0

Kalamyaang Desisyon para sa Kalayaan Island

Posted on Thursday, 9 October 2014



Kalamyaang Desisyon Para
Sa Kalayaan Island
Ni Apolinario Villalobos

Ipinatigil ni President Pnoy ang pagpapaayos ng airstrip sa Kalayaan Island upang hindi raw maapektuhan ang kasalukuyang usapin sa West Philippine Sea. Isa na naman itong malamyang desisyon sa tingin ng maraming Pilipino. Para bang sinabi niya na itigil na muna ang improvement project para hindi masayang ang gastos kung matalo ang Pilipinas laban sa Tsina, at lisanin na natin ang isla.

Ang Kalayaan Island ay ang unang islang dinebelop ng Pilipinas bilang pinakamalaking bahura sa noon ay tinatawag na South China Sea, pero ngayon ay unofficially, tinatawag na West Philippine Sea. Bago nagkaroon ng mga istruktura ang Tsina sa isang bahura na naging siyudad na nila, may mga Pilipino nang naninirahan sa Kalayaan, hanggang lagyan  ng marine outpost upang mapangalagaan ito. Ito ngayon ay may kapirasong airstrip na pansamantala, barangay, at eskwelahan.

Ang pansamantalang airstrip na dati nang nakalatag sa isla ay nararapat lamang na ayusin upang mas lalo pang mapangalagaan ang mga naninirahan doon at dapat ituring na walang kinalaman sa usapin laban sa Tsina tungkol sa West Philippine Sea. Hindi maaaring iasa na lamang sa mga maliliit na barko ng Coast Guard at airdropping ang pagdala ng mga pangangailangan ng mga tao sa isla. Hindi rin dapat limitahan sa paggamit ng helicopter ang pagtugon sa mga emergency na pangangailangan ng mga taga-Pag-asa.

Nakakatawa at nakakalungkot, na habang pinatigil ni Pnoy ang napakasimpleng proyekto para sa mga kababayan natin sa Kalayaan, masaya namang pinagpapatuloy ng Tsina ang paglagay ng mga modernong istruktura sa isa pang isla…ang pangalawa na, dahil kumpleto na yong isa, at siyudad na nga. Ang matindi ay hindi lang diretsahang paglagay ng mga istruktura ang ginagawa ng Tsina sa ikalawang bahura, tinatambakan pa ito upang maging malaking isla, at sa mga naunang nakitang retrato, animo ay may nilalatag na mahabang airstrip!  

Ito ay mga nangyayari habang ang usapin ay naaalikabukan at inaagiw sa international court of justice na nakatalaga para sa mga ganitong bagay. Sa kabilang banda, hindi naman pinaniniwalaan ng Tsina ang poder ng kung anumang korte na hahawak sa usapin…yan ang tahasan at kung ilang ulit na sinabi ng Tsina sa lahat ng uri ng media – diyaryo, internet, TV, etc. Kaya, bago natin, mamalayan, abot- kamay na natin ang mga siyudad at bayan ng Tsina sa mga isla ng West Philippine Sea. Baka may balak ang gobyerno na ibenta ang rights natin sa Kalayaan Island sa Tsina upang mapatayuan nila ng mall at mga condo building na may casino…abangan!

May mga ninunong kamag-anak ang mga Aquino sa Tsina, particularly sa Guandong…binisita noon ng nanay niyang si Cory, nang mapatalsik si Marcos, at siya ay umupo bilang Presidente. Nakibahagi sa kasiyahan ang mga Tsino kaya ang tour guide namin sa Tsina noong pumunta ako kasama bilang bahagi ng isang familiarization tour group, ay nagpalit ng pangalan…ginamit niya ang Cory…kamukhang-kamukha din ng dating presidente, payat nga lang, kamag-anak siguro.

Discussion

Leave a response