Ano Ba Talaga ang Pag-ibig?
Posted on Wednesday, 3 February 2016
Ano Ba Talaga Ang Pag-ibig?
By Apolinario B Villalobos
Mula pa noong panahong nauna
Ang pag-ibig ay sinisimbolo na ni kupido
Isang
anghel na laging tangan ay pana
Nakaumang sa magsing-irog
At handang magpakawala ng palaso
Na siyang tutusok sa mga puso
Magpapatibok sa mga ito ng mabilis
Hudyat na nabaon na ang pag-ibig
At handang bigkasin ng kanilang bibig.
Marami na ang namatay dahil sa pag-ibig
Marami na rin ang nasiraan ng bait
Marami
rin ang napariwara
Kaya sa
murang gulang ay nagsama
Nagpadami ng supling sa mundong ibabaw
Naging
palamunin at sa kalye’y pakalat-kalat
Walang direksyon ang buhay nguni’t
Kung umasta sila akala mo’y sikat -
Mga katawang nanlilimahid sa gulanit na damit.
Masarap ang umibig kung isip ang magpapanaig
At hindi damdamin na malayo sa utak
Na siyang dahilan ng masakit ng pagbagsak
Kapag natauhan sa bulag na dikta ng damadamin
Na kung umiral ay animo ulap sa kalawakan -
Natatangay ng hangin at hininigop ng init
Patungo sa mga palanas na tigang
Naghihintay na kahi’t ambon ay mabiyayaan
O di kaya’y hamog sa magdamag o kinaumagahan.
Di
dapat umasa ng kung anu-ano na dala ng pag-ibig
Dapat
hintaying kusang ialay ng taong nakakadama nito
Dahil
pagkasiphayo lamang ang idudulot sa umaasa
Kung
hindi dumating ang minimithi
Na nakikimkim ng damdaming kimi;
Na nakikimkim ng damdaming kimi;
Dapat
ding likas na maipakita sa mga kilos
Ang
marubdob na nadarama ng isang umiibig
Huwag
hintaying hingan ng kanyang irog
Ng mga
bagay na sa harap niya ay dapat idulog.
Banal
ang tunay na pag-ibig
Ito ay
hindi libog na sa isang saglit
Kakawala
sa katawang nag-iinit;
Kaakibat
nito’y pagtatanging di nagdududa
At
turingang may respeto sa isa’t isa,
Ang bawa’t tibok ng puso para sa iniirog
Dapat
ay laging dumadaan sa utak
Nang
sa gayon, lahat ng naipapakita sa kilos
At
nasasambit ng bibig ay napag-iisipang lubos.
Di
dapat umasa ng kung anu-ano na dala ng pag-ibig
Dapat
hintaying kusang ialay ng taong nakakadama nito
Dahil
pagkasiphayo lamang ang idudulot sa umaasa
Kung
hindi dumating ang minimithi
Na nakikimkim ng damdaming kimi;
Na nakikimkim ng damdaming kimi;
Dapat
ding likas na maipakita sa mga kilos
Ang
marubdob na nadarama ng isang umiibig
Huwag
hintaying hingan ng kanyang irog
Ng mga
bagay na sa harap niya ay dapat idulog.
Banal
ang tunay na pag-ibig
Ito ay
hindi libog na sa isang saglit
Kakawala
sa katawang nag-iinit;
Kaakibat
nito’y pagtatanging di nagdududa
At
turingang may respeto sa isa’t isa,
Ang bawa’t tibok ng puso para sa iniirog
Dapat
ay laging dumadaan sa utak
Nang
sa gayon, lahat ng naipapakita sa kilos
At
nasasambit ng bibig ay napag-iisipang lubos.
Discussion