Mga Unsung Heroes ng Bayan
Posted on Monday, 6 November 2017
Mga Unsung Heroes ng Bayan
Ni Apolinario Villalobos
Hindi lang ang mga namatay sa digmaan ang dapat na ituring
na bayani. Para sa akin kung ang
kabayanihan ay kasing-kahulugan ng gawaing mabuti hindi na dapat pang
hintaying mamatay ang isang taong gumawa ng kabutihang karapat-dapat tularan
upang kilalaning bayani. Marami silang nakakalat sa iba’t- ibang panig ng bansa
ang maitututing na bayani tulad ng mga sumusunod:
·
Mga taong nagsasauli sa may-ari ng napulot nga
mga bagay, at kung hindi matunton ay nananawagan sa radio, TV, at facebook. Ang
pinakahuli kong nakilalang gumawa nito ay si G. Ruperto Miranda, 65 years old
na tricycle driver.
·
Mga driver ng lahat ng sasakyang pampubliko
dahil kung hindi dahil sa kanila ay walang masakyan ang mga ordinaryong mamamayang
nagko-commute.
·
Mga konduktor ng mga bus.
·
Mga crew members ng mga airlines at barko.
·
Mga
mekaniko na kumukumpuni ng mga sirang sasakyan.
·
Mga nagtitinda sa palengke at mga katulong nila.
·
Mga guro at iba pang mga empleyado ng mga
pribado at gobyernong opisina.
·
Mga magsasaka, mangingisda, nagko-copra,
nagpuputol ng kahoy sa gubat (lumbermen), tour guides, artista, broadcasters.
·
Mga OFW at seafarers.
·
Mga sundalo at pulis.
·
Mga nagtatrabaho sa malls at food outlets, lalo
na ang mga working students.
·
Marami pang iba…..
Lahat sila ay maituturing na mga bayani ng bayan dahil kung
hindi sa kanila ay hindi mabubuo ang ekonomiya ng bansa.
Discussion