Showing posts with label connivance. Show all posts

0

Ang Walang Katapusang Kapalpakan ng Malakanyang...pinakahuli ay imbestigasyon sa "singit-bala"

Posted on Sunday, 1 November 2015

Ang Walang Katapusang Kapalpakan ng Malakanyang
…pinakahuli ay imbestigasyon sa “singit-bala”
Ni Apolinario Villalobos

Talagang ang mga kawatan sa airport terminals ay patuloy na makakalusot, lalo na sa nangyayari ngayong raket na “tanim-bala” dahil sa kalamyaan ng Pangulo. Ni wala ring narinig mula sa pamunuan ng NAIA na si Honrado, pero inaasahan ding pagtatakip ang gagawin niya upang palabasin na “malinis” ang operasyon sa kanyang balwarte. Ang pinakapalpak na desisyon naman ng Malakanyang ay ang kautusan nitong imbestigahan ng DOTC ang mga pangyayari sa airport!

Bakit hind ahensiyang tulad ng NBI ang mag-imbestiga upang walang magdududang may cover-up na gagawin? Ang OTS ay under ng DOTC. Samantala, bakit hindi tanggalin ang lahat ng mga OTS personnel sa airport at iba pang pinagdududahang personalidad na may kinalaman sa pag-inspeksiyon ng mga bagahe? At ang pinaka-importante, bakit hindi i-repeal o baguhin agad ang “batas” tungkol sa pagbitbit ng ammunition, dahil nakita namang maraming butas ito? …na ang halimbawa ay pagturing na kriminal sa pasaherong makitaan ng maski nag-iisang bala, kahit walang baril.

Walang mangyayari sa mga imbestigasyon hangga’t may sinasabing “batas” tungkol sa ammunition. Ang batas ay halatang hindi pinag-isipang mabuti, kaya tuloy nasilip ng mga kawatan sa airport, upang pagkitaan.


Ganyan naman talaga sa Pilipinas…lahat ng mga batas ay maraming butas! Kaya hindi nakapagtataka kung bakit hindi mawala-wala ang korapsyon sa bansa. Nakakahiya!

0

Ang Mga Karumal-dumal na Sabwatan sa Gobyerno

Posted on Friday, 3 October 2014



Ang Mga Karumal-dumal
na Sabwatan sa Gobyerno
ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari ang karumaldumal na sabwatan sa gobyerno. Sa ibang bansa, may magnanakaw man sa gobyerno, paisa-isa lang ang nasasangkot. Pero iba sa Pilipinas, ang effort sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawang wholesale, o bultuhan.

Dalawang klase rin ang mga sangkot – magkakaalyado at magkakapamilya. Systematic pa ang pagnanakaw na ginagawa, mula sa mababang puwesto hanggang sa itaas. Kung baga sa paglinis ng isang lawn gamit ang lawnmower, ay talagang matinding  pagsuyod ang ginagawa nila.

Uumpisahan sa level ng barangay, na ang mga grasya ay tila ambon lamang o wisik muna dahil maliliit ang mga proyekto. Sa level ng bayan at siyudad, malaki na ang mga patak na tila ba umuulan na ng grasya. Kung malaki ang isang bayan, walang sinabi ang four digits na numero…dapat ay six digits. Kung siyudad na ang sinisipsipan ng mga lintang ito, hindi lang seven digits ang usapang grasya kundi eight digits na…mga kung ilang palapag na mga gusali ba naman ang ma-involve…kaya talagang limpak-limpak na milyones ang pinag-uusapan.

At ang mga magkakutsaba… ang mga pinuno mismo at ang mga may hawak ng mga proyektong mga kontraktor na ang tagapamagitan ay mga trusted na tauhan ng mga opisyal. Para hindi naman garapal, ang grasya ay tinatawag na “rebate” in cash, hindi “kickback” na sinaunang salita, wala nang class. Upang makuha ang pakikipagtulungan ng mga miyembro ng konseho, siyempre, may mga sobreng para sa kanila. Kahit noong hindi pa pumutok ang eskandalo laban sa mga Binay, ang mga nabanggit na ang karaniwang kalakaran upang mapagkitaan ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi ko dito sinisinter ang mga Binay…bahala na sa kanila ang Senado.

Ang mga pulitikong pamilya, itinuturing na mayamang “sakahan” ang gobyerno…isang farm na dapat nilang i-“manage” na “maayos”. Kaya pagkatapos ng ama halimbawa sa pagka-mayor, papalitan naman ng anak o asawa. Yong ibang kapamilya naman ay sumasabay na sa ibang level naman ng pamalaan. Kaya hindi lang palitan ng puwesto ang nangyayari kundi, pasahan.

Yong mga hindi namumuno ng political unit, subali’t nasa Kongreso, Senado, o kabinete, ibang style naman ang ginagawa – pakikipagsabwatan sa mga local government unit o mga departamentong nakakahawak ng mga budget para sa mga proyektong idinadaan sa mga NGO’s. Subalit para sigurado ang kita, dumidiretso na sila sa mga NGO, gaya ng iniimbistigahan ngayong mga NGO ni Janet Lim Napoles.

Samantala, ang nasa pinakatuktok ng poder naman, nakapikit ang mga mata. At dahil best friends ang ibang involved, wala itong pakialaman. Pinagtatanggol pa ang mga tiwali sa kabila ng mga naghuhumiyaw na mga katotohanan. Kaya, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at lokohan sa gobyerno ay animo free-for-all. Angkop sa kanila ang kasabihang, “strike while the iron is hot”. Yan ang Pilipinas….ngayon! At ang pananggalang nila palagi ay pinupululitika lamang daw sila, o di kaya ay wala silang kasalanan hangga’t hindi napapatunayan sa korte. Sa Pilipinas lang yan nangyayari!

0

Ang Maging Successful na Corrupt Government Official, Pulitiko, At Kasabwat



Ang Maging Successful na Corrupt
Government Official, Pulitiko, At Kasabwat
Ni Apolinario Villalobos

Mahirap din ang maging corrupt na pulitiko, government official, o ordinaryong citizen na kasabwat. Hindi basta-basta ang pumasok sa karumal-dumal at umaalingasaw na animo ay pusaling larangang ito. May mga investment at may mga isasakripisyo. May mga requirements wika nga, tulad ng mga sumusunod:

  1. Dapat ay nananalaytay sa mga ugat mo ang dugong kulay itim na siya ring nagpapaitim ng budhi at naglulusaw ng konsiyensiya. Ibig sabihin, may lahi kang kawatan, mandarambong, sinungaling, makapal ang mukha, at asal-demonyo. Habang lumalaki ka ay nahuhubog ang pagkatao mo sa isang buhay na walang kinikilala kundi ang kapangyarihan ng pera. Sa madaling salita, nabe-belong ka sa isang tiwaling pamilya na kung tawagin sa English ay “political dynasty”.
  2. Dapat ay wala kang “tunay” na pananalig sa Diyos. Ibig sabihin, kung makita ka sa simbahan o may hawak na rosaryo, ito ay pakitang-tao lamang. Importante ito dahil, makikipagkutsabahan ka rin sa mga tiwaling alagad ng simbahan na babayaran mo upang mag-manage ng ipapatayo mong retreat house.
  3. Dapat nakapag-aral ka ng Public Administration man lamang, pero mas mabuti kung abogasya na. Importante ito upang makabisado mo ang mga batas ng Pilipinas na maraming butas. Kung abogado ka, kaya mong sumagot sa media na alam mo ang ginagawa mo dahil abogado ka, tulad noong hangal na isang opisyal ng MRT.
  4. Dapat kulay kayumanggi ang balat mo. Kung maputi ka kasi o mestisuhin at mestisahin, halata kung ikaw ay napapahiya dahil magba-blush ka. Hindi baleng pandak ka at hindi makita kung paligiran ka ng sangkaterbang mga bodyguards, huwag lang magka-stampede at baka mapitpit ka na ng mga rumaragasang paa.
  5. Kailangan mong magtiyagang magpraktis umaga, tanghali at gabi sa harap ng salamin, na dinuduro at minumura mo ang sarili mo. Lahat ng mga kadupangang* salita dapat isigaw mo sa sarili mong kaharap mo sa salamin, dapat dura-duraan mo pa – upang masanay ka pagdating ng panahong nasa actual na sitwasyon ka na. Ngingiti ka na lang kahit na natutulig ka na sa mga pagmumura ng tao, at ang nasa isip mo na lang ay…”inggit lang kayo dahil wala kayong bilyones na nakurakot”, sabay finger sign in your mind at dagdag ng: “to hell to all of you, suckers!”. Ibig sabihin noon, talagang sagad-buto na ang kayudiputahang** ugali mo.
  6. Kailangang pumunta ka sa isang reputable university o college man lamang. Tumayming at magbayad ng mga estudyante na magbabato sa yo ng mga nilamukos na papel, sabihan mo silang huwag magkamaling gumamit ng bato,  habang sumisigaw ng “corrupt…corrupt”, habang ikaw naman ay parang sira-ulong  nakangising-aso. Isang linggong practice nito pwede na, gagastos nga lang sa pambayad ng mga estudyante. Mas maganda sa UP, mga iskolar ng bayan ang mga nandodoon, at baka makalibre ka pa.
  7. Kailangan mong magpa-semi kalbo na gupit o di kaya ay pakalbo na lang upang kung sa actual na sitwasyon na at may matuwang magbato sa yo ng bulok na kamatis o bugok na itlog at tumama sa ulo mong walang buhok, kunting shampoo lang ang gagamitin mo sa paglinis nito.
  8. Kailagang mong magpatubo ng bigote, para kunwari ikaw ay kontra-bida sa pelikula, na dapat lang dahil bilang corrupt, kontra-bida talaga ang papel mo tunay na buhay, di ba? Kung di mo type ang magpatubo ng bigote, clean look na lang para kung masukol ka ng mga nanggagalaiti sa galit na mga tao, sisigaw ka lang ng: “please maawa kayo, sister ako!” Marami namang ganyan sa gobyerno, nagpapaka-macho pa nga kaya walang problema…nagtatakipan ng kasalanan. Nagkakahawahan na kasi, hindi lang sa pagiging “gitna” kundi pati na rin sa pangangawat sa kaban ng bayan…mga “birds of the same feather” nga ang tawag!...yan ang sabi ng mga taga-barber shop, beauty parlor, at bilyaran.
  9. Kailangang buo ang loob sa pagsabi ng “litseng pulitika, nabiktima na naman ako” with matching emotion na pa-humble. Bitsinan ng mga paawang salita na: “galing ako sa hirap at nakatapos ako ng abugasya dahil nagsikap ako”. Pero ang mga ito ay sa isang press conference lang dapat sabihin, hindi pwede sa hearing dahil masusungalngal ka ng mga tanong na hindi mo masagot at kung maliit ka, baka lalo kang manliliit, at kung maitim ka na, baka lalo ka pang matusta sa kagi-grill ng mga kapwa mo kawatan na nagmamalinis!
  10. Kung ikaw ay nasa poder na, dapat kung ilang patong ng balat sa kawalan ng hiya ang meron ka sa pagsabi na hindi ka aalis sa puwesto dahil gusto mong ipagpatuloy ang mga “pagbabago” kahit para kang hunghang**** sa pagsasabi nito na wala namang katotohanan, dahil wala ka naman talagang nagawa. Tingin lang ng iba ay dapat kumita pa ng milyones ang ibang kaalyado bago mag-goodbye sa puwesto.
  11. At panghuli, dapat “do or die” ang stance mo. Kung baga sa pelikula, para kang bida na tinadtad na ng bala ay humihinga pa rin, upang mapangatawanan mo ang pagkaitim ng iyong budhi at kawalan ng konsiyensiya. Alalahanin mo ang mga kung ilang dekadang pangangawat mo sa gobyerno, tapos binabantaang mawala? Ano sila sinuswerte? Yong maraming nauna nga, ngayon ay naghahalakhakan dahil barya lang sa nakulimbat nila ang “nabawi”…ang iba hindi pa nabibisto!

Postscipt….Malaki ang pasalamat ng mga taong tiwali dahil ang nakalaang parusa ng Diyos sa mga nagkasala sa lupa ay impiyerno. Nagpapasalamat sila dahil HINDI SILA NANINIWALA SA DIYOS!

Mga ibig sabihin ng mga exotic na salita:

kadupangan*              -hi-tech na kababuyan
kayudiputahan**        -hi-tech na kahayupan
kawatan***                -hi-tech na magnanakaw
hunghang****            -hi-tech na baliw