0

Huwag Mong Pagnasahan Ang Hindi Iyo

Posted on Monday, 22 January 2018

Huwag Mong Pagnasahan Ang Hindi Iyo
Ni Apolinario Villalobos

·        Huwag mong pagnakawan ang iyon boss para lang masabing gumaganti ka dahil maliit ang suweldo mo. Mag-resign ka at maghanap ng ibang trabaho.

·        Huwag mong pagnasahan ang magandang asawa ng iba at baka maputulan ka ng pututoy….hindi man gawin sa iyo ng misis mo ay malamang asawa ng pinagnanasahan mo. Kung may pera ka pumunta ka na lang sa beerhouse dahil maraming maganda sa lugar na yan. Kung babae ka magtanong ka na lang sa kumare mo kung saan niya nadampot ang pogi niyang kulukadidang.

·        Kung collector ka ng isang kumpanya o gobyeno, i-remit mo ang nakolekta mo dahil darating ang panahong malalaman din ang ginagawa mong panloloko. Tandaan mong kaya ka na-hire ay dahil pinagkatiwalaan ka.

·        Huwag mong pagnasahan ang karangyaang pinagsikapan ng iba. Magsikap ka upang magkaroon din. Huwag kang mamatay sa inggit dahil kung ilalamay ka baka walang pupunta kung alam ang dahilan ng kamatayan mo – heart attack dahil sa inggit!

·        Huwag mang-apak ng iba upang umangat at maagaw mo ang recognition na dapat ay para sa inapakan o tinungtungan mo. Huwag mong pagnasahan ang kaalaman o skills ng iba dahil may ibang uring ganyan ang ibinigay sa iyo ng Diyos na dapat ay gamitin mo sa maayos na paraan at hindi sa panloloko ng kapwa tulad ng ginagawa ng maraming hinayupak na mga opisyal ng gobyerno.

·        Huwag mong pagnasahan na aabot sa inggit ang kagandahan ng iba dahil kapag pinilit mo at pina-retoke mo ang mukha at katawan mo at ang resulta ay hind bagay sa iyo, hindi ka na maibabalik sa dati mong anyo. Tanggapin mo kung anumang katawan o mukha ang ibinigay sa iyo ng Diyos…tandaan mong nandiyan lang palagi ang nanay mo na pupuri sa iyo kahit nililibak ka ng iba…kung buhay pa siya.



Kung ayaw mong namnamin ang nilalaman ng sini-share kong ito, bahala ka sa buhay mo!




Discussion

Leave a response