. Ibig sabihin, itinuring na “transit point” lamang ang Pilipinas. Pangalawang biyahe ni Magellan papunta sana sa Moluccas ang ginawang pagdaong sa mga isla ng Pilipinas, kung saan siya minalas na mapatay ni Lapu-lapu sa Mactan.

-Ang tunay na pangalan ni Magellan na isang Portuguese ay “Fernậo de Magalhậes”. Ang pangalan niya sa Kastila ay “Fernando de Magallanes”, at ang “Ferdinand Magellan” ay sa Ingles naman. Lumipat siya sa pagkiling ng Espanya kahit siya ay Portuguese dahil hindi kinilala ang kanyang naiambag sa mga paglalayag na nagpatanyag sa Portugal. Ininsulto pa siya ng hari noon ng Portugal na si Dom Manuel (the Fortunate) nang humingi siya ng kaunting dagdag na pension. May alipin siyang Asyano na si Enrique, o Henry, na nakatulong ng malaki nang makarating ang grupo niya sa Visayas dahil nakakausap nito ang mga katutubo ng mga isla ng Limasawa, Homonhon at Cebu na una nilang dinaungan. Dalawa ang bersiyon ng kuwento tungkol sa pagkatao ni Enrique. Ang una, siya daw ay anak ng sultan ng Malacca at sa edad na 13 ay sumama sa isang grupong sumalakay sa isang barko ng mga Portuguese at nahuli, pero “sinalo” siya ni Magellan na nagkataong nasa Malacca noon, at dinala siya sa Portugal. Ang pangalawa, siya daw ay isang Visayan na nabihag ng mga pirata at binenta bilang alipin sa Sumatra, hanggang makarating siya sa Malacca. Ang dalawang tawag sa kanya ng mga historian ay, “Henry of Malacca” at “Black Henry”.

-Hindi nagkakaisa ang mga katutubo sa ilalim ng iisang pinuno nang datnan ni Magellan dahil bawa’t isla ay may sariling pinuno o “datu”, at ang may pinakamaraming sakop ay kilala sa tawag na “raha”. Ang unang na-convert sa Kristiyanismo sa Cebu na nakipag-blood compact pa kay Magellan ay si Raha Humabon, pamilya niya at mga sakop. Si Lapu-lapu naman na pinuno ng Mactan ay hindi pumayag at nagbanta pa ng laban kay Magellan kung hindi sila aalis agad. Hindi nakipagtulungan ang mga Kastilang tripulante ng mga galleon na may hinanakit kay Magellan dahil sa pagka-Portuguese nito, sa planong pagsalakay  sa Mactan. Hindi sila bumaba ng mga galleon upang lumusob sa mga naghihintay na tropang katutubo sa dalampasigan ng Mactan. Pinanood lamang nila si Magellan at mga kababayan nitong mga Portuguese habang nakikipagbakbakan sa mga katutubo sa dalampasigan hanggang sa siya ay mapatay.

- Nagkaroon ng “peace negotiation” sa pagitan ng mga katutubo at natirang mga Kastilang tauhan ni Magellan pagkatapos ng labanan. Pinagpalagay ng ilang historian na bilang ganti ay nakipagsabwatan si Enrique kay Raha Humabon na “blood brother” ni Magellan, na nagplano kasama si Lapu-lapu, ng isang salu-salo bilang pamamaalam sa mga Kastila.  Sa salu-salong naganap, minasaker ang mga Kastila, subalit may iilang maswerteng nakatakas at nakabalik sa mga galleon na agad naglayag. Ang mga buhay na mga Kastilang naiwan ay binihag at ibinenta bilang alipin sa mga mangangalakal na Tsino. Si Enrique naman ay pinagpalagay na bumalik sa kanyang pamilya.

-Ang pakay talaga ng mga Kastila sa pagsakop ng mga isla dahil napasubo na sila, ay upang pagkitaan ito batay sa paniwalang mayaman ang mga ito sa ginto at mga sangkap sa pagluto o spices. Upang magtagumpay sila sa pananakop, pinauna muna ang mga misyonaryo, na bandang huli ay nakipagpaligsahan na rin sa mga opisyal, sa pagpayaman. Ang mga misyonaryo ay mga Jesuits o Hesuwita na kinabibilangan ni St. Francis Xavier o St. Francis of Assissi, at mga Dominikano o Dominicans.

-Ang mistulang tatsulok na kapirasong lupain na ngayon ay ang tinatawag na Intramuros ang tinutukoy noon ng mga Kastila na Manila, at ang Pilipinas naman ay tumutukoy sa iilang isla ng Luzon at Visayas, hindi sakop ang buong Mindanao, kahit na may maliit silang kampo noon sa Zamboanga. Ang “Islas Felipinas” na naging “Filipinas” ay hango sa pangalan ng hari ng Espanya noon na si Philip II.

-Ang mga Kastilang hinakot lamang ng galleon mula sa Espanya upang tumira sa Manila ang tinawag na “Manileῆo” o “Filipino” - mga nakatira sa loob ng Intramuros o “Walled City” na ayon sa mga historian ay tumalo sa kagandahan ng ibang mga siyudad sa Yuropa.  Ang tawag sa mga nakatira sa kabilang pampang ng Ilog Pasig (ngayon ay Quiapo at Sta. Cruz) ay mga “Tagalog” (taga-ilog), pero dahil hindi binyagan sa Kristiyano ay tinukoy ding mga “Moro” bilang paghalintulad sa mga “Moors”, mga Moslem na pinalayas mula sa Espanya ng mga Christian Crusaders. Ang iba pang mga nakatira sa kabila ng Ilog Pasig ay mga Intsik na tinawag na “Sangley” isang salitang Amoy na ibig sabihin ay “trader”, at pinilit tumira sa iisang lugar upang makontrol – ang “Parian”, na ngayon ay Chinatown. Ang mga Hapon naman ay pinatira sa hindi kalayuang lugar na ang sentro ay tinatawag ngayong Plaza Dilao. Ang mga nakatira sa mga karatig- lugar ay tinawag na mga “Indio” o “Indian” dahil inihanlintulad naman sila sa mga katutubo ng mga lugar sa  South America tulad ng Peru at Mexico na unang sinakop ng mga Kastila.

Malinaw dito na ang mga ninuno natin ay inalipin sa sariling bayan. At, ang “Filipino” bilang katawagan ay hindi talaga laan para sa kanila noong panahon ng mananakop na mga Kastila!

0

Ang Globalization at Pilipinas

Posted on Sunday, 29 June 2014



Ang Globalization at  Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ang pagsirit ng mga halaga ng iba’t ibang bilihin, lalo na ng mga pagkain – ito ang bangungot ng globalization na dulot sa Pilipinas. Ang idinulot ay malawakang paghihirap. Kung dati, ang mga umaangal ay ang mga walang regular na trabaho, lalo na yong mga nakatira sa depressed areas, ngayon, halos lahat na ay nag-iingay. Hindi kasama dito ang mga talagang mayayaman na kayang sabayan ang mga pangyayari.

Nakakatawa ang sitwasyon ng Pilipinas sa paningin ng mga taga-ibang bansa. Nandito sa atin ang International Rice Research Institute (IRRI), dalubhasaan ng mga rice scientists at technologists mula sa ibang bansa upang mag-aral ng mga bagay-bagay tungkol sa makabagong kaalaman sa pagtanim ng palay, subali’t  nag-aangkat tayo ng bigas mula sa bansa nila! Isang agricultural country ang Pilipinas, subali’t ang presyo ng sibuyas, bawang at luya ay katulad ng sa mga bansa sa Europe at Amerika na nag-aangkat ng rekadong ito. Ang mga gulay-butil tulad ng monggo, tapilan, at iba pa ay tahimik kaya hindi napansin ang pagsirit din ng mga presyo. Idagdag pa diyan ang pananamantala ng ibang Pilipinong mangangalakal na nagtataas ng mga presyo ng mga dati na nilang paninda, upang sumabay sa kaguluhan, at lalo na ang kalamyaan ng pamunuan ng bansa kaya hindi makontrol ang mga pangyayari.

Ang mga nananamantala para bang sinubukan lang ang pamahalaan kung makakalusot sila…nakalusot nga!... kaya, kaliwa’t kanan ang pagsirit ng mga presyo. May ginagawa din naman ang gobyerno – ang walang katapusang imbestigasyon. Baka isa ito sa ipamamana ng pangulo sa susunod na administrasyon. Wala man lang sinampulan upang maging halimbawa, kaya pati yong tauhan niya na dapat noon pa nag-resign o tinanggal dahil sa kapabayaan, kapit-tuko sa pwesto. Sabagay, maganda ang dahilan niya – siya pala ang may pinakamalaking sweldo!

Nang umupo bilang pangulo si Fidel Ramos, nagsimula ang walang puknat na pagbenta ng mga pag-aari ng bansa na pinalabas na “privatization” upang mapaayos daw ang pagpapatakbo ng mga ito dahil tadtad ng korapsyon. Yong iba, ibinenta dahil “non-performing” o natetengga lang, hindi kumikita. Isang panlilinlang na nakalusot. Mabuti na lang at  naagapan ang pagbenta sana ng historical landmark ng bansa na Manila Hotel. Ang mga ospital na gustong ibenta ay bantay-sarado ng mga militante. Ipapaayos daw ang mga ito upang maging moderno kaya ibebenta ng gobyerno sa mga private corporations. Ang mga lupang kinatitirikan ng mga ospital, hanggang ngayon ay hindi pa nalilipat sa kanila. May malaking dahilan kaya?

Ibenenta ang Fort Bonifacio sa mga negosyanteng Indonesian, ang National Steel sa mga Chinese-Malaysians, Petron sa mga Saudi Arabians, pinuno ang Subic ng mga Taiwanese, ang mga iba’t ibang nakatiwangwang na mga lupa ng bayan, sa iba pang mga banyaga ibinenta at pinatayuan ng mga condo at malls. Ang mga condo, karamihan ay tinitirhan ng mga banyaga dahil hindi kaya ng mga Pilipino ang presyo. Ang mga malls ay pinuno ng mga produkto galing sa ibang bansa, lalo na China at Korea. Ang karamihan sa mga pwesto, pag-aari ng mga banyaga. Saan nakalugar ang mga Pilipino?.....kung hindi mga dispatsadora, janitor at security guards, ang iba nagtitinda  sa mga bangketa!

Ang mga Pilipinong gustong sumabay sa “globalization”, nagbenta ng mga lupain nilang dati ay taniman ng palay, gulay, kape at mga punong-prutas upang ma-develop na subdivision. Ang developer ng malalawak na lupain…mga banyaga! Inasahan ang turismo at may nakitang kapirasong pagbabago subali’t karamihan pa rin ng mga pasilidad para sa industriyang ito ay pag-aari ng mga banyaga, ito ang mga mauunlad na resort sa mga popular na isla tulad ng Boracay.

Pinapalabas na korporasyong Pilipino ang nagpapatakbo sa mga na-privatize na pasilidad para sa tubig at kuryente, subali’t sa loob ng mga korporasyong ito ay may mga banyaga, kaya ganoon din ang kinalalabasan ng lahat, na ang pang-kontrol ng mga ito ay may impluwensiya nila at ito ang nakakapag-alala.

Ang mga likas na yaman tulad ng itim na buhangin na pinagkukuhanan ng mga elementong ginagamit sa makabagong gadget, hantarang hinahakot sa ibang bansa.  Nakatanghod lang mga lokal na opisyal at mga ahensiyang nakatalaga para dito, duda tuloy ng iba,  pati sila ay sangkot sa mga transaksyon – kumita!

Ang masaklap, kung nagtaasan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin, ang tanging naisip agad na gawin ng gobyerno ay umangkat sa ibang bansa. Umabot nga sa punto na pati ang galunggong at pusit ay galing sa Taiwan – frozen!

Ang prinsipyo ng globalization ay umiinog sa maayos at hindi sa kung sino ang nagpapatakbo ng negosyo. Kaya maraming banyagang negosyante sa ating bansa ngayon ay dahil sa ganitong prinsipyo. Ang paniwala ng mga taong may pakana na isali ang bansa sa globalization, mga banyaga lamang  ang may kakayahang mamuhunan o magpatakbo ng negosyo – wala silang tiwala sa kababayan nila. Isa pa, pangangalakal na lang ba ang maaaring pagkitaan? Bakit pinabayaan ang agrikultura na dapat sana ay pinaunlad muna? Alam naman ng lahat na ang bansa ay kabilang sa grupo ng third world countries kaya wala talagang kakayahang makisabay sa mga nakakaangat na mga bansa pagdating sa kalakalan at teknolohiya.

Nagkaroon man ng trabaho ang ibang Pilipino dahil sa globalization, ito ay seasonal lamang at higit sa lahat, kontraktwal, kaya ganoon din ang nangyari, wala pa ring spending capacity ang mga Pilipino, dahil sapat lang o kulang pa ang kita nila. Sinasabi kasi ng mga ekonomista na kung maraming gumagastos, tuloy ang kalakalan, kaya aangat ang ekonomiya ng bansa. Hindi ito nangyari sa Pilipinas. Kaya siguro ang mga may pakana ng globalization ay halatang tahimik, dahil napahiya!

Kung malampasan man natin ang bangungot at magigising pa tayo na buhay, baka ang mabuglawan ng ating mga mata isang umaga ay  mas matinding pangyayari,  na ang nagpapatakbo ng Pilipinas ay hindi Pilipino. Yan ay haka-haka lang naman dala ng matinding panlulumo dahil sa mga nakakabaliw na pangyayari sa ating bansa!