Mga Dapat Iwasan ng mga Nagpo-promote ng Turismo at Nagsusulat Tungkol Dito
Posted on Wednesday, 3 January 2018
Mga Dapat Iwasan ng mga Nagpo-promote
Ng Turismo at Nagsusulat tungkol Dito
Ni Apolinario Villalobos
Pagdating sa turismo, dapat ay nakikipagtulungan sa isa’t
isa ang lahat ng mga Pilipno, karaniwan mang mamamayan o mga opisyal ng
pamahalaan. Dapat ay hindi nagpapaligsahan kung aling festival ang
pinakamaganda, kung aling baybaying dagat ang may pinakamaputing buhangin, kung
aling delicacies ang pinakamasarap, etc. Kung may competition sa street
dancing, dapat ituring lang ito na simpleng katuwaang kumpetisyon, kaya nga ang
mga sumasali ay iba ang pinapakita kaysa sa actual na street dancing.
Ang dapat na mangyari ay magkanya-kanya ng promote ng
sariling touristic come-ons nang hindi nagbabanggit ng ibang bayan upang
maiwasan ang paghambing. Masakit sa mata ang mga blogs na nagsasabing “….mas
maganda ang “Iloilo Dinagyang” kung ikumpara sa “Cebu Sinulog” o sa “Antique
Binirayan” o “Kalibo Ati-Atihan”. HAYAANG MGA TURISTA ANG MAGHUSGA.
Sa bagay na ito dapat mag-ingat ang mga nagkukunwaring mga
blogger na mahilig magkumpara ng mga napuntahan at nakita nila. PWEDENG
IKUMPARA ANG SERBISYO AT KALINISAN O KADUMIHAN NG TINIRHANG HOTEL O PENSION
HOUSE….BUT NEVER ANY FESTIVAL OR NATURAL ATTRACTIONS, DAHIL MAY KANYA-KANYA
SILANG KATANGIAN. SAMANTALANG ANG SERBISYO NG TOURISTIC FACILITIES AY MAY
“STANDARDS” NA DAPAT SUNDIN.
HINDI RIN DAPAT IKUMPARA ANG MGA PAGKAIN DAHIL SA TINATAWAG
NA “LOCAL VERSIONS”. HALIMBAWA AY ANG “DINUGUAN” DISH….DAHIL IBA ANG VERSION NG
BICOL, IBA RIN SA ILOILO, ILOCOS,
KATAGALUGAN, AT CHRISTIAN MINDANAO. ANG “PINAKBET” AY GANOON DIN, PATI
ANG IBA PANG LUTUING PILIPINO. KAHIT ANG SIMPLENG TORTANG TALONG AY IBA-IBA RIN
ANG VERSION. KAYA, ANG DAPAT GAWIN AY I-DESCRIBE LANG KUNG ANO ANG
NATIKMAN…HUWAG IKUMPARA SA IBA PANG NATIKMAN NA.
Ang inaasahan ngayon ng Pilipinas upang kumita maliban sa
pag-attract ng investors, ay ang turismo. Kung “maghihilahan” ang iba’t ibang
lalawigan at rehiyon, patuloy na magiging kulelat ang Pilipinas na
napapag-iiwanan na ng iba pang bansa sa timog silangang Asya, tulad ng
Malaysia, Thailand, Indonesia, Myanmar at Vietnam. Naipakita ng mga nabanggit
na bansa maliban sa Thailand, Malaysia at Indonesia na hindi kailangang
magkaroon ng nagtataasang skyscrapers upang makahatak ng mga turista.
Streetfoods na likas sa diet ng mga tao ang hindi nila ikinahihiyang ibandila
sa ibang bansa kaya natugunan nila ang gusto ng mga foreign tourists na
makadanas ng “exotic adventure”. Maliban diyan ay nagpapakita rin sila ng
makulay nilang kultura, hindi ang mga “hiniram” o ginaya sa mga Amerikano o
Tsino.
Discussion