0

Sa Pagsapit ng Valentine's Day

Posted on Thursday, 11 February 2016

Sa Pagsapit ng Valentine’s Day
Ni Apolinario Villalobos

Marami ang excited sa pagsapit ng Valentine’s Day
May nagbabadyet na ng panggastos come what may
Pagdiriwang na halaw sa nakaugalian ng mga pagano
Na nagpaigting naman sa pagkakaisa ng mga Kristiyano.

Maraming alamat ang nakatha dahil sa araw ni Kupido
Na ang gamit sa pagbuklod ng two hearts ay isang palaso
May kapilyuhan pa mandin kung ito’y kanyang pakawalan
Tungo sa mga pakay na pusong, kung tusuki’y dalawahan.

Si lalaki, kalimitan ay bulaklak ang bigay kay gandang babae
Subali’t may iba namang can afford kaya ang bigay, tsokolate
Ang ibang kapos, wala mang maiabot ay nakakaisip ng gimik -
Ito’y pagsuyong may kasamang init ng yapos at tamis ng halik.

Isang beses isang taon kung itong inaasam na araw ay sumapit
Isang araw ng pag-ibig, ng mga puso at  yakap na napakahigpit
Pero tanong ng ilan, baki’t hindi gawing araw-araw na lang ito?
Upang ang magsing-irog hindi na pasulyap-sulyap sa kalendaryo!








Discussion

Leave a response