Ang Walang Katapusang Kapalpakan ng Malakanyang...pinakahuli ay imbestigasyon sa "singit-bala"
Posted on Sunday, 1 November 2015
Ang
Walang Katapusang Kapalpakan ng Malakanyang
…pinakahuli
ay imbestigasyon sa “singit-bala”
Ni Apolinario Villalobos
Talagang ang mga kawatan sa airport
terminals ay patuloy na makakalusot, lalo na sa nangyayari ngayong raket na
“tanim-bala” dahil sa kalamyaan ng Pangulo. Ni wala ring narinig mula sa
pamunuan ng NAIA na si Honrado, pero inaasahan ding pagtatakip ang gagawin niya
upang palabasin na “malinis” ang operasyon sa kanyang balwarte. Ang
pinakapalpak na desisyon naman ng Malakanyang ay ang kautusan nitong
imbestigahan ng DOTC ang mga pangyayari sa airport!
Bakit hind ahensiyang tulad ng NBI ang
mag-imbestiga upang walang magdududang may cover-up na gagawin? Ang OTS ay
under ng DOTC. Samantala, bakit hindi tanggalin ang lahat ng mga OTS personnel
sa airport at iba pang pinagdududahang personalidad na may kinalaman sa
pag-inspeksiyon ng mga bagahe? At ang pinaka-importante, bakit hindi i-repeal o
baguhin agad ang “batas” tungkol sa pagbitbit ng ammunition, dahil nakita
namang maraming butas ito? …na ang halimbawa ay pagturing na kriminal sa
pasaherong makitaan ng maski nag-iisang bala, kahit walang baril.
Walang mangyayari sa mga imbestigasyon
hangga’t may sinasabing “batas” tungkol sa ammunition. Ang batas ay halatang
hindi pinag-isipang mabuti, kaya tuloy nasilip ng mga kawatan sa airport, upang
pagkitaan.
Ganyan naman talaga sa Pilipinas…lahat ng
mga batas ay maraming butas! Kaya hindi nakapagtataka kung bakit hindi
mawala-wala ang korapsyon sa bansa. Nakakahiya!
Discussion