Kaligayahan...para kay Bing Paragas-Calbone
Posted on Friday, 24 October 2014
Kaligayahan
(para kay Bing Paragas Calbone)
Ni
Apolinario Villalobos
Kaligayahan
ang paggising
Sa
haplos ng malamig na simoy
Ng
ginintuang bukang-liwayway
Hudyat
ng bagong araw, bagong buhay.
Kaligayahan
ang mga kapitbahay
Na
ang mga tahanan ay binubuhay
Ng
halakhak ng kasiyahan at ng sigla
Tanda
na sila ay punong-puno ng pag-asa.
Kaligayahan
ang supling na dumating
May
mala-rosas na pisngi, tawa’t ngiti
Na
sa iyo’y nagdala ng luha’t kaligayahan -
Damdaming
halos wala kang mapagsidlan.
Kaligayahan
ang makatulong sa ibang tao
Na
hindi mo inaasahang sa iyo ay ibabalik
Dahil
ang tanging hangad mo’y maipakita
Na
walang katumbas, pagmamahal sa kapwa.
Kaligayahan
ang hindi na maghahangad pa
Ng
mga bagay na sa buhay na ito’y makakamit
Dahil
mas mahalaga ang sa Kanya’y sampalataya –
Maigting
at tagos sa puso na dapat nating nadarama!
(Si
Bing Paragas-Calbone ay nagtapos ng high school sa
NDTGirls
at nangangarap na sana ang NDTC na mahalagang
bahagi
ng lunsod ay lalo pang umunlad upang makatulong
sa
mga kabataan, at sa harap na rin ng tumitinding mga
pagsubok
na dulot ay agam-agam sa mga Pilipino.)
Discussion