Pagpupunyagi...kuwento ng buhay ni Elmer Festin
Posted on Sunday, 5 October 2014
Pagpupunyagi
(Kuwento ng Buhay ni Elmer Festin)
By: Apolinario B Villalobos
Ang landas ng buhay na ating binabagtas
Mahirap tahakin lalo na kung tayo’y
nakayapak -
Mga lubak na hindi mapansin ay ating
natitisod
Matatalas na batong di maiwasan ay nayayapakan
Pati tinik ng dahong mariang sumusugat sa
ating talampakan.
Ang taong hindi handa sa pagtahak nitong
landas
Sa ilang hakbang pa lamang niyang magawa -
Kahihinaan na ng loob at pangangatugan na
ng mga tuhod
Hindi malayong babalik sa pinanggalingan
Di kaya’y mangingipuspos at sasalampak na
lamang sa daan.
May isang taong sa murang gulang ay
naglakas-loob
Nagpakatatag at taimtim na nagdasal sa
Panginoon
Na harinawa sa paglisan sa sinilangang
Bantoon, isla ng Rombon
Patnubayan siya sa kanyang paglayag at tatahaking
landas
Bigyan din ng malinaw na pag-iisip at
katawang malakas.
Masakit iwanan ang isang bayang tulad ng
Bantoon
Islang animo’y tuldok sa mapa ng Romblon
Di man pansinin, siya’y mahalagang
itinuring
Ng mga Kastilang dumating noong unang
panahon sa ating bansa
Kaya’t sa aklat ng ating kasaysayan siya’y
naitala.
Ito ang kuwento ng buhay ni Elmer Festin
Isang taong may ngiting agad mapapansin
Napadpad sa Cebu kung saan siya’y nahikayat
Suungin ng buong tapang, masalimuot na
buhay –
Na wala namang pag-atubili at matatag
niyang hinarap.
Ilang taon din siyang dito ay nagturo
Naglinang ng dunong ng mga kabataan
Hanggang sa siya ay kawayan ng kapalaran
Na nangako sa kanyang sa dakong katimugan
Siya ay makakatamo ng pinapangarap na
kasaganaan.
Dala ay kakaunting pera na sa bulsa ay
kakalog-kalog
Pilit winaglit ang pag-aalala at takot sa
dibdib na kakabog-kabog
Hindi rin alintana ang mga tuhod na
nangangatog
Siya ay naglakas-loob na pumalaot at
tumango sa tawag ng kapalaran -
Ipinasa-Diyos na lamang, magiging bunga ng
kapangahasan.
Sa Notre Dame, sa Tacurong siya ay napadpad
Paaralang sa bayang ito ay pinagkakapitagan
Limang mga gusali nang panahong iyon ang
kanyang nadatnan
Pinangangasiwaan ng mga pari at madre na
Oblates of Mary kung tawagin
At katulad ni Elmer, pagtulong sa kapwa ang
sinusunod na adhikain.
Nakitaan siya ng kakaibang sigla sa pagturo
Dahil hindi lang sa mga aklat, mga
estudyante niya ay natuto
Naibahagi rin niya ang kaunti niyang
kaalaman
Pati sa gymnastics na para sa mga estudyante’y
bagong larangan
Kaya napasigla niya ang dati’y matamlay na
kapaligiran.
Anupa’t si Elmer ay nakilala hindi lang sa
loob ng Notre Dame
Dahil ang galing niya sa pagturo, sa iba ay
nakatawag pansin
Kaya nang magkaroon ng Polytechnic Institute
sa bayang ito
Binuksan nila para sa kanya ang kanilang
pinto
Upang makibahagi sa kagalingan ng kanyang
pagturo.
Sa bago niyang malawak na kapaligiran at
hitik sa iba’t ibang halaman
Lalo pang sumidhi ang kanyang hangad na
makahubog ng kabataan
Hindi naman nasayang ang marangal niyang
adhikain
Dahil taos-pusong pasasalamat ay kanyang
naramdaman at natanggap
Mula sa mga estudyanteng binigyan niya ng
pag-asa ang mga hinaharap.
Natupad ang pangarap ni Elmer na maibahagi
ang kanyang kaalaman
Napatunayan niya na kakapusan sa pera ay
hindi hadlang
Hindi rin nasayang ang kanyang pagpunyagi
magmula pa sa kanyang kabataan
Kahi’t sa pagtahak niya sa landas ng buhay
siya’y nakayapak lamang
Dahil alam niyang sa dulo nito’y mayroong
walang hanggang kapayapaan.
(Si
Mr. Festin ang nagbigay ng pagkakataon sa may-akda upang mahasa niya ang
kanyang kakayahan sa pagsulat. Hinirang siya ni Mr. Festin bilang patnugot
(editor) ng “The Green Ember”, pahayagan ng high school department ng Notre of
Tacurong, kahi’t siya ay nasa unang taon pa lamang. Ang tiwala at dagdag-
kaalaman sa pagsulat na ibinigay sa kanya ni Mr. Festin ang naging kasangkapan
niya sa pagharap sa mga pagsubok ng larangang ito. Kulang ang mga kataga ng
tula upang maipadama ng may-akda ang taos-pusong pasasalamat sa taong unang
nagbigay ng tiwala sa kakayahan niya sa pagsulat.)
Discussion