Ang Mga Karumal-dumal na Sabwatan sa Gobyerno
Posted on Friday, 3 October 2014
Ang
Mga Karumal-dumal
na
Sabwatan sa Gobyerno
ni Apolinario Villalobos
Sa Pilipinas lang nangyayari ang
karumaldumal na sabwatan sa gobyerno. Sa ibang bansa, may magnanakaw man sa
gobyerno, paisa-isa lang ang nasasangkot. Pero iba sa Pilipinas, ang effort sa
pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawang wholesale, o bultuhan.
Dalawang klase rin ang mga sangkot –
magkakaalyado at magkakapamilya. Systematic pa ang pagnanakaw na ginagawa, mula
sa mababang puwesto hanggang sa itaas. Kung baga sa paglinis ng isang lawn
gamit ang lawnmower, ay talagang matinding pagsuyod ang ginagawa nila.
Uumpisahan sa level ng barangay, na ang mga
grasya ay tila ambon lamang o wisik muna dahil maliliit ang mga proyekto. Sa
level ng bayan at siyudad, malaki na ang mga patak na tila ba umuulan na ng
grasya. Kung malaki ang isang bayan, walang sinabi ang four digits na numero…dapat
ay six digits. Kung siyudad na ang sinisipsipan ng mga lintang ito, hindi lang
seven digits ang usapang grasya kundi eight digits na…mga kung ilang palapag na
mga gusali ba naman ang ma-involve…kaya talagang limpak-limpak na milyones ang
pinag-uusapan.
At ang mga magkakutsaba… ang mga pinuno
mismo at ang mga may hawak ng mga proyektong mga kontraktor na ang
tagapamagitan ay mga trusted na tauhan ng mga opisyal. Para hindi naman
garapal, ang grasya ay tinatawag na “rebate” in cash, hindi “kickback” na
sinaunang salita, wala nang class. Upang makuha ang pakikipagtulungan ng mga
miyembro ng konseho, siyempre, may mga sobreng para sa kanila. Kahit noong hindi
pa pumutok ang eskandalo laban sa mga Binay, ang mga nabanggit na ang
karaniwang kalakaran upang mapagkitaan ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi ko
dito sinisinter ang mga Binay…bahala na sa kanila ang Senado.
Ang mga pulitikong pamilya, itinuturing na
mayamang “sakahan” ang gobyerno…isang farm na dapat nilang i-“manage” na
“maayos”. Kaya pagkatapos ng ama halimbawa sa pagka-mayor, papalitan naman ng
anak o asawa. Yong ibang kapamilya naman ay sumasabay na sa ibang level naman
ng pamalaan. Kaya hindi lang palitan ng puwesto ang nangyayari kundi, pasahan.
Yong mga hindi namumuno ng political unit,
subali’t nasa Kongreso, Senado, o kabinete, ibang style naman ang ginagawa –
pakikipagsabwatan sa mga local government unit o mga departamentong nakakahawak
ng mga budget para sa mga proyektong idinadaan sa mga NGO’s. Subalit para
sigurado ang kita, dumidiretso na sila sa mga NGO, gaya ng iniimbistigahan
ngayong mga NGO ni Janet Lim Napoles.
Samantala, ang nasa pinakatuktok ng poder
naman, nakapikit ang mga mata. At dahil best friends ang ibang involved, wala
itong pakialaman. Pinagtatanggol pa ang mga tiwali sa kabila ng mga
naghuhumiyaw na mga katotohanan. Kaya, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan at
lokohan sa gobyerno ay animo free-for-all. Angkop sa kanila ang kasabihang,
“strike while the iron is hot”. Yan ang Pilipinas….ngayon! At ang pananggalang
nila palagi ay pinupululitika lamang daw sila, o di kaya ay wala silang
kasalanan hangga’t hindi napapatunayan sa korte. Sa Pilipinas lang yan
nangyayari!
Discussion