0

Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang "Festival"

Posted on Tuesday, 30 January 2018


Mag-ingat sa Paggamit ng Salitang “Festival”
Ni Apolinario Villalobos

The word “festival” connotes pageantry, a showy presentation about a certain thing being promoted. If something is ATTACHED to it such as “rice”, for example, to come up with “Rice Festival”, dapat ay may maipakitang iba’t ibang uri ng “rice” – mga bagong ani na nasa tangkay, hindi pa nagiling o palay pa lang na bagong ani pero wala na sa tangkay, mga iba’t ibang variety ng bigas, mga iba’t ibang kakaning pang-meryenda gawa sa bigas na malagkit, o iba’t ibang uri ng pagluto nito gamit ang kawayan, palayok, o tela na ginagawa ng mga sundalo sa kabundukan.

If the festival is about egg, halimbawa pa rin…then, let it be called “Egg Festival”. But make sure that the egg is among the primary products of the place that is promoting it para hindi nakakahiya at lumabas lang na naggagaya sa iba pang lugar na MARAMING FESTIVAL. Kung “Egg Festival”, dapat ay may iba’t ibang uri ng itlog – manok, itik, pato, pugo, bugok, balut. At, iba’t ibang pagkaluto tulad ng torta, leche flan, sopas….o, pagpinta ng design sa shells. Pwede ring magpakita ng mga handicraft na ginamitan ng egg shells.

Sa kapistahan ng Our Lady of the Candles o Seora de la Candelaria ay napansin ko ang kasamang  nakasulat na announcement sa tarpaulin na, “Candela Festival” ….at ikinagulat ko. Kung ang ibig sabihin ng “candela” ay “kandila”….nasaan ang mga kandila?...iba’t ibang hugis o kulay man lang ng kandila? At isa pa, hindi produkto ng Tacurong ang kandila. Hindi na dapat gumamit pa ng “candela festival” para lang magkaroon ng impression na malaking event ang kapistahan ng Our Lady of the Candles. KUNG ANG “CANDELA” AY PINAIKLING “CANDELARIA”, ITO AY ISANG OUTRIGHT NA MISINFORMATION!

Hindi dahil ang patron ng Tacurong ay Birheng may hawak na kandila ay kailangan nang magkaroon ng “candela festival”…o “kandila festival” kung ito ang ibig tukuyin, dahil lalabas ito na pagta- “trying hard” o pagmamaang-maangan. Sa uulitin, hindi produkto ng Tacurong ang kandila, dahilan para ma-promote ito.  Okey na kasama sa pista ang singing contest, tiyangge, perya (Spanish –feria) na may mga palaro, ferris wheel, etc., at beauty contest dahil talaga din namang kasama ang mga nabanggit sa pagdaos ng pista mula pa noong panahon ng Kastila.

Ang kapistahan sa February 2 ay pagbubunyi sa Birheng Maria at kung mayroon mang mahalagang dapat gawin ay ang pagdasal ng rosary sa mga barangay…palipat-palipat ng imahen niya sa mga barangay na pagrorosaryuhan at ang pinaka-bisperas ng pista ay para sa pagbalik  nito sa simbahan. Para naman sa prusisyon, dapat ay i-encourage ang mga dadalo na magdala ng imahen ni Birhen Maria na nilalagay sa altar ng bahay upang maisali sa okasyon pagkatapos basbasan ng pari sa simbahan.

ANG BIRHENG MARIA NA MAY HAWAK NA KANDILA  AT BATANG HESUS,  AY TANYAG NA SA BUONG MUNDO KAYA HINDI NA KAILANGAN PANG GAMITAN NG KUNG ANU-ANO PA UPANG MAGKAROON NG ANYONG “FESTIVAL” ANG SAGRADONG OKASYON PARA SA KANYA.

KUNG ANG LAYUNIN NAMAN AY PARA MAKAHATAK NG MGA TURISTA, HAYAAN ANG MGA ITONG HUMUSGA KUNG KARAPAT-DAPAT BANG BALIK-BALIKAN….HUWAG MAGING “TRYING HARD”.  HIGIT SA LAHAT, DAPAT ALALAHANING DINADAOS ANG PISTA BILANG PAGPAPAKITA NG MGA TACURONGNON NG MASIDHING PANANAMPALATAYA NILA SA BIRHENG MARIA DAHIL SA KADAKILAAN NITO….AT HINDI DAHIL SA KUNG ANU-ANO PA.




Discussion

Leave a response