Hindi Magandang Pakinggan ang "Nakakainggit Ka"
Posted on Wednesday, 29 November 2017
Hindi Magandang Pakinggan ang
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos
Dapat ay tanggalin sa talaan ng pansariling expression
ang, “nakakainggit ka” dahil lumalabas ang saloobing inggit, kahit pa sabihin
ng nagsambit na ito ay biro lang. Kapag nakikipag-usap sa taong umasenso sa
tamang paraan kaya naging mayaman, dapat ang sabihin sa kanya ay, “ang galing
mo!...tutularan kita!”, o di kaya, “sana ay tumuluy-tuloy ang pag-asenso mo”, o
di kaya, “turuan mo naman ako ng paraan”. Kapag
nagkataong ang kausap mo ay talagang may layuning inggitin ka, pinasaya mo lang
siya kapag sinabihan mo ng, “nakakainggit ka”.
Maraming taong basta na lang naiinggit sa iba. Sila
ang mga tipong ayaw makakita ng mga taong masaya dahil sa tagumpay na tinamo ng
kanilang kapwa. Meron ding ang gusto ay sa kanila mapunta ang lahat ng biyaya
at ang iba ay walang karapatang magkaroon kahit isang piraso nito. Sila ang mga
taong walang hangganan ang pagka-sakim kaya lahat ng paraan ay ginagawa upang
ang iba ay hindi magkaroon ng pagkakataong magtagumpay.
Ilan na ang nakausap kong nagsabi sa akin ng
“nakakainggit ka”. Ang iba ay diretsahan kong sinasabihan ng “magsikap
ka…..huwag mainggit”. Pero ang ibang pasaway na ayaw paawat sa pag-uusisa ay
binabara ko ng, “gayahin mo ako na isang illegal recruiter, nagbebenta ng shabu
at bugaw pa…at kung minsan ay holdaper at kidnaper pa, depende sa mood”. Mula
noon nginingitian na lang niya ako tuwing magsalubong kami…siguro ay hindi na
siya nainggit dahil sa iba’t ibang uri ng “trabaho” ko….sa panaginip.
Discussion