Ang Kapistahan ng Imahen ng Patron Saint
Posted on Wednesday, 24 January 2018
Ang Kapistahan ng Imahe ng Patron Saint
Ni Apolinario Villalobos
Suggestions kung ano SANA ang mangyari sa isang kapistahan
ng patron ng isang barangay, bayan, o lunsod:
- Hindi dapat haluan ng kung ano pang activities para CONCENTRATED LANG SA PATRON ANG LAHAT NG ACTIVITIES.
- Kung pista ng isang maliit na bayan na may mga barangay, at least two weeks bago ang kapistahan, SANA ang imahe ng santo ay “pabisitahin” sa lahat ng barangay at hayaang mamalagi ng overnight man lang upang madasalan ng mga thanksgiving prayers, lalo na ng novena at rosary.
- Pagkatapos ng “barangay visitation” ng santo ay ibalik sa simbahan para sa pagbisita naman sa kanya ng lahat ng mga deboto.
- Sa araw ng prusisyon, SANA ay isang “float” lang ang gamitin, na ang nakasakay ay ang patron saint lang at ilang aalalay na tunay na deboto…hindi ang mga pumapapel na mga religious kuno.
- Bago ang pagsapit ng araw ng prusisyon, SANA ay mag-announce ang parish priest ng pag-imbita sa mga deboto na magdala ng sarili nilang patron sa simbahan na bebendisyunan ng pari pagkatapos ng misa sa araw ng prusisyon.
- Sa prusisyon, SANA ay kanya-kanyang bitbit ang mga deboto ng imahe ng patron nila na pwede namang isakay sa tricycle o kariton o topdown na sasakyan na may mga dekorasyon. Magandang magbitbit ng simbolo ng santo ang mga deboto, tulad halimbawa ng kay San Pedro Calungsod ay dahon ng palmer, ang kay San Isidro Labrador ay isang bungkos ng palay, ang sa Our Lady of the Candles ay kandila, etc.
- Nasa pinakahuling bahagi ng prusisyon ang nag-iisang “float” na ang lulan o nakasakay ay ang imahe ng patron ng bayan.
- Kung may mga produktong pwedeng isabay sa pista, SANA dapat ang tawag ay “EXHIBIT” lang, HINDI “FESTIVAL”. Halimbawa ay kung may isang barangay na gustong mag-exhibit ng giant yellow corn na produkto nito, okey lang. Kung may isang organization na gustong mag-exhibit ng kanilang handicraft, okey lang. Kung may gustong mag-exhibit ng giant bibingka na niluto niya, okey lang….etc. Kung may mga magulang na gustong mag-exhibit ng magandang anak nila na pang-beauty contest, okey lang….araw-araw, paistambayin sa loob ng booth nila na palaging nakangiti for photo opportunities.
- Ang mga booth ay pwedeng ilagay sa isang bahagi ng bayan na ire-request sa mayor.
- Hindi SANA pahirapan ng mga kung anu-anong kaek-ekan tulad ng contribution ang mga deboto para lang magamit sa pagpagawa ng mga floats na pang-contest bilang bahagi ng prusisyon. Nakatatawang isipin kung anong pa-contest ang gagawin para sa kapistahan ng isang patron….MAGPAPABONGGAHAN BA NG DAMIT NG PATRON?...MAGPAPADAMIHAN BA NG BULAKLAK SA SASAKYAN NITO NA ITATAPON LANG SA BASURAHAN PAGKATAPOS BILHIN NG KUNG ILANG LIBONG PISO NAGALING SA BULSA NG MGA NAGHIHIRAP NA MGA DEBOTO NA HALOS HINDI MAKABILI NG ISANG KILONG TUYONG DILIS?
Sana ay matakot sa Diyos ang mga taong ang iniisip para sa
kapistahan ng isang patron saint na DAPAT ay payak o simple pero ginagawang
parang pista ng mga pagano.
Discussion