Dasal Para sa Mga Dapat Pasalamatan at Dapat Magbago
Posted on Thursday, 2 November 2017
Dasal Para sa Mga Dapat Pasalamatan
At Dapat Magbago
Ni Apolinario Villalobos
Lord…
Salamat sa mga biyayang ibinigay Mo at kasabay niyan ay
isinasama namin ang mga sumusunod, pati na rin ang dasal para sa mga dapat
magbago….
·
ang mga sardinas na nagpakatanga upang maisiksik
sa lata at may makain ang mga kinakapos ng budget o tamad magluto
·
ang mga isdang itinahaya sa ilalim ng matinding
init ng araw upang maging daing na paboritong pangsahog sa mga gulay
·
ang mga isdang tunsoy (variety ng tamban) na
pinausukan upang maging masarap na “tinapang tunsoy” ng Cavite
·
ang mga hayop na kinatay upang ang kanilang
bangkay ay malaplapan ng mga karneng gagawing bacon, tocino, steak at marami
pang ibang mga pagkaing pina-“gwapa” ng mga kemikal upang malapang ng mga carnivorous
na human beings
·
ang mga isda sa karagatan na nilambat upang
mailutong paksiw, inihaw at pinirito
·
ang mga tanim na tinalbusan upang maging green
salad ng mga vegetarian
·
ang mga mister na nagpapakabayani sa pagluto
para sa mga tamad na asawa at anak na walang ginawa kundi magkipagtsismisan sa
kapitbahay at mag-chat, respectively
·
ang mga misis na nagbubulag-bulagan sa
pakikiapid ng kanilang mister for the sake of their children, kaya ayaw
humiwalay
·
ang mga balasubas na ayaw magbayad sa traysikel at
jeep na sinakyan…sana sila ay madapa, eheste…magbago na
·
ang mga estudyanteng nagka-copy/paste ng mga
nire-research kuno sa internet upang gawing thesis…na sana ay magbago ng ugali,
upang hindi masanay sa pandadaya na delikadong maging ugali at magamit nila
kung empleyado na sila ng gobyerno
·
ang mga walang kaluluwang mga nagtitinda sa
palengke na naghuhugas ng mga gulay sa pamamagitan ng sabon panlaba at
nagbababad sa formalin ng mga isa, at tawas sa mga gulay tulad ng talong,
langka, kamatis, sitaw, pipino, at marami pang iba….na sana ay magbago na
·
ang mga nagpaparetoke ng mukha hanggang
magmukhang inambalsamo kaya masakit sa paningin….na sana ay itabi na lang ang
pera at ilimos sa mga pulubi
·
ang mga alagad ng simbahang ayaw pumasok sa mga
squatter’s area dahil takot tamaan ng “Indian pana”…upang sana ay maging
matapang tulad ni Superman at Tarzan
·
ang mga pa-ingles-ingles na mga Pinoy kahit ang
kaharap ay alam na nilang ang pandinig sa salitang nabanggit ay Latin o
Greek….sana ay bumaluktot ang dila ng ilang oras lang upang magkaroon ng
katinuan at magsalita uli sa Tagalog o sariling dialect
·
Etcetera, etcetera, etcetera pa…dahil All
Knowing po naman Kayo ay alam Nyo na kung sino ang mga tinutukoy kong hindi na
mailista dahil nakakapagod na ang pagsambit…
AMEN!
Discussion