Ang Huwarang de Guzman Family ng Tacurong City
Posted on Friday, 23 February 2018
Ang Huwarang DE GUZMAN Family ng Tacurong City
....Notre Damean ang mga anak
ni Apolinario Villalobos
Sa kinainan kong maliit na karinderya sa tabi ng highway papuntang Gansing ay nagpahinga pa ako ng matagal at tama lang pala ang ginawa ko dahil sa lugar na yon ay makakakuha ako ng magandang materyal na pang-blog tungkol sa nakaka-inspire na pagsisikap ng mga tao.
Napag-alaman kong ang nagluluto ng mga ulam ay si Mon na asawa ni Nene. Maraming putahe ang naka-display kaya siguradong madaling araw pa lang ay nagluluto na ito sa bahay nilang hindi kalayuan sa karinderya. Maya-maya ay may dumating na dalagita at walang sali-salitang ibinaba lang ang backpack at naghugas na agad ng mga naipong pinagkainang pinggan at kubyertos. Nang humarap siya sa akin ay nagulat ako dahil sa ganda ng mukha niya at may tindig pa. Siya si CLARISSE anak ng mag-asawang nag-aaral sa NOTRE DAME OF TACURONG BOYS DEPARTMENT..
Panay din ang ngiti niya sa mga kostumer na kumakain - mga drayber ng tricycle na ang biyahe ay papuntang Lambayong. Maya-maya ay dumating naman ang isang lalaki na nagsabit lang ng gamit sa loob ng karinderya at kumuha na ng dalawang timba na lalagyan pala ng mga yelong bibilhin sa isang bahay. Tuluy-tuloy ang kanilang mga kilos at kahit maliit ang puwesto ay parang hindi masikip sa kanila...kung sa English, "orchestrated" ang kanilang mga galaw.
May isa pang kapatid pa si Clarise, si Daphe na nag-aaral din. Ang pantustos sa kanila ay galing sa kinikita ng karinderya at pagta-traysikel ng kanilang tatay. Nang makiusap ako kay Clarise na baka pwede kong i-blog upang maging inspirasyon sila sa iba ay ngumiti pang nagsabi ng, "sige po". Ang tatay at nanay niya ay panay lang din ang ngiti.
Hindi nakakahiyang magdala ng mga bisita sa karinderya nila kung uri ng pagkain lang ang pag-uusapan, kaya siguradong kapag dumating ang mga ka-batch ko ay dadalhin ko sila sa kainang ito.Ang hindi makakaupo ay pwedeng tumayo habang kumakain.
Discussion