Paglalakbay sa Laot ng Buhay
Posted on Friday, 24 October 2014
Paglalakbay sa Laot ng Buhay
(para
kay Zenaida Paragas-Sanque)
Ni Apolinario Villalobos
Ang kapalarang nakaguhit sa palad ng tao
Ay nagbabadya ng buhay na makakamtan
Sa unang sandali pa lamang na paglanghap-
Ng hanging sa mga mata niya’y nagpakurap.
Sa sinapupunan pa mang puno na ng tubig
Kung saan siya ay nagkapintig, nagkabuhay
Ang kapalaran niya’y unti-unti nang
nauukit-
Itinakdang sa kanya, habang buhay
nakadikit.
Sa ibabaw ng mundo, merong laot ng buhay
Nilalaklakbay ng tao tungo sa guhit-
tagpuan
Hindi madali ang paglayag, maraming banta-
Subali’t sa mga matatapang, ito’y ’di
alintana!
Ganyan ang nangyari sa isang tulad ni
Zenaida
Na sa mga balikat ay napaatang ang
pagkandili
At pananagutan sa mga kapatid na nakababata
Nang namaalam sa kanila ang mahal nilang
ina.
Laman ng isip ay kapakanan ng mga
nakababata
Kaya ang sarili niya’y halos ‘di mabigyan-
pansin
Abut-abot na pagtiis ay halos gumupo sa
kanya-
Akala niya ay ganoon na ngang kanyang
tadhana.
Ang Diyos ay mabait, palagi iyang
napapatunayan
Sa taong matiyaga’t loob ay buo sa mga
pagsubok
Kaya sa tulad ni Zenaida na taas-noong
pumalaot
Lahat ng pagtiyaga’t pagtiis niya,
ginhawa’y dulot!
(Zeny is married to Romulo Sanque, a
consistent
honor student during high school days at
NDTC Boys’, till
finally graduating on top of his class.)
Discussion