Si Ate Amber ng 94.5 FM, RADIO NATIN...sa lunsod ng Tacurong (Sultan Kudarat)
Posted on Wednesday, 22 November 2017
SI ATE AMBER ng 94.5 FM, RADIO NATIN….sa lunsod ng Tacurong
Ni Apolinario Villalobos
Nakadaupang-palad ko siya sa unang meeting ng City Tourism
Coucil ilang buwan na ang nakaraan. Nagpalitan kami ng mga numero ng cellphone
pagkatapos ng meeting subalit ang ipinangako kung pagbisita sa istasyon nila ay
hindi natutupad dahil sa hindi maiwasang commitments. Palagi nga lang akong
nare-remind tuwing marinig ko ang boses niya sa radio ng mga puwesto sa
palengke. At dahil pareho kaming nagpa-follow sa isa’t isa pagdating sa
facebook, biglang susulpot kung minsan sa messenger ng computer ko ang notice
na “live” siya.
Mahiyain si Ate Amber at siya daw mismo ay nagtaka kung
paano na-transform ang kanyang pagkatao upang maging palasalita hanggang
magamit niya ito upang maging DJ ng Radyo Natin…94.5 FM. Wala daw sa lahi nila
ang may skill sa public speaking….siya pa lang, kaya maski kapamilya niya ay
nagulat nang mapasok niya ang daigdig ng broadcast. Maliban sa pagdi-DJ,
nagho-host din siya ng mga events. Apat na taon na siyang nagho-host ng “Kantahan ng Kabataan” na inii-sponsor ng
lunsod ng Tacurong.
Ayon sa kanya, umiiba raw ang kanyang pagkatao kapag nasa
stage na siya at may hawak na microphone…nalulusaw ang kanyang hiya…nagiging
fearless. Kulang na lang siguro ay sabihin niya sa audience na, “hoy, makinig
kayo sa akin”. Ganoon din siya kapag nasa loob ng booth sa istasyon at ang
kaharap ay mikropono. Napag-isip niya na ang pagiging masaya niya na malalaman
sa timbre ng kanyang boses ay siyang tanging paraan upang mabigyang kasiyahan
ang kanyang mga fans na walang sawang tumatangkilik sa kanya.
Ang tinatamasa niyang tagumpay ayon sa kanya ay hindi
nagpagaang ng kanyang pagkatao upang lumutang sa ere. Nasa lupa pa rin ang
kanyang dalawang paa. Siya pa rin ang babaeng DJ na ang pagngiti ay sinasabayan
ng pag-twinkle ng kanyang mga mata…at para sa mga nakikinig sa radio, ay “yong
babaeng may mataginting na boses”…..si Ate Amber NATIN!
Discussion