Showing posts with label General Santos City. Show all posts

0

Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi Pagiging Abnormal

Posted on Thursday, 18 February 2016

Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi
Pagiging Abnormal
Ni Apolinario Villalobos

Hindi abnormal ang mga taong bumabatikos kay Pacquiao. Kung hindi normal ang pagbatikos kay Pacquiao dahil kinumpara niya sa hayop at mas masahol pa nga daw ang ginagawa ng mga bakla at tomboy, ibig sabihin ba ay abnormal ang decision ng NIKE na sipain siya?...abnormal ba ang mga sinasabi ngayon ng mga respetadong international at local sports analysts na mali ang ginawa niya na malinaw na isang “discrimination”? Abnormal ba ang ginagawa ng mga brodkaster at mga bloggers na tumatawag ng kanyang pansin dahil sa “karumal-dumal” at hindi “makatao” niyang ginawa? Para na rin niyang sinabi na dahil “straight” kuno siya, sigurado nang ligtas siya pagdating ng araw ng paghukom. Paanong mangyayari yon ganoong hindi siya naniniwalang NAKIKITA NG DIYOS ANG LAHAT, dahil tulad ni Binay, naniniwala din siyang HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYAN NG KORTE (NG TAO) ANG KASALANAN NG ISANG TAO, ITO AY  INOSENTE!....YAN ANG NAKAKAPANINDIG-BALAHIBONG PANANAW DAHIL HINDI NIYA INISIP NA ALAM NG DIYOS ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA MUNDO!

Ang batayan niya sa kanyang mga sinasabi ay ang Bibliya at sa isang bahagi pa niyan ay nandoon ang mga batas PARA SA MGA ISRAELITA LANG NA IBINIGAY NG DIYOS NILA SA KANILA LANG. Nandoon ang mga batas na ginagamit ngayon ng ISIS. Nagbabasa ako ng Bibliya at namimik-ap ng mga ideya na maaari kong magamit, pero hindi ako panatiko at literal na nagpapatupad ng LAHAT  ng nababasa ko. Para sa akin ay tama lang na tandaan for information,  kung ano ang mga nabasa pero ang ipatupad ang mga hindi na applicable o angkop sa kasalukuyang panahon ay ang dapat ituring na ABNORMAL.

Halimbawa ng abnormal na pagpaniwala sa lahat ng sinasabi sa Bibliya ay ang sinabing, huwag mag-alala dahil Diyos na ang bahala sa iyo….na isang malaking kamalian. Dapat tayo ay magsikap pa rin, dahil kung hindi dapat mag-alala ang tao, magiging tamad na siya at aasa na lang sa biyaya. Sa Gitnang Silangan, may mga nagpapairal pa ng batas ng Bibliya na kailangang batuhin hanggang mamatay ang isang nagtaksil sa asawa, putulan ng ari ang isang nanggahasa, putulan ng kamay ang isang nagnakaw, etc.  Marami pang ganyang sinasabi sa Bibliya na literal na pinaniniwalaan ng mga “panatiko”. Sa Pilipinas ay maraming ganyang uri ng panatiko! Kaya mag -ingat tayo sa mga taong utak-ipis na mga ito! Ang masama lang ay baka makarating sila sa Kongreso at Senado….gagawa ng mga batas na “karumal-dumal”.

Walang kwestiyong magaling sa boksing si Pacquiao, subalit minsan na ring nakalog ang utak dahil sa sobrang self-confidence. Itong sobrang self-confidence na dinagdagan pa ng mga sulsol na gusto lang siyang lokohin ang humihila kay Pacquiao pababa.

Napatunayan na sa napakaraming pagkakataon ang pagiging bulag sa katotohanan ng mga taong nalasing sa tagumpay at karangalan kaya nag-akalang si SUPERMAN sila. Taliwas yan sa inakala kong okey si Pacquiao noon na padasal-dasal pa hawak ang rosaryong bigay ng nanay niya bago sumabak sa suntukan sa ibabaw ng ring. Bandang huli, nawala ang rosaryo, pumasok sa pulitika at nagpalit ng religion. Ano ang nangyari?....ang unti-unti niyang pagbagsak!

Ngayon, umabot sa sukdulan ang pagbago ng ugali ni Pacquiao dahil akala niya ay isa rin siyang “huwes” ng Diyos na dapat humusga sa ibang taong masahol pa daw sa hayop ang ginagawa! Ang ginagawa ni Pacquiao na paghuwes-huwesan ay panggagaya sa mga tunay na huwes noong panahon ng Bibliya, silang mga itinalaga ng Diyos dahil wala pang namumunong hari sa mga Israelita.

Upang makakita ng mga naghuhuwes-huwesan, pumunta lang sa tapat ng Quiapo church ngayong Holy Week at maraming makikita doon. Noong nakaraang taon, ang mga nakita ko ay mga may mahabang balbas at pilit na magmukhang si Hesus, may isa pang nakaupo sa “trono” , nakasuot ng puting damit upang magmukhang “diyos ama” at napapaligiran ng mga “disipulo” na ang isa ay umaarteng nagta-trance, pero nang sigawan ko ay “nagising”!


Marami na akong ginawang blog para kay Pacquiao, kasama na ang isang tula. Kahit nagsisimula pa lang siya sa boksing ay marami na siyang inaning tagumpay sa Pilipinas. Subalit sa kalaunan, nagmistula siyang gumuhong bantayog sa aking pananaw….ginagawa rin pala niya ang mga ginagawa ng mga nalalasing sa tagumpay.

0

Ang "Squid Tactic"...bebenta kaya?

Posted on Monday, 30 June 2014



Ang “Squid Tactic”
…bebenta kaya?
Ni Apolinario Villalobos

Ang “squid” tactic ay isang sistema na ang layunin ay malambungan ang mga kasiraan at kahinaan ng isang gobyerno. Panglambong din ito sa mga isyu na nagbibigay ng problema sa nakaupong administrasyon. Maaaring gawin  ito sa pamamagitan ng mga kasiya-siyang proyekto upang malibang ang  mga tao o di kaya ay magpakalat ng nakakabahalang mga isyu tungkol sa seguridad upang mabaling dito ang atensiyon ng mga tao.

Noong panahon ni Marcos, upang ma-divert ang attention sa mga naiipong tanong tungkol sa mga gastos ay nagkaroon ng iba’t ibang international events sa bansa, tulad ng Miss Universe pageants at international film festivals. Nang lumala ang pagkadiskuntento ng mga tao na idinaan sa sunud-sunod na mga protesta, maraming mga isyung naglabasan tungkol sa seguridad ng bansa, lalo na ang mga tungkol sa komunismo, na ang pinakamatindi ay ang pagpasabog sa Plaza Miranda na naging dahilan  sa pag-impose ng Martial Law.

Ngayon kaliwa’t kanan ang mga isyung nagpapalubog sa kasalukuyang administrasyon. Ang pinakamatindi dito ay ang pagkurakot sa kaban ng bayan. Sinundan ng mga pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin. Lalong nagpataranta sa gobyerno ang panawagan ng taong bayan na bumitiw sa tungkulin ang maski mga pinagdududahang mga opisyal tulad ni Abad, Alcala at marami pang iba, na hanggang ngayon ay kapit-tuko sa kani-kanilang pwesto dahil “they serve at the pleasure of the president” daw.

Biglang lumutang ang isyu sa seguridad. Lulusubin daw ng mga terorista ang Davao City, at iba pang malalaking karatig na lunsod tulad ng Cagayan de Oro, General Santos City, Koronadal City, at Zamboanga City. Ang nagbabalak daw nito ay isang grupong pinamumunuan ng isang lider ng Abu Sayyaf na bihasa sa paggawa ng bomba. Ang dahilan daw ay tutol sila sa namuong peace agreemenent sa pagitan ng gobyerno at MILF na nagbigay hudyat sa balak na pagkakaroon ng “sariling pamahalaan” ng pinagkaisang mga piling bayan at lunsod sa Mindanao. Baka daw umabot sa Maynila ang terroristic activities.

Mismong ang presidente pa ang tumawag daw sa mayor ng Davao City. Bakit siya at hindi ang intelligence unit ng Armed Forces at bakit binrodkast agad sa mga media? Bakit noong bago lusubin ng MNLF faction ni Misuari ang Zamboanga, hindi niya tinawagan ang mayor ng Zamboanga? Ano ang gustong palabasin ng administrasyon ngayon?

Dati nang gumagala ang mga terorista sa Mindanao at sa Maynila, media din ang nagsabi nyan. At, ang mga pangingidnap nila ay walang patid, subalit walang magawa ang gobyerno, kaya hindi na ito issue. Nakikita daw ang mga terorista, may sightings – bakit hindi nila hulihin? Bakit kailangang magpalabas pa ng press release? Upang malaman ba ng taong bayan na kumikilos ang Armed Forces at kapulisan, eh, obligasyon naman nila talaga ito?

May nahuli na isang financier daw ng Abu Sayyaf – fine, dapat lang naman dahil trabaho nila.  Nagawa nila ito dahil, tahimik lamang ang ahensiyang nagsagawa. Nalaman nga lang nang mahuli na. Ngayon, sa issue ng terorismo daw na banta sa Davao, bakit kailangang “mag-ingay” to the point na parang nagpa-panic, dahil presidente na mismo ang tumawag sa mayor ng Davao?

Ang mga bagay na may kinalaman sa seguridad ng isang bansa ay hindi inaanunsiyo para hindi mag-panic ang taong bayan. At lalong, upang hindi malaman ng mga kalaban ang mga hakbang na gagawin ng gobyerno.  Bakit hindi ituloy ng mga intelligence units ng gobyerno ang tahimik nilang mga pagkilos upang makahuli uli sa paraang, malaman man ng bayan sa bandang huli ay nagawa na nila?  Isang malaking pagka-iresponsable sa panig ng gobyerno ang manguna na pagpakalat ng pangamba sa sambayanan…. maliban lamang kung may dahilan.

May gusto yata silang lambungan o takpan o i-cover, etc….magtagumpay naman kaya ang layunin nila upang ma-divert ang attention ng taong bayan mula sa isyu ng korapsyon at mga nakakagutom na pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin na nagsisilbing mga blackeye ng gobyerno?

Ang nakakatawa, pinakalat pa sa mga radio stations ang balitang “hindi pa raw nakakakapasok sa Davao City ang mga terrorists at malayo pa sila sa Maynila”, binanggit pa ang pangalan ng lider ng mga terorista!  Nasusubaybayan  pala ng mga “matatalinong” taong gobyernong ito ang kilos ng mga terorista, kaya alam kong saan sila, eh, bakit hindi nila hulihin, para matapos na ang laban? … ungas lang ang maniniwala diyan! Ang nakakabahala ay baka maglabas ng mga fall guys… na naman! Remember…malapit na ang State of the Nation Address (SONA). Dapat may magandang masabi, di ba? Abangan….na lang.

Kung ganito ng ganito ang mangyayari, talagang lalabas na inutil ang gobyerno dahil mismong Armed Forces ay ampaw ang kakayahan sa paglutas ng mga kahalintulad na mga problema, na sinabayan pa ng isyung paglustay ng pera ng taong bayan para sa “pagpaganda” ng tirahan ng namumuno ng Philippine National Police. Ano pa ang aasahan ng taong bayan?