0

Marawi...Oh, Marawi!

Posted on Friday, 7 July 2017

Marawi…Oh, Marawi!
Ni Apolinario Villalobos

Marawi…Oh, Marawi!
Sa ‘yong sinapit, kami’y nakikidalamhati
Nagkagutay-gutay dahil sa mga nag-umpugang lakas
Kaya ngayon, animo ay kalansay na lamang ang mababakas.

Lunsod ng marangyang kultura
Kamaranawang niyayakap ay Islam
At ang iba naman ay ang Kristiyanismo
Subalit nagkakaunawaan kaya walang gulo.

Hindi nagpagapi sa mga Kastila
At kahit sa iba pang mga banyaga
Dugo ng mga magigiting ay dumanak -
Mga bayaning Maranaw, hindi mahahamak!

Nagsimula sa Gitnang Silangan
Adhikaing sa Marawi’y pinagpilitan
Islam nga kung ituring, pero di tanggap
Dahil sa karahasan nito na di mapaglingap.

Maute Group ang nagpasimula
Na sa lunsod ay unti-unting naglipana
At  nagpataranta sa mga naninirahan doon
Nagulat sa mga ratatat at dagundong ng kanyon!

Kalunos-lunos ang mga eksena
Dinig sa mga radyo at TV, lahat ay nakita
Na ikinagulat at nagpayanig sa mga Pilipino
Pangyayaring hindi inasahan, mistulang dilubyo!

Di pinansin kumalat na kuwento
Tungkol sa napansing kilos ng ibang tao
Marami ay dayo, naglipana sa buong lunsod
Na sa daloy ng pamumuhay sila’y nagpatianod.

Nang magkaroon ng perhuwisyo
At sa kapulisan ay dumagsa ang reklamo
Noon lang nalamang di tsismis ang kumalat
Dahil buong Marawi ay nasa loob na ng lambat 

Kaya nang kapulisa’y magsikilos…huli na ang lahat!


Discussion

Leave a response