0

Dasal...dasal...at dasal pa!

Posted on Thursday, 12 November 2015

Dasal…dasal…at dasal pa!
Ni Apolinario Villalobos

Sa pabago-bagong panahong dulot ay pinsala
sa halip na biyaya…
Sa harap ng kagutumang ating nararanasang
walang katapusan…
At, sa harap ng mga kinatatakutang krimen -
‘wag munang tapusin ang dasal ng “amen”.

Magdasal pa tayo ng marubdob at taimtim
‘wag magmadali…
Sa panahong ang patayan ay kalat sa mundo
piliting ‘wag masiphayo…
basta’t  namumutawi ang dasal sa ating bibig -
sa pag-asa, tayo’y nakahilig!


Discussion

Leave a response