Ang Mga Tengang Apaw sa Tutule
Posted on Thursday, 16 October 2014
Ang
Mga Tengang Apaw sa Tutule!
Ni Apolinario Villalobos
Inaabuso ng gobyerno ang kaluwagan ng mga
Pilipino –
Halos hindi na kumibo sa kabila ng mga
pasakit na inaabot
dahil sa kapabayaan ng halos lahat na lang
ng mga ahensiya nito.
Puro ngiti at mga pangakong pag-iimbistiga
ang naririnig –
Sa bibig ni Pnoy at mga namumuno sa kanyang
mga ahensiya
at ang paulit-ulit niyang talumpati, inaani
ay palakpakang matulig.
Lito’, at ‘di na alam ng mga Pilipino kung
saan sila susuling –
Dahil kaliwa’t kanan, harap at likuran,
batbat ng mga suliranin
Kaya sa itaas na lang, marubdob na
pagmamakaawa ay ipinaling.
Hanggang kaylan kaya, mga panaghoy nila ay
mangibabaw?
Bulag yata ang mga namumuno, pati na ang
nakangiting Presidente
at ang nakakalungkot, bingi pa, dahil mga
tenga, sa tutule’y umaapaw!
Discussion