Ang Mga Dapat Umiral sa Mga Paruko (Parishes) ng Pilipinas
Posted on Thursday, 8 February 2018
Ang Mga Dapat Umiral sa Mga Paruko (Parishes)
Ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Hindi ko maiwasang maglabas ng saloobin sa isyung ito dahil
sa dami ng napuntahan kong mga paruko na ang mga simbahan ay gustong palakihin
ng mayabang na kura paruko (parish priest), nalaman ko na ang resulta ay ang
pagtiwangwang ng mga ito pag-alis ng mayayabang na pari na may limit o
hangganan ang tour of duty. Ang kawawa ay ang mga parishioners na nagtitiis sa
hindi natapos na pagpapalaki ng simbahan nilang maayos pa rin naman sana.
Sa isang bayan sa southern Luzon, ang isang mayabang na pari
na gustong magpasikat ay umutang sa kanilang Archdiocese nang kung ilang
milyong piso upang mapalaki ang dinatnang simbahan na maayos naman ang
pagkagawa at hindi naman umaapaw kung Linggo. Ang kawawa ay ang mga
parishioners na pinapatawan ng “assigned amount” na donation kuno. Palagi ring
nagpa-fund raising at ang binebentahan ng mga tiket ay mga naghihirap din na
mga parishioners. Ang masaklap pa, pati ang inutang sa Archdiocese ay pilit na
binabayaran pa rin ng mga parishioners kahit umalis na ang pari.
Sa isa pang bayan sa central Mindanao, ang isang bahagi ng
simbahan na kagagawa lang ay binakbak upang magkaroon ng extension…ang halaga
ng project ay milyones! Sa inis ng maraming parishioners, tuloy pa rin silang
nagsisimba pero hindi naman nagbibigay ng donation. Ang iba naman ay sa
kabilang paruko na nagsisimba. Ang nakakabahala ay ang malaking utang na
iiwanan ng mayabang na pari at ang nakatiwangwang na simbahan kapag umalis na
ito.
Sa panahon ngayon, napapaghalata na nawala na ang
pagka-ispirituwal NG ILANG mga pari na ang tour of duty ay kung ilang taon
lang, na hindi inaabot ng sampung taon, isang indikasyon ng politicization ng
sinasabing “vocation” or calling na ito….nagiging professional na. May kuwento tungkol
sa mga bagong naitalagang mga pari sa kanilang parish, na ang ginagawa daw ay
mag-apply agad ng “car plan” dahil pasok sa panahon ng installment
period….hindi ko na sasabihin kung saan manggagaling ang pangbayad na
installment. At hindi lang diyan
nagtatapos ang joke, dahil nag-aagawan daw sila sa malalaking paruko na mayaman
ang mga parishioners...Joke yan!
Pagdating sa mga proyekto, dapat ang umiral ay desisyon ng
mga parishioners na may mga representative naman sa Parish Council….HINDI ANG
SA NAKATALAGANG PARI NA PANSAMANTALA LANG ANG ITATAGAL.
Ang nabanggit na dahilan kung bakit nagsusulputan ang mga
Christian Communities na binubuo ng mga dating Katoliko na tumiwalag dahil sa
nakita nilang kaaliwaswasan ng mga paring baluktot ang pananaw at desisyon.
DAPAT UNAWAIN NG MGA PARING ITO NA SILA AY ITINALAGA UPANG MAGMISA AT GUMAWA NG
IBA PANG SPIRITUAL FUNCTIONS. MINISTERIAL LANG ANG KANILANG FUNCTION BILANG
“PARISH PRIEST” DAHIL ANG MGA DESISYON SA LAHAT NG MGA PANGYAYARI SA PARUKO AY
DAPAT IKINUKUNSULTA SA COUNCIL.
DAPAT DIN AY MAY TRANSPARENCY SA MGA EXPENSES SA PAMAMAGITAN
NG NAGPAPASKIL O PAGLAGAY NG NOTICE SA BULLETIN BOARD TUNGKOL SA LAHAT NG MGA
PINAGGASTUSAN NG PERANG INABULOY NG MGA NAGSISIMBA. KAPAG HINDI GINAWA YAN NG
NAKAUPONG PARISH PRIEST, NANGANGAHULUGANG IBINULSA NIYA ANG PERA!...NAKAKAHIYA
SIYA!
Gusto ko lang linawin na hindi lahat ng parish priest ay
mala-demonyo ang ugali. Marami sa kanila ay mababait. Pero hindi talaga
maitatago ng puting sotana ang maitim na budhi at kawalan ng kaluluwa ng ilan
sa kanila….DAHIL TAO LANG RIN SILA!
Discussion