Naisahan ni Duterte ang mga Detractors niya sa Pag-amin ng mga Ginawa niya...hindi siya plastic tulad ng Iba!
Posted on Monday, 30 November 2015
Naisahan
ni Duterte ang Mga Detractors niya sa Pag-amin
ng
mga ginawa niya…hindi siya plastic tulad ng Iba!
Ni Apolinario Villalobos
Sa pinakahuling sinabi ni Duterte, walang
kagatul-gatol na inamin niyang nagkaroon
siya ng iba pang asawa at dinispatsa niya ang mga masasama. Ano pa ngayon ang
uukilkilin sa pagkatao niya dahil ang mga bagay na ito ang mga pinag-iinitan ng
mga mapagkaunwari niyang detractors na kalaban sa pulitika?
Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba
na ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay ay hindi niya itinuring na
“kabit” kundi napamahal din sa kanya kaya hindi niya pinabayaan sa pamamagitan
ng kaya niyang sustento kahit maliit lang…o ang ibang mga opisyal ng gobyernong
nakaupo ngayon na maipakita lang na kunwari ay “macho” ay kung sinu-sino ang
pinapalabas sa media na “kabit” nila… o lalo na yong mga walang konsiyensiyang
pagkatapos buntisin ang nagsmasahe sa kanila sa massage parlor o nai-table sa
beer house ay basta iiwanan, o di kaya ay makapagsustento lang ng malaki sa
kerida ay nangungurakot sa kaban ng bayan?
Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba
na umaming nagdispatsa ng mga salot sa lipunan na maski ilang ulit nang ikinulong
ay nakakalabas pa rin dahil sa piyansa ng mga big time financiers nila, kaya nakakapangholdap
pa rin at nakakapagbenta ng droga na ikinasasama ng mga kabataan (take note: hindi
sapat na “umamin” kaya guilty na siya, dahil legally ay wala pang napatunayang
may dinispatsa siya, at malamang ay “good riddance” pa para sa mga kaanak ng
mga dinispatsa na nakabistong sila ay masama talaga kaya hindi na nagreklamo pa)…o
ang mga magnanakaw na mga opisyal na hindi na nakaisip na dahil sa ginagawa
nila ay marami ang nagugutom at naghihirap, sa pamamagitan ng mga ghost
projects at paggamit ng mga ghost NGO o di kaya ay pakikipagsabwatan sa mga
ito?
Sino ngayon ang asal-demonyo, si Duterte ba
na upang ma-monitor ang nangyayari sa lunsod na kanyang pinamumunuan (Davao
City) ay nagmaneho din ng taxi sa gabi upang personal na makita ang tunay na
sitwasyon…o, ang mga walanghiyang opisyal ng gobyerno na bahagi na ng pagkatao
nila ang pagsisinungaling at pagmamagaling, ganoong kaya lang naman nasa
katungkulan ay dahil sa dinadala nilang apelyido…o yong ni hindi nakaranas na
maipit ng trapik sa EDSA…o nakatikim ng NFA rice?
Iba ang sitwasyon ng Davao kung ihambing sa
ibang bayan o lunsod. Pinagtataguan ito ng mga taong tumatakas sa batas dahil
may ginawang kasalanan sa kung saan mang lalawigan, bayan, o lunsod na
nakapaligid ditong pinanggalingan nila. Pinamumugaran din ito ng mga NPA, lalo
na sa Agdao isang slum area na nasa tabing- dagat, na kung tawagin noon ay
“Nicaragdao”. Ang mga nakatira sa Davao ay nabibilang sa iba’t ibang kulturang
Pilipino, tulad ng Maranao, Maguindanao,
Tausug, Badjao, mga tribu ng Lumad, at mga dayo galing sa Visayas at Luzon –
lahat sila ay dapat pakisamahan at asikasuhin ng patas. Hindi din nalalayo ang
sitwasyon ng Davao sa iba pang lugar na may mga drug pusher. Ngayon, hindi man
100% na tahimik o crime-free ay masasabing kontrolado na nang umupo si Duterte
bilang mayor. Ang dating magulong Agdao ngayon ay tahimik na…panatag na ang
kalooban ng mga naglalakad sa lunsod kahit hatinggabi…walang manlolokong taxi
driver.
Walang mawawala kay Duterte kung ipilit ng
administrasyon na i-disqualify siya na halata naman kahit pa sabihin ng
Malakanyang na hindi sila nakikialam sa desisyon ng COMELEC. Hindi na tanga ang
taong-bayan upang hindi masakyan ang mga sinasabi ng grupo ni Pnoy. Ayaw lang
ng taong bayan na magkaroon uli ng mga marahas na pagkontra dahil wala din
namang magandang mangyayari, tulad ng nakakahiyang resulta ng “EDSA People
Power”, na bandang huli ay halos isumpa ng mga taong nagising sa katotohanan.
Hindi bulag ang taong-bayan upang hindi makita ang mga nilangaw na selebrayson
ng people power kuno na ito, dahil ang mga dumalo ay mga kamag-anak ng mga Aquino
at mga crony nila na lumipat lang mula sa kampo ni Ferdinand Marcos noon, kaya
hanggang Ayala lang sila tuwing mag-celebrate.
Natataranta ngayon lahat ng nasa oposisyon
dahil biglang sumirit ang popularidad ni Duterte at naungusan niya ng
milya-milya si Poe, isang araw lang pagkatapos niyang magdeklarang tatakbo sa
pagka-pangulo. Malas na lang ng mga huling nag-over the bakod dahil mismong si
Duterte ang umayaw sa kanila. Natataranta sila dahil inamin ni Duterte na
walang problema kung si Bongbong Marcos ang ka-tandem niya, na alam ng lahat,
na ang hatak ay “solid north”, at malaki-laki ring bahagi ng Visayas at
Mindanao. Hindi maikakaila na marami pa ring namamayagpag na Marcos loyalist
groups.
Baka sabihin ng mga detractor ni Duterte na
hindi siya maka-Diyos. Tamaan na ng kidlat ang magsabi niyan, lalo na ang mga
nakaupo ngayon sa puwesto! Sila ang hindi maka-Diyos na dapat ay tusukin ng
kidlat dahil nasilaw sa perang ninakaw nila sa kaban ng bayan at hindi na
nagsawa sa mga oportunidad na halos wala na yatang katapusan sa pagdaloy at
tinatamasa nila habang sila ay nasa kapangyarihan!
Bilang huling hirit, baka naman sabihin ng
mga desperadong mapanira na hindi macho si Duterte o di kaya ay anak ito ng
pari o di kaya ay anak sa pagkakasala ng isang artista, o ng isang na-rape na
madre o di kaya ay kapatid sa labas ni Ferdinand Marcos sa labandera nila, para
lang may mabanggit. Ang pinakamagandang gawin sana ng mga nagmamagaling pero
kuwestiyonable din naman ang pagkatao ay magpaka-disente na lang sa
pangangampanya…huwag ipaling ang mga sinasabi sa mga personal na bagay. Sa
halip, sana ang gawin ng mga nangangampanya ay magpaliwanag tungkol sa mga
plano nilang gagawin kung sakaling manalo, tulad ng sinasabi palagi ni Duterte
kung ano ang gagawin niya sa mga drug lords, mga nagnanakaw sa kaban ng bayan,
etc! Huwag silang magpakita ng mala-demonyong ugali at pagkagahaman sa
puwestong inaasam ngayon pa lang, kahit hindi pa tapos ang 2015!
Discussion