Ang Pagninilya-nilay Tuwing Semana Santa
Posted on Thursday, 11 February 2016
Ang
Pagninilay-nilay Tuwing
Semana
Santa
Ni Apolinario Villalobos
Uumpisahan ko ang share na ito sa pagpuna
tungkol sa ilang bagay tungkol sa ginugunita ng mga Katoliko. Tulad halimbawa
ang “semana santa” na sa Ingles ay “holy week”, at kung tagalugin ay “banal na
linggo” pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ang ginagamit ay “mahal na araw”
na tumutukoy sa “isang araw” lang…anong araw ito? Biyernes santo ba? Sa dasal
na “Hail Mary…” kung sa Tagalog, ito ay “Aba Ginoong Maria…”. Bakit naging
“ginoo” ang birheng Maria? Ang “ginoo” ay pantukoy sa lalaki. Bakit hindi, “Binibining
Maria” o “Ginang Maria” at lalong sana ay “Birheng Maria” dahil siya ay babae?
Sigurado kong marami ang magtataas ng mga kilay sa pagpuna kong ito.
Kaya ko inunahan ng mga pagpuna ang
isinulat kong ito ay upang ipakita na karamihan sa mga gumugunita sa Semana
Santa, ang pananampalataya ay ampaw…walang laman. Ang mga dasal, minimemorays,
hindi pini-feel sa puso. Kung susunod sa mga panuntunan ng simbahan, parang
wala sa sarili kung gawin ito, hindi iniisip. Kaya sa binanggit ko sa unang
paragraph, maaaring kung hindi ko nasabi ay hindi rin mapapansin, dahil sa
ugali ng karamihan na kung i-describe ay “parang wala lang”.
Maraming paraan ang pagtitika at
pagninilay-nilay sa paggunita ng Semana Santa tulad ng pagbisita Iglesia…paramihan ng pinupuntahang
simbahan, subalit ang nakakalungkot ay hindi nila pagpalampas sa pag-selfie sa
harap mismo ng altar! Pagkatapos ng mga pasyalang ginawa ay magpo-post sa
facebook ng mga selfie, pati ng mga pagkaing nabili sa paligid o harap ng
simbahan. Isa pa ring paraan ay ang tinatawag na “staycation”…ang hindi
pag-alis ng bahay o bayan o lunsod kung saan nakatira, dahil marami rin namang
magagawa maski hindi na lumabas pa. Sa ganitong paraan, nakatipid na ay
nakapag-bonding pa sa mga mahal sa buhay, subalit karamihan pala ay nanonood
lang ng mga DVD ng na-miss na mga pelikula!
Ang
mga may perang magagastos, dumadayo pa sa mga bayang nakakaakit din ng mga
dayuhang turista. At ang iba naman ay pinipili ang mga resort, swimming pool
man o dagat upang mas maganda daw ang ambience ng pagninilay o pagmi-meditate….sana. Yong iba kasi, ang pinagninilay-nilayan ay
ang mga naka-bikining nagsi-swimming. Pero, ang matindi ay ang mga astig, na ang
pagninilay ay ginagawa sa harap ng mga bote na ang etikitang nakadikit ay may
imahe ng demonyo at ni San Miguel Arkanghel!
Ang mga pilosopo naman ay nagsasabi na
taunan naman ang pagninilay-nilay at paghingi ng tawad o paglinis ng ispiritwal
na aspeto ng pagkatao, kaya huwag mag-alala kung nakaligtaang magbisita
Iglesia, magpinetensiya, o sumali sa pagbasa ng pasyon sa kasalukuyang taon
dahil marami pang mga taon na susunod, at upang idiin ang pagkapilosopo, may
dagdag pa na: “habang buhay…may pag-asa”.
Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit ang
mundo ay tila niyuyugyog ng mga sunud-sunod na kalamidad? Idagdag pa diyan ang
mga giyera sa pagitan ng magkakapitbahay na mga bansa at pagkalat ng mga
terorista sa iba’t ibang bansa upang maghasik ng karahasan? At huwag ding kalimutan
ang gutom at mga sakit na ang iba ay wala pang lunas.
Dahil sa labis na talino at pagkagahaman ng
tao, nawalan na siya ng katinuan at kinalimutan na ang Manlilikha, kaya hindi
lang simpeng pitik ang nararapat kundi mararahas na pambukas ng kanyang mga
mata at kaisipan!
Discussion