Walang Hangganan ang Taos na Pagmamahal (para kay Rodina Ballena-Marasigan)
Posted on Monday, 8 February 2016
Walang
Hangganan
Ang
Taos na Pagmamahal
(para kay Rodina Ballena-Marasigan)
Madaling sambitin ang “mahal kita”
Subalit ang itanim ito sa puso…kaya ba?
Kung manggaling ang pangako sa ating isip
Malamang bunga lang ito ng isang panaginip.
Mga pagsubok ang kailangang harapin
Upang maging taos ang isang damdamin
Nang ang pangako’y matupad, mapatunayan
Dapat manggaling ito sa puso… at sa
kaibuturan.
Hindi dapat naniniwala sa mga paninira
Ang mga naiinggit, mahilig nitong gumawa
At hindi dapat pagdududahan ang minamahal
Upang samahang matamis, habang-buhay
tatagal!
Note:
kaibuturan – poetic meaning is “deepest
corner” or “deepest part”
Discussion