Ang Kadakilaan ng Pag-ibig
Posted on Thursday, 4 February 2016
Ang
Kadakilaan ng Pag-ibig
(para
kay Emma Tronco)
Ni Apolinario Villalobos
Sa kaibuturan ng puso’y bumabalong ang
pag-ibig
Mahiwagang damdamin, minsa’y hindi
maunawaan
Nag-udyok sa Diyos upang buhayin ang
sangkatauhan
Nagpaubaya na Kanyang palampasin, unang
Kasalanan.
Ang kadakilaan ng pag-ibig ay hindi kayang
sukatin
Ng mga pagsubok dahil sa pagduda’t
pag-alinlangan
Hindi ito saklaw ng mga pasubaling minsa’y
nabibitiwan
Na sa mga labi ay namumutawi, dala ng
magulong isipan.
Sa mundong ibabaw, habang buhay ang
magsing-irog
Na sa harap ng altar nagsumpaan, taimtim na
nagdasal
Saksi ang pari, magulang, iba pang sa buhay nila’y mahal –
Tiwala’y pairalin hanggang huling sandali
sa kanila’y daratal.
Tanikala ng pagmamahal ang nagbuklod sa
magsing-irog
May bendisyon ng Diyos, nagpapatibay,
nagpapalakas nito
Di dapat makalas o maputol sa pagkatali ng
dalawang puso -
Anumang panahon o kalagayan, umaaapaw man
ng siphayo!
Discussion