Ang "Pagsabog" sa Tacurong City....isang paliwanag
Posted on Tuesday, 2 January 2018
Ang “pagsabog” sa Tacurong City noong December 31, 2017
…isang paliwanag
Ni Apolinario Villalobos
Entrance lang ng HAPPY videoke bar na katabi ng EN-joy ang nasabugan ng granada noong gabi
ng 31December sa Tacurong City, HINDI MGA BEERHOUSE tulad ng napaulat sa
isang newscast sa TV at sa ilang radio stations. Ayon sa mga kaibigan kong nasa
site, ang dahilan ay isang tipikal na hindi pagkakaunawaan ng mga kostumer.
Nang gabing yon ay dalawang waitress lang ang nagsisilbi sa mga kostumer at ang
isang grupo ay nagpilit na sila lang ang pagsilbihan ng isa sa dalawang
waitress na ikinasama ng loob ng isang grupo. Tumawag ng CVO ang
establisimyento upang mamagitan at napakalma naman daw. Subalit, umalis sandali
ang isang kasama ng grupong sumama ang loob at pagbalik ay may dala na palang
granada na pinasabog na naging sanhi ng sumunod na kaguluhan at kamatayan ng
ilan at pagkasugat ng marami.
HINDI ISANG ACT OF
TERRORISM ANG NANGYARI KUNDI ISANG PANGYAYARI NA SANHI NG HINDI PAGKAKAUNAWAAN
DAHIL SA KAKULANGAN NG WAITRESS NA MAGSISILBI AT UUPO UPANG MAG-ENTERTAIN. HINDI
IMPROVIZED BOMB ANG SUMABOG NA TRADE MARK NG MGA TERORISTA. HUWAG MAMILOSOPO SA
PAGTANONG NG BAKIT “NAKALUSOT” ANG GRANADA DAHIL ANG AKALA NG LAHAT NANG GABING
YON AY OKEY NA ANG NAG-AALITANG MGA GRUPO KAYA WALANG NAGHINALANG KUMUHA NG
GRANADA ANG ISA SA KANILA. DAPAT UNAWAIN NA SANDALING NAWAWALAN NG KATINUAN NG
PAG-IISIP ANG ILANG NAKAINOM NA ANG ALKOHOL AY NAPUPUNTA SA UTAK, SA HALIP NA
TIYAN KAYA NAWAWALAN SILA NG HIYA AT TAKOT….ANG TAWAG NIYAN SA BISAYA AY
“MAOY”.
DAPAT AY ITIGIL NA ANG SPECULATION TUNGKOL SA TERORISMO NA
PILIT PINAPAKALAT NG NG ILANG SEKTOR UPANG MASIRA ANG ADMINISTRASYON NG LUNSOD
NG TACURONG, ANG KAPULISAN NITO….AT, LALO NA NG ADMINISTRASYON NI GOBERNADOR PAX
MANGUDADATU NA LAHAT AY GINAGAWA UPANG MAWALA ANG BANTA NG TERORISMO SA
PROBINSIYA NG SULTAN KUDARAT.
Discussion