Ang Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi Pagiging Abnormal
Posted on Thursday, 18 February 2016
Ang
Bumatikos sa Maling Ginawa ay Hindi
Pagiging
Abnormal
Ni Apolinario Villalobos
Hindi abnormal ang mga taong bumabatikos
kay Pacquiao. Kung hindi normal ang pagbatikos kay Pacquiao dahil kinumpara
niya sa hayop at mas masahol pa nga daw ang ginagawa ng mga bakla at tomboy,
ibig sabihin ba ay abnormal ang decision ng NIKE na sipain siya?...abnormal ba
ang mga sinasabi ngayon ng mga respetadong international at local sports
analysts na mali ang ginawa niya na malinaw na isang “discrimination”? Abnormal
ba ang ginagawa ng mga brodkaster at mga bloggers na tumatawag ng kanyang
pansin dahil sa “karumal-dumal” at hindi “makatao” niyang ginawa? Para na rin
niyang sinabi na dahil “straight” kuno siya, sigurado nang ligtas siya
pagdating ng araw ng paghukom. Paanong mangyayari yon ganoong hindi siya
naniniwalang NAKIKITA NG DIYOS ANG LAHAT, dahil tulad ni Binay, naniniwala din
siyang HANGGA’T HINDI NAPAPATUNAYAN NG KORTE (NG TAO) ANG KASALANAN NG ISANG
TAO, ITO AY INOSENTE!....YAN ANG NAKAKAPANINDIG-BALAHIBONG
PANANAW DAHIL HINDI NIYA INISIP NA ALAM NG DIYOS ANG LAHAT NG NANGYAYARI SA
MUNDO!
Ang batayan niya sa kanyang mga sinasabi ay
ang Bibliya at sa isang bahagi pa niyan ay nandoon ang mga batas PARA SA MGA
ISRAELITA LANG NA IBINIGAY NG DIYOS NILA SA KANILA LANG. Nandoon ang mga batas
na ginagamit ngayon ng ISIS. Nagbabasa ako ng Bibliya at namimik-ap ng mga
ideya na maaari kong magamit, pero hindi ako panatiko at literal na
nagpapatupad ng LAHAT ng nababasa ko.
Para sa akin ay tama lang na tandaan for information, kung ano ang mga nabasa pero ang ipatupad ang
mga hindi na applicable o angkop sa kasalukuyang panahon ay ang dapat ituring
na ABNORMAL.
Halimbawa ng abnormal na pagpaniwala sa
lahat ng sinasabi sa Bibliya ay ang sinabing, huwag mag-alala dahil Diyos na
ang bahala sa iyo….na isang malaking kamalian. Dapat tayo ay magsikap pa rin,
dahil kung hindi dapat mag-alala ang tao, magiging tamad na siya at aasa na
lang sa biyaya. Sa Gitnang Silangan, may mga nagpapairal pa ng batas ng Bibliya
na kailangang batuhin hanggang mamatay ang isang nagtaksil sa asawa, putulan ng
ari ang isang nanggahasa, putulan ng kamay ang isang nagnakaw, etc. Marami pang ganyang sinasabi sa Bibliya na
literal na pinaniniwalaan ng mga “panatiko”. Sa Pilipinas ay maraming ganyang uri
ng panatiko! Kaya mag -ingat tayo sa mga taong utak-ipis na mga ito! Ang masama
lang ay baka makarating sila sa Kongreso at Senado….gagawa ng mga batas na
“karumal-dumal”.
Walang kwestiyong magaling sa boksing si
Pacquiao, subalit minsan na ring nakalog ang utak dahil sa sobrang
self-confidence. Itong sobrang self-confidence na dinagdagan pa ng mga sulsol
na gusto lang siyang lokohin ang humihila kay Pacquiao pababa.
Napatunayan na sa napakaraming pagkakataon
ang pagiging bulag sa katotohanan ng mga taong nalasing sa tagumpay at
karangalan kaya nag-akalang si SUPERMAN sila. Taliwas yan sa inakala kong okey si
Pacquiao noon na padasal-dasal pa hawak ang rosaryong bigay ng nanay niya bago
sumabak sa suntukan sa ibabaw ng ring. Bandang huli, nawala ang rosaryo,
pumasok sa pulitika at nagpalit ng religion. Ano ang nangyari?....ang unti-unti
niyang pagbagsak!
Ngayon, umabot sa sukdulan ang pagbago ng
ugali ni Pacquiao dahil akala niya ay isa rin siyang “huwes” ng Diyos na dapat
humusga sa ibang taong masahol pa daw sa hayop ang ginagawa! Ang ginagawa ni
Pacquiao na paghuwes-huwesan ay panggagaya sa mga tunay na huwes noong panahon
ng Bibliya, silang mga itinalaga ng Diyos dahil wala pang namumunong hari sa
mga Israelita.
Upang makakita ng mga naghuhuwes-huwesan,
pumunta lang sa tapat ng Quiapo church ngayong Holy Week at maraming makikita
doon. Noong nakaraang taon, ang mga nakita ko ay mga may mahabang balbas at
pilit na magmukhang si Hesus, may isa pang nakaupo sa “trono” , nakasuot ng
puting damit upang magmukhang “diyos ama” at napapaligiran ng mga “disipulo” na
ang isa ay umaarteng nagta-trance, pero nang sigawan ko ay “nagising”!
Marami na akong ginawang blog para kay
Pacquiao, kasama na ang isang tula. Kahit nagsisimula pa lang siya sa boksing
ay marami na siyang inaning tagumpay sa Pilipinas. Subalit sa kalaunan,
nagmistula siyang gumuhong bantayog sa aking pananaw….ginagawa rin pala niya
ang mga ginagawa ng mga nalalasing sa tagumpay.
Discussion